Ilang beses na akong napalunok ng aking sariling laway. Hindi na alam kung ano ang isasagot sa kanya. Ayoko namang maghabi ng kasinungalingan para lang pagtakpan ang tunay kong dahilan ng pag-alis sa club na kanyang pag-aari. Hindi magtatagal at mabubulgar ang bagay na iyon. I also wondering kung bakit hindi niya alam ang nangyari gayong kalat na kalat sa kabuohan ng club ang balitang iyon. Parang ang imposible namang hindi niya narinig sa mga staff na pinag-uusapan iyon hindi ba? O maaaring narinig niya kung kaya lang ay mas pinili na lang niya ang hindi maniwala dahil sa sigurado siyang hindi naman iyon totoo kahit pa mayroong posibilidad pa ito. “Boss, kasi...” pasimple kong hinawi ang kanyang isang kamay upang tanggalin iyon sa aking balikat, hindi na ako kagaya ng dati. Naiilang na a

