Chapter 89

3016 Words

Naging sunod-sunod na katok ang narinig ko sa labas ng pintuan ng aking silid. Hindi ko ito pinansin dahil alam kong si Mama lang iyon. Walang ibang magtutungo dito maliban sa kanya at ang mga kasama namin sa bahay na inutusan niya. Hindi ko pa rin mapigilan at awatin ang aking mga luha kahit na ilang beses ko iyong tangkain. At kahit na paulit-ulit kong palisin, paulit-ulit lang din itong bumababa. Patuloy lang sila sa pagbagsak na animo ay may sariling buhay at ayaw magpapigil. Nanunuot pa rin sa aking kalamnan ang sakit na dulot ng mga narinig. Hindi ko matanggap na ang lahat ng sinabi ng babaeng iyon ay totoo, ako lang iyong nagiging bulag dito dahil iginigiit ko na sinungaling lang ito at kailanman ay hindi magagawa ni Vins ang kung anumang ibinibentang sa kanya. Ayan, anong napala k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD