Ilang araw ang matuling lumipas. Sa mga araw na iyon ni isang text o tawag mula kay Vins ay wala akong natanggap. Isinawalang-bahala ko iyon at ipinagkibit ko lang din ng aking balikat. At hindi rin ako naunang mag-chat sa kanya. Nais kong iparamdam sa kanya na may tiwala ako o baka naman kalmado lang din siya dahil ang buong akala niya ay wala pa akong alam. Ngunit imposible naman iyon, sinabi na nga ni Cherry sa kanya na nagkita kami. Hindi man lang ba siya nag-alala sa akin kahit na kaunti? O malaki lang talaga ang tiwala niya sa akin? Baka busy naman siya sa kanyang trabaho. “Senda, mag-almusal na tayo.” Maliit akong lumingon sa banda ni Mama at ngumiti. Nasa maliit niya akong garden at dinidiligan ang namumulaklak niyang halaman. Nakagawian ko na iyon tuwing umaga. Marahil ay ito ri

