Pinili kong manood ng movie habang hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nakahiga lang ako sa sofa habang mag-isa doong tumatawa. Labis na natutuwa sa aking pinapanood na pelikula. Binasag ng aking mga halakhak ang katahimikan na patuloy na yumayakap sa kabuohan ng unit. Panaka-naka ang pagbabalik sa aking isipan kung ano na ang ginagawa ni Vins ng mga sandaling iyon. Ilang beses ko na ‘ring tinangka na tawagan siya o kung hindi naman ay padalhan ng mensahe na sa bandang huli ay hindi ko rin naman ginawa. Naisip na baka makaistorbo lang ako sa kanya. Baka hindi niya magustuhan ang aking gagawin dahil nasa gitna sila ng gathering. Atat man ay mas pinili ko na lang na sundin ang payo ng aking isipan na hayaan ito at huwag kong gagawin ang bagay na iyon na maari naming pag-awayan kapag nakabulilya

