Mabilis na akong tumayo doon matapos na marinig ang endearment na kanyang ginamit. Kilala ko ang sarili ko, kapag tumagal pa ako dito ng kahit na isang minuto ay baka makita ko na naman ang aking sarili na bigla muling maging marupok pagdating sa kanya. At kahit na alam kong mali ay sumugal akong muli. Mabalewala ang dalawang taong nagtiis ako. Ang dalawang taong tanging sarili ko lang ang aking naging karamay. Kaya habang kaya ko pa, habang maaga pa ay susupilin ko na ito. “I think tapos na tayong mag-usap Vins, ubos na rin ang kape ko. Tumatanda na rin ang gabi. Ubusin mo muna ang kape mo bago ka umalis, sayang naman kung lalamig lang iyan.” sulyap ko sa tasa ng kanyang kape na halos hindi niya pa nagagalaw, “Enjoy your vacation dito, ingat!” Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon

