Sa pagkakataong iyon ay namalisbis na ang aking mga luha na parang gripong sira. Hindi ko na napigilan ang buhos noon na parang malalaking patak ng ulan sa hapon na mayroong pagbugso. Aaminin kong nasaktan ako sa mga sinabi niya na parang sirang-sira ang puri at dangal ko sa pakikipagkitang ginawa. Sa isang iglap lang din ay naglaho ang tiwala niya sa akin na matagal ko ‘ring pinaghirapang itayo at kunin. Hindi naman tunay ang kanyang ibinibentang pero iyong mga larawan ang nagpapatunay na animo ang lahat ng kanyang sinabi ay totoo. May sapat siyang basehan kung kaya hindi na niya kailangan ng kahit na anong paliwanag. At nakakalungkot iyon sa part ko, hindi ko kasi alam na ganito ang magiging dulot noong problema na kung alam ko lang sana sa simula na magdudulot ng sigalot sa aming pagita

