Malungkot akong nagmaneho pabalik ng aming unit. Damang-dama ko ang panghihina na aking nararamdaman nang mga sandaling iyon. Hindi ko iyon magawang ilihim at itanggi. Kitang-kita iyon sa aking mukhang nalulunod na naman sa masaganang luha. Hindi maampat-ampat ang aking mga luha na akala mo ay todong inapi ako doon ni Vins at kinawawa. Panay ang hikbi at singhot ko na halos maghalo na ang aking luha at sipon sa ilong. Hindi ko na mapigilan pa ang sakit na aking patuloy na nararamdaman nang dahil sa aking nakita. Wala naman siyang masamang ginagawa, pero heto ako at nasasaktan nang sobra kahit na wala naman itong rason. Pinapangunahan ako ng selos kahit na wala naman talagang dapat na ikaselos sa aking nakita. Kung hindi lang sana ako umarte kanina, paniguradong priority niya ang umuwi kaag

