Sumalubong sa akin ang malakas na palakpak ni Kelley pagbaba ko ng sasakyan. Ngayong araw ay hinayaan niya na akong magdala ng sasakyan nang mag-isa. Noong una ay natatakot ako, pero nagawa ko iyong kalimutan ng isiping sa bandang dako pa roon ay mag-isa rin naman talaga akong magmamaneho nito. At wala ng gagabay. Pagtanggap na lang ang gagawin ko, tutal ay ginusto kong gawin ang bagay na iyon. “Congratulations, Senda!” Malapad ang ngiting binalingan ko siya. Aaminin kong noong una ay nahirapan ako lalo pa at medyo strict si Kelley. Hands on siya sa akin, siguro ay nang dahil sa hiling na rin ni Vins. Iyong iba kong ka-batch ay iba ng nagtuturo, samantalang sa akin ay siya mismo na noong una ay medyo ikinailang ko. Masyado akong na-iintimidate sa presensya niya, na hindi nagtagal ay naka

