Naramdaman ko ang ilang minuto pa niyang paninitig sa aking mukha. Ngunit hindi ko iyon alintana at hindi ko pinagtuunan ng pansin. Itinuloy ko lang ang aking pagkain. Narinig ko ang ilang beses niyang paghinga nang malalim na ang buong akala niya ay makukuha niya ang atensyon ko nang dahil doon. Ngunit binigo ko siya. Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin sa kanya. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na nagsimula na rin siyang kumain base sa galaw ng kanyang katawan. Umangat na doon ang isa kong kilay. Akala mo ha? Hindi na ako kagaya ng dati na sunud-sunuran na lang sa'yo! Iba na ang Senda na kaharap mo ngayon, may katigasan na ang aking ulo at natutunan ko ito sa pagiging independent ko at pamumuhay ng mag-isa sa loob ng dalawang taong iyon. “Anong course ang kinukuha mo?” Mabilis na

