One week later..
Habang si Milet ay nanonood ng Symphony Of Lights mula sa Sky Terrace 428 sa rooftop ng The Peak Tower, ako naman ay ang mga taong nandoon ang pinapanood. Naghahanap ako ng Pinay. Naghahanap ako ng possibleng masaniban para maisagawa ko ang plano ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng Pinay na nakita ko sa pag lilibot sa Hong Kong, wala ni isa sa kanila ang kapareho ko ng qi.
Qi raw ang tawag sa vital energy ng isang katawan, ayon sa isang Chinese wu o shaman na pinuntahan ko one month ago para ilapit ang problema ko.
Hindi ko nakakausap ang wu sa tagalog dahil chinese sya(malamang) at hindi marunong mag English. May nakilala akong isang kapwa ko kaluluwang Pinay na marunong magsalita ng Cantonese. Siya ang tumutulong sa akin sa pag-translate sa wu ng bawat sabihin ko.
Nakilala ko si Milet habang gumagala ako at hinahanap kung sino ako. Isa siyang domestic helper sa Hong Kong at doon na siya namatay. Nasagasaan daw siya dahil sa kaka-selfie almost two months ago.
Sa kanya ko nalaman na kapag pala namatay kang isang tao sa isang dayuhang bansa, hindi na ito makakabalik sa bansang pinagmulan. Iyon ang dahilan kung bakit ilang bese ko nang binabalya ang sarili ko sa border ng Hong Kong at Pilipinas pero hindi ako makadaan. May invisible na pader na nakaharang.
Ang sabi ni Milet, nalaman niya mula sa isang wu na hindi pala nakakaalis ang isang kaluluwa sa bansa kung saan siya namatay. Ang tanging paraan para makaalissa isang bansa ay ang isang kaluluwa ay nakasanib sa isang buhay na katawan, malaya siyang makakapaglabas masok sa kung ano-anong bansa.
Hindi tulad ko, walang balak si Milet na bumalik sa Pilipinas kahit alam na niya kung sino siya. Wala na raw kasi siyang babalikan doon. Three months ago, nakipaghiwalay na siya sa asawa niyang nasa Pinas nang matuklasan may kabit pala ito. habang si Milet nagpa alila sa ibang bansa ang hayop niyang asawa ay nagpapasarap sa piling ng iba. ulila na si Milet kaya wala na siyang babalikan pa sa Pilipinas.
Kaya walang pakialam si Milet sa paghahanap ng buhay na katawan ng taong kapareho niyang ng qi. Wala siyang dahilan para maghanap ng taong masasaniban.
Hinihintay na lang niyang matapos ang mahigit isang buwang extended stay ng isang kaluluwa sa mundo ng mga buhay at masaya na siyang magpatangay sa liwanag.
forty days, Bawat kaluluwa pala ay binibigyan ng forty days sa mundo ng mga buhay bago mapunta sa kabilang buhay kung saan forever nang mananatili roon. Apatnapung araw para magawa ang mga bagay gusto pang gawin bago kainin ng liwanag. Maraming kaluluwa na may unfinished business kaya pabor sa kanila ang pagbibigay extended stay.
Tulad ko. Meron akong unfinished business. At iyon ang dahilan kung bakit napakahirap ako maghanap ng katawan na may kapareho kong qi.
Noong unang beses kung matatagpuan ang sarili na palakad-lakad sa Nathan Road, hindi ko pa alam kung sino ako pero nakita ko na ang sarili ko. Ako yung babaeng bangkay natagpuang lumulutang lutang sa tubig Victoria Harbour.
Akin ang bangkay na dinala ng mga pulis sa morgue ng isang ospital. Nakita ko ang mukha ko sa salamin nasundan kung saan dinala ang bangkay. In-autopsy ang bangkay at narinig ko na asphyxia due to inhalation of fluid into air passages o pagkalunod ang ikinamatay ko.
narinig ko na walang nakita ng alcohol o drugs sa dugo at sikmura ko. ibig sabihin mataas ang tsansang nasa matino aking pag-iisip bago malunod kaya posibleng aksidente raw ang pagkahulog ko sa tubig.
