Ilang beses pa siyang napabuga ng hangin na marahil ay paraan niya upang kalmahin ang kanyang sarili ngunit wala na ako doong pakialam. Mataman ko lang siyang pinagmasdan na ngayon ay humakbang na patungong sofa. Bagama’t kalmado na siya ay hindi ako nagpakampante. Baka ginogoyo niya lang ako at kapag umalis na ako dito ay bigla na lang siyang lalabas at takasan ako. At sigurado akong kapag nakalabas siya ng pintuan ngayong araw ay totoong dito na lang matatapos ang lahat sa aming pagitan. Ang pangit mang pakinggan ngunit may bahagi ng aking puso na hinihiling na sana ay gawin na lang niya ang bagay na ginawa niya sa akin noong nakita niya kami ni Arlo. Dahil ang nangyari noon ay naging maayos kami matapos niya akong gamitin ng walang kahit na anong emosyon. Isa pa ito sa hindi ko maintind

