Prologue
Victoria Harbour, Tsi Sha Tsui, Hong Kong
Sino ako?
Nagka-amnesia yata ako. Namalayan ko na lang kasi ang sarili kong naglalakad sa lugar na iyon. Madilim na pero maraming ilaw na naka bukas. May clock tower, may chinese characters sa street signs, at maraming singkit na naglalakad sa paligid.
Nasa China ba ako? Hindi. Baka nasa Chinatown lang.
Tiningnan ko ang malaking sign sa malaking gusali na tapat ng clock tower. Avenue Of Stars. May observation deck sa kabilang banda na kailangan akyatin. Mukhang may dagat doon. Tanaw ko ang mga nagtataasang buildings sa malayo, sa kabilang ibayo.
Sino ako? Nasaan ako? Bakit wala akong dalang bag? May narinig akong nag-uusap. Hindi ko maintindihan. Chinese eh. Hindi ako chinese dahil ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Inisip ko kung anong lengguwahe ang kanina pa nagsasalita sa isip ko. Tagalog ba ito? Pinoy ba ako? Kinapa ko ang mukha ko. Ni hindi ko alam ang hitsura ko. Ang alam ko lang, mahaba ang wavy kong buhok na kulay brown at balingkitan ang katawan ko. Parang hindi rin ako ganoon katangkad. Siguro nasa five-two height ko. Tiningnan ko ang braso ko para i-check ang kulay ng balat ko. Hindi ako kapitutian.
Maganda kaya ang mukha ko?
Pero teka, bakit hindi ko kilala ang sarili ko? Nakita ko ang isang lalaki at isang babae mukhang amerikano na nakaupo sa isang bench sa tapat ng Avenue Of Stars. Lumapit ako sa kanila at narinig ko ang usapan nila. Nakakaintindi ako ng Ingles dahil naiintindihan ko ang sinasabi nila.
Nagse-selfie sila kaya gustuhin ko man silang kausapin para tanungin kung nasaan ako, hindi ko magawa. Dedma rin naman sila sa presence ko.
Nag lakad-lakad na lang uli ako para mag hanap ng amerikanong makakausap hanggang sa makaakyat ako sa observation deck. Tinanaw ko ang mga building na may magagandang ilaw sa likuran nh malawak na dagat sa siyudad.
Hindi lang ito isang Chinatown. Mukhang nasa bansa talaga ako sa tsekwa. Bakit ako naroon? Teka, sino nga uli ako?
Kumunot ang noo ko nang may makita akong isang barko puno ng ilaw na naglalayag sa gitna ng tubig. Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang dibdib ko nung nakita ko iyon.
Teka. Kung Pinoy ako, ano ang ginagawa ko sa isang dayuhang bansa? May dalawang babaeng tumabi sa akin sa bluster ng observation deck. Mukha silang Pinoy! Pagkakataon ko na para itanong ang kanina ko pa itinatanong sa isip. "Excuse me, kababayan," tawag pansin ko sa kanila pero hindi nila ako pinapansin.
Tawa ng tawa ang dalawang babae habang nakatingin sa cellphone na hawak nung isa. May pinagtatawanan sila sa f*******:. Mukha raw tanga si annie at nag post ng katangahan sa f*******:. "Excuse me, pwede ko ba kayong maistorbo kahit sandali?" subok ko uli.
Hindi pa rin nila ako pinapansin. Parang gusto ko nang hilain ang mga buhok nila. suplada, akala mo naman ang gaganda.
"Mga Ateng!" Suminghal na talaga ako pero dedma pa rin sila. Naimbiryana na ako. "`Kala nyo naman kinaganda nyo pandededma nyo sakin, tsk!" Inilibot ko na lang uli ang tingin, nagbabaka-sakaling meron pang ibang puwededeng pagtanungan pero puro intsik ang naroon. Wala akong choice. Kailangan kong pagtiyagaang kunin ang attensiyon ng dalawang pinay. Napilitan na akong kalabitin ang likod ng isang babae. Pero nang idikit ko ang darili ko sa likod niya, parang hindi sumayad.
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit hindi sumayad ang darili ko?
Inulit ko ang pagkalabit pero tumagos ang darili ko sa babae. Hindi kaya..... multo ang mga babaeng ito? Napaatras ako. Sa takot ay tumakbo ako palayo sa kanila. Nang tumingin ako sa harap ko, natuklasan ko na may nakasalubong ako. Pero... hindi ako bumangga sa kanya.
Tumagos ako sa kanya!
Multo rin ang lalaki? Nanghilakbot ako habang umiikot para tingnan ang lahat ng tao sa paligid. Puro multo ba ang mga tao sa paligid ko?
May isang matanda at isang batang papunta sa deriksyon ko. Nahulog ng bata ang hawak na bola kumikilos ang matanda na yuyukuin ang bola. On instinct tinangka kong tulungan siya. Inabot ko ang bola pero... tumagos ang kamay ko sa bola.
Namangha ako habang pinapanood ang matanda sa pagkuha ng bola na hindi tumagos sa mga kamay niya.
Tiningnan ko ang mga kamay ko. Bakig tumagos ang mga kamay ko sa bola?
May dalawang chinese couple na nagdaraan may hawak na DSLR camera ang babae. Sinubukan kong hawakin ang camera niya para siguruhin kung namamalikmata lang ako.
Tumagos uli ang kamay ko.
Dahan-dahan akong umiling nang mabuo sa isip ko ang realisasyon.
Kaya walang pumapansin sa akin.... Kaya hindi sumayad sa likod ng Pinay and darili ko nang kalabitin ko siya.. Kaya tumagos ang kamay ko sa bola...
Isa ba akong kaluluwa? Hindi ako buhay? Hindi ako nakikita ng mga tao rito. Ako lang ang nakakakita sa kanila! Napatingin ako sa isang malaking papasalubong sa akin. Hindi ako umalis sa tinatayuan ko para tingnan kung iiwasan ba ako ng lalaki. Hindi siya umiwas. Tumagos siya sa akin nang dumaan siya. Tumagos siya sa akin nang dumaan siya!
Confirmed! Hindi ako buhay. Isa akong multo!
Nakarinig ako ng malakas na tili. Nakita ko ang tao na nagkumpulan sa isang bahagi ng observation deck. Nagkatingin lang ako sa kanila. Hindi pa rin ako maka get over sa natuklasan ko sa sarili.
Ni hindi ko alam kung sino ako. Mas nauna ko pang malaman na isa akong multo kaysa sa identity ko. "What's going on there?" tanong ng isang lalaking caucasian sa isang grupo ng Chinese na nakasalubong. "There's a dead body in the water! Floating!" Kumunot noo ko. May lumulutang na bangkah sa dagat?