Wala akong bag o anumang na pagkakakilanlan baka nalunod din at nasa ilalim na ng dagat ang tanging nasa katawan ko bukod sa gamit ay may kwintas na may mga letrang JAF.
Sinobaybayan ko ang paghahanap ng mga pulis sa pagkakakilanlan sa akin. Hinanap nila ang tinitirhan ko sa Hong Kong. Kinuha nila ang fingerprints ko pero walang record sa Hong Kong na may residente doon na nagtataglay ng ganoong fingerprints kaya nag-conclude sila na isa akong turista.
Sa pang-apat na araw nakita ko ang isang australyang ginang na kinakausap ng pulis sa presinto tungkol sa akin english ang salaysay australian kaya naintindihan ko. Na-witness ng ginang ang ginawa kong pagtalon mula sa Chinese junk na Aqua Luna ang tawag pero dahil na-shock ang babae, nahimatay siya at wala nang nakapagsabi may tumalon mula sa Aqua Luna hanggang sa magkamalay ang ginang.
Bago pa ako tumalon, napansin daw ng ginang na malungkot at tahimik lang ako nang araw na iyon habang nag-iisang nakahawak sa baluster ng deck ng water vessel. Kaya nag-conclude ang mga pulis na suicide ang dahilan pagpunta ko sa tubig. Dahil walang pagkakakilanlan at hinanap ng pulis ang identity ko, itinago nila ang bangkay ko sa freezer ng isang morgue. Hinihintay nila kung may pamilyang magke-claim sa katawan ko.
Nagtataka ako kung bakit wala ni isa sa pamilya ko nagpunta sa Hong Kong para hanapin ako. Naisip ko na baka katulad din ako ni Milet na wala na ring pamilya sa pilipinas. Pero paano kung meron pa akong pamilya pero hindi nila alam na nagpunta ako sa Hong Kong kaya hindi nila ako hinahanap doon? Baka kasalukuyan nila akong hinahanap sa Pilipinas pero wala ako roon kaya hindi nila ako matatagpuan. Kung binalak kong magpakamatay sa Hong Kong, bakit ko sasabihin sa kahit sino ang bala kong iyon?
Hindi ko pa rin alam kung sino ako at kung bakit ako nagpakamatay. Mabuti pa si milet, nalaman kaagad niya kung sino siya dahil nakilala ka agad ng mga pulis dahil sa ID at passport na dala niya noong namatay siya. Kaya madali niyang nakalkal ang tungkol sa buhay niya. Nakita niya ang mga kaibigan niyang kapwa DH at nalaman niya sa pakikinig sa mga ito ang tungkol sa naging buhay niya. Ang mga kaibigan niya ang naglibing sakanya sa Hong Kong. Wala kasi sa mga kamag-anak niya ang gusto magbayad shipping fee para sa bangkay niya.
Iba ang sitwasyon ko. Kaya hirap akong malaman kung sino ako. Walang nagke-claim ng bangkay ko. Wala namang kakayahan ang wu para malaman kung sino ang isang kaluluwa. Hindi raw sila manghuhula.
Sa pang limang araw, habang lumulutang kami ni Milet sa Tsi Sha Tsui, may nakita siyang gwapong Amerikano na sinundan niya sa pagpasok sa isang building. Dahil kasama ko si Milet, sinundan ko siya hanggang makarating kami sa tenth floor. Sa reception ng isang guest house tumigil ang Amerikano. May dalawang aleng nag-uusap sa gilid. Ang sabi sa akin ni Milet, narinig daw niya ang pinag-uusapan ng dalawang helpers. Tungkol daw sa isang turistang Pinay na nag-check in doon, pagkatapos hindi na bumalik. Iniwan ang mga gamit sa guest room kaya inempake na lang ng isang manang at itinago sa bodega ang pink na luggage ng nawalang guest.
Ang araw na bigla ko na lang natagpuan ang sarili ko sa Victoria Harbour ay ang araw na nawalaa ang guest na pinag-uusapan at narinig din ni Milet na idinescribe ako ng isang helper. Ganoong ganoon ang hitsura ko. Kaya na-figure out namin ni Milet na posibleng ako ang Pinay guest na tinutukoy nila.
