Pilit na nagpumiglas ako nang pagbaba namin ng sasakyan ay halos kaladkarin niya na ako papasok ng building ng kanyang unit. Walng pakialam sa mga staff ng naturang building na kuryuso ng nakapako ang mga mata sa aming dalawa na kapwa tinatalunton na ang daan patungo ng elevator. Hiyang-hiya na ako doon. Malapit ng maging dis-oras ang gabi eh, heto kaming dalawa ni Vins at gumagawa ng eksena dito. Ilang beses kong muling sinubukang hilahin ang aking isang braso na hawak ni Vins, ngunit dahil sa higpit ng kanyang hawak sa akin ay hindi ko na iyon tinangka pang muling gawin dahil ako rin lang naman ang nasasaktan sa ginagawa at nahihirapan. Piniling pigilan ko na lang ang aking emosyon na sa kanya ay magpakita. Hindi ako pwedeng umiyak, lalabas akong talunan sa kanya at mahina. Kailan ba

