Napabalikwas ako ng bangon nang maramdamang maalinsangan na ang singaw ng hangin na umiikot sa loob ng tent. Napamulagat na ako nang pagsilip ko sa labas ng pintuan nito ay mataas na ang sikat ng haring araw sa langit. Hindi na namin naabutan ang paglitaw nito nang dahil sa anong oras na rin kami nakatulog kagabi, halos madaling araw na iyon kung kaya heto tinanghali kami ng gising. Nagbago ang aming unang planong dalawa nang dahil doon, nakaramdam ako ng panghihinayang pero anong magagawa ko kung talagang hindi na talaga naabutan? Wala na hindi ba? At kasalanan din naman naming dalawa kung bakit nangyari ito. “Babe, gising na! Ang taas na ng sikat ng araw!” Umungol lang ito at marahang gumalaw na halatang mahimbing pa rin sa kanyang pagtulog, hindi alintana ang alinsangang hatid ng araw

