Kanina pa panay ang sulyap ni Vins sa akin na prenting nakaupo sa harapan ko. Panaka-naka ang inom niya sa baso ng kapeng tangan. Gabi na sa labas, pero heto kami na parang panimula pa lang sa amin ng panibagong umaga iyon. Sinabayan na rin namin iyon ng simpleng dinner. Umaambon sa labas ng bahay kung kaya naman ang kape ay nakatulong sa amin upang damhin kuno ang scenery. Maliit akong napangiti doon, naaalala na naman ang kabataan namin ni Miura. Nanliit na ang aking mga mata nang mahagip ng aking paningin ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ni Vins na animo ay may bigla siyang naaalalang nangyari. Kanina pa rin ako kating-kati na tanungin siya, iyon nga lang ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Ngunit ngayon ay hindi na ako nakatiis pa dahil sa nakakaloko na niyang mga ngiti na n

