Umahon na ako sa aking upuan upang ibigay na sa babae ang form na pinapasagutan nito ngunit muli akong napaupo nang maulinigan ang kasunod nitong naging katanungan kay Vins. Medyo personal siya para sa akin, ngunit marahil ay magkaibigan naman sila kung kaya ganun na lang ang way nito paano magtanong. “Siya nga pala Vicente, kaanu-ano mo si Senda?” Nahigit ko na doon ang aking hininga. Mayroon din pa lang pagka-prangka itong si Kelley. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na kabahan doon. Hindi na mahintay ang magiging sagot niya dito. Hindi ko naman hinahangad at inaasahan na ipagmalaki niya ako, o ipakilalang desenteng babae kagaya ng inaasahan ng lahat. Ngunit may bahagi ng aking puso na gusto kong marinig na mahalaga ako sa kanya. Iyong tipong sasabihin niya na kasintahan niya ako

