Patuloy pang umabante ang mga araw na kapwa namin hindi na namamalayan ni Vins. Unti-unti na rin akong nasanay sa kung anong ugali ang mayroon si Vins at alam ko na ganundin siya sa akin. Lumalim pa ang relasyon na mayroon kaming dalawa nito. Nakilala pa namin ang bawat isa at maging ang mga kakulangan namin bilang tao ay hindi na rin alintana. Natutunan namin iyong tanggapin at yakapin. Sa paglipas pa ng mga araw ay lalo akong napapamahal sa kanya at alam ko sa aking sarili na wala ng kahit anong paraan upang makaahon dito dahil lunod na lunod na ako. Nagagawa ko na rin siyang sabayan sa kanyang lifestyle ngunit hindi naman ako umaabuso dito. Hindi pa umaabot sa puntong ang galaw ko ay parang pang-alta na rin o ipinanganak ako ng mayaman. Nanatili pa rin sa lupa ang aking mga paa, nakatap

