Ilang minuto na akong palakad-lakad sa harapan ng salamin. Nakailang sipat na rin ako sa aking sarili doon upang tingnan kung okay na ba ang suot kong make up. Hindi ko na mapigilan na pagpawisan ng malamig at malapot. Parang ayaw ko ng ituloy pa ito. Ilang beses na rin akong tumanggi at umayaw, pero ayaw pumayag ni Vins dito. Gusto niya pa rin akong isama mismo sa ika-30th wedding anniversary ng mga parents niya. Alam kong magdudulot lang kami doon ng gulo, pero ayaw niya talagang iwanan ako dito. Ayoko naman na hindi siya pumunta dahil sa akin. “Babe, masama ang pakiramdam ko huwag mo na lang kaya akong isama? Ikaw na lang ang pumunta doon at sa kanila ay makipagkita?” Sinamaan niya ako ng tingin, may pagbabanta na iyon kung kaya itinikom ko na rin ang bibig. “Ngayon ka pa ba matatak

