Pagak na akong tumawa. Hindi pinansin ang huli niyang litanya kahit pa sinugatan na ng katotohanang iyon ang aking puso at parang pinipiga ito nang malala. Mukha ba talaga akong maid ni Vins? Ang ganda ko namang maid kung sakali lang ha? At saka, sino ba ang talipandas na itong inaabala ako sa pag-alis ko? Napakarami niya namang tanong. Wala akong panahon sa kanyang makipaglokohan at makipagbiruan lalo na ngayong nabubuhay na ang agam-agam sa aking puso na alam kong hindi niya magugustuhan kapag inilabas ko. “Hindi niya ako maid, ang ganda ko naman para pagkamalan mo lang na maid ni Vins.” patol ko sa kanyang sinabi, hindi ko siya kilala kung kaanu-ano ni Vins pero ang bastos lang ha? Hindi ba siya marunong tumingin ng mukhang maid at hindi? Sinong ginagago niya? “At saka gaano ka ba kaim

