Naiiling na mataman kong pinagmasdan si Vins habang palakad-lakad sa aking malayong harapan. Nasa tainga ang cellphone nito habang nakapaskil ang seryosong emosyon sa kanyang mukha. Kausap niya si Kelley doon at nang dahil sa layo ay hindi ko magawang maulinigan kung tungkol saan pinag-uusapan nila. Ngunit nasisiguro ko na tungkol sa aking ginawang pagmamaneho iyon kanina na para sa kanya ay mali. Nahuhulaan ko ng sinasabon niya ito sa pag-aakalang tinuruan nito ako ng improper sa pagmamaneho ng sasakyan, bagay na medyo lang naman pero syempre dapat ay maging sekreto lang iyon. Kaya lang ang nangyari ay unang subok ko pa lang na mag-drive, nahuli niya kaagad. Hindi ka kasi marunong mag-ingat Senda, ayan tuloy nahuli ka niya kaagad! Panaka-naka ang tingin niya sa aking banda na nakaupo lan

