Chapter 97

3304 Words

Tinulungan ko si Beverly na ubusin ang alak na kanyang binili. Hindi rin nagtagal ay nagawa kong ilihis ang usapan namin tungkol sa aking nakaraang mga boyfriend. Hindi naman na rin naman niya iyon napansin dahil sa tama ng alak sa kanyang katawan. Ngunit ako, kahit ilang lata na ng alak ang nalaklak ko ay para bang wala iyong epekto. Siguro dahil sa dating karanasan ko na mostly hard drinks ang kaya. “Tatawag na ako ng taxi, dito ka lang!” Halos mawalan na ng ulirat ang babaeng aking kasama. Langong-lango siya sa alak kung kaya naman halos hindi na makatayo at makakilala. “Huwag kang hihiga diyan, saglit lang ako!” Tinalunton ko ang daan patungo ng highway kung saan dumadaan ang mga taxi ng oras na iyon. Hindi pa malalim ang gabi, alas-diyes pa lang iyon kung kaya naman marami pa ‘rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD