Yumakap na ako nang mahigpit sa kanya at siniil na siya ng mainit na halik sa kanyang labi. Naging dahilan iyon upang mapahiga siya sa kama habang nasa ibabaw niya ako. Nakangiti niyang ipinulupot ang kanyang bisig sa aking beywang. Alam kong sa aking ginawa ay pinainit ko ang kanyang pakiramdam base na rin sa kanyang reaction. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga matang nakatunghay sa akin na kapagdaka ay unti-unting pumupungay. Inilapit ko pa ang aking mukha sa kanya, kinikiliti ang sariling mukha sa kanyang balbas na unti-unti pa lang tumutubo kung kaya naman ito ay matalas. Mahina na akong napahagikhik nang lumalim pa ang kanyang paghinga. “At sobra akong nagpapasalamat sa iyong ginawa. Habangbuhay ko iyong tatanawing malaking utang na loob, Mister Seymour.” madamdaming wika kong nakahi

