Nakangiti at matamang pinagmasdan ko ang makapal na mga ulap na unti-unting sinasakop at niyayakap ang kalupaan na ngayon ay nasa aking harapan. Nakahalukipkip ako doon, yakap ang aking sarili habang dinadama ang malamig na klima ng lugar. Nakasalpak sa aking tainga ang headset kung saan malayang tumugtog ang kantang It's not easy Letting go ni Daryl Ong. Nararamdaman ko ngayon ang lugar, at na-appreciate kahit pa ilang taon na akong nakatira dito. Ngayon ko napagtanto na mahabang araw na pala ang nilakbay ko nang ako lang at mag-isa. Mahabang araw na ang lumipas nang piliin kong iwan at talikuran siya. “Kumusta ka na? I hope you're doing good too.” tanong ko na sa kawalan na ngayon ko lang ginawa, mas niyakap pa ang sarili sa nanunuot na lamig ng umagang iyon. Ngayon ko lang siya binigya

