Hindi ko na doon nasundan pa kung ano ang isinagot sa kanya ng aking dating Boss na ngayon ay nakatingin na rin sa akin ang mga mata. Punong-puno iyon ng guilt. Marahil ay nang dahil iyon sa mga sinabi ni Cherry. Alam ko, baka nagipit lang din naman siya. Pero ang nakakatampo ay hindi ko na rin naman siya itinuring na iba, pero nagawa niya pa ito sa akin. Sigurado akong alam niya ang tungkol sa aming dalawa ni Vins. At imposible ang hindi. Nagsalubong na doon ang aming mga mata. Bagama't nanlalabo na doon ang paningin ko, kitang-kita ko ang kagustuhan niyang daluhan ako. Puntahan ako sa kinatatayuan ko. Sa mga sandaling iyon ay nakikita ko pa rin siya bilang kaibigan at kapatid ko. Kahit na ang totoo ay ipinagkanulo niya ako. Hindi ko na napigilan na mapuno ng katanungan ang mga mata kung

