Kinabukasan ng araw na iyon ay pinili ko na hindi ako umalis ng bahay at kahit na anong pilit sa akin ni Beverly na sumama sa kanila sa Botanical Garden kasama ang ibang kaibigan niya ay ganun na lang ang pagtutol ko. Hindi sa ayaw ko talaga, iniisip ko pa rin na baka lang naman muling mag-krus ang landas naming dalawa nang hindi sinasadya. Naniniwala pa rin ako na siya nga ang nakita ko. At kahit na ang lawak ng lugar na ito kapag pinaglaruan kami ng Tadhana, magkikita at magkikita pa rin kaming dalawa. Marami man ang nagbago sa akin sa panlabas na anyo after all those years, alam ko sa sarili kong sa loob ng aking puso ay naroon pa rin siya at nananatiling nakatago. “Hindi pa handa ang sarili ko na na muli itong makasalamuha. Saka na lang, ako na ang iiwas kahit na hindi naman malinaw n

