Hindi ako magkandaugaga ng tanghaling tapat na iyon. Hindi ko na mahintay pa na dumating si Vins sa bansa dahil miss na miss ko na ito. Ang sabi niya sa akin ay maghintay na lang ako sa unit kahit pa gusto ko siyang sunduin sa mismong airport. Mariin siyang tumanggi kahit na pilit ko iyong iginigiit na sa bandang huli ay hindi ko na rin naman nagawang ipilit. Noon bago siya umalis ang usapan naming dalawa ay susunduin ko siya oras na bumalik na siya ng bansa, kung kaya naman hindi ko maintindihan ang inaasta niya ngayon na bigla na lang nagbago ng isip. Hindi ko maipaliwanag pero parang nanlamig na lang siya sa aking bigla. Wala naman akong matandaan na kasalanang ginawa kung kaya hindi ko maapuhap sa aking isipan kung bakit siya umaasta ng ganun ngayon sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang ma

