Patuloy pang lumipas ang mga araw hanggang sa dumaan pa ang panibagong buwan. Unti-unti ay nasanay na ako sa sitwasyon naming dalawa na magkalayo. Hindi ko rin iyon gaanong napansin dahil nakatuon ang buo kong atensyon sa aking ginagawa. Mas magaling na rin akong magmaneho ng solo. Isang beses nga ay nagawa kong ilulan si Miura at gawing kasama sa car ride na iyon. Hangang-hanga pa ito sa akin na dinadaan niya sa biro. Nagawa ko na ‘ring sumama kay Kelley na lumabas, ngunit kapag sinasabi niya sa aking magtungo kami ng bar para uminom, magpalipas ng kaunting oras at magtanggal ng pagod ay mabilis ko iyong tinatanggihan. Hindi sa nagmamalinis ako or what, pero alam kong pag-aawayan namin ni Vins ang bagay na iyon kapag umabot sa kanya. Respeto ko na lang iyon dahil alam ko namang pagsisimu