Nagtanong daw ang isang ale kung bakig hindi sinabi sa mga pulis ang tungkol sa pagkawala ng guest. Sinabi raw nito sa may-ari ng guest house pero hindi ginawa. Abala lang daw. Masyado raw silang busy. Tutal fully paid naman ang guest na nawawala, hindi na hinanap. Pumunta kami ni Milet sa bodega at doon namin nakita yung pink na luggage may bag tag kung saan nakasulat ang pangalan, adress at mobile phone number ng may-ari.
Jannica Anne Florencio.
Nasiguro kong ako nga iyon dahil sa mga letra sa kuwintas na suot ng bangkay ko. Initials pala iyon ng pangalan ko.
Iyon pala ang pangalan ko. Hindi pangkaraniwan. Kaya kung makakabalik ako sa maynila, mahahanap ko kung sino ako at ang pamilya ko. Kaya lang, hindi ako makabalik dahil trapped ang mga kaluluwa namin ni Milet sa Hong Kong. Hindi ako makahanap ng buhay na katawan ng taong may kapareho ko ng qi. Ang isang kaluluwa pala ay hindi puwedeng basta-basta na lang sumanib sa kahit sinong buhay na katawan ng tao. Kailangan matched ang qi mo at ng taong iyon bago maging successful ang pagsanib.
Ang mga kaluluwa pala ay mayroon pa ring qi. Kahit na namatay na ang katawang-lupa, ang qi ay nanatili sa kaluluwa hanggang oras na makaalis na nang tuluyan sa lupa ang isang kaluluwa.
Ilang bese ko nang sinubukang sumanib sa bawat Pinay na makita ko sa daan. Maski nga Pinoy ay sinusubukan ko. Pero ang sabi ng wu, masyadoraw malakas ang qi ng mga lalaking matched ko sa qi. Sinunod ko ang wu kaya mga babae na lang ang sinusubukan kong saniban. Bawat pagsubok ko na sumasanib, nababawasan ang lakas ko. Kaya araw-araw, lupaypay akong humahandusay sa daan sa dami ng sinubukan kong saniban. Hindi raw talaga madaling maghanap ng katawang masasaniban, sabi ng wu. Marami raw mga kaluluwang hanggang sa matapos ang forty days na extended stay sa lupa ay hindi nakakahanao ng buhay na katawang masasaniban. Nakaka-discourage pero ayokong mawalan ng pag asa.
Kaya kahit napapagod na ako sa kakagala at kakasubok na sumanib sa kung sino-sino, hindi ako naggi-give up. "alam mo ba kung bakit hindi natin maalala kung sino tayo kapag namatay na tayo?" sabi ni Milet. Napalingon ako sa kanya. Tinabihan ko siya sa baluster. Seryoso ang mukha niya habang nakatanaw sa mga building na umiilaw. "May dahilan kung bakig hindi na natin matandaan kung bakit tayo namatay," pagpatuloy niya. "Bakit?" "Kasi nang mamatay tayo, iniwan na natin ang buhay natin sa mundo. Kayahondi na natin kailangan malaman kung sino tayo. Hindi na natin kailangang malaman kung sino tayo. Hindi na natin kailangang malaman pa kung bakit tayo namatay dahil malulungkot lang tayo. Ang pagkakamatay natin, iyon ang katapudan ng lahat. Wala na dapat karugtong, Jannica," Tumingin si Milet sa akin. "Kaya tigilan mo na ang paghahanap ng taong masasaniban. Hintayin mo na lang ang pagdating ng liwanag, nica. Matuto ka sa akin. Naging curious din ako na alamin kung sino ako at kung bakit ako namatay pero hindi ko nagustuhan ang nalaman tungkol sa sarili. Pinagtaksilan pala ako ng lalaking mahal ko at namatay ako dahil sa katangahan ko." Umiling-iling ako kahit naisip kona may point din naman si Milet.
"Pero pa tayo binigyan ng forty days sa lupa? ano'ng use no'n? Hindi ba para iyon sa kung anumang unfinished business na gusto nating tapusin bago tayo tuluyang mawala sa mundo?" "Hindi totoo yang unfinished business na yan. Patay na tayo, nica. Nang mamatay tayo, wala na tayong karapatang ipagpatuloy pa ang business na yon. The end na ang istorya natin sa lupa. Baka kaya tayo binigyan ng forty days ay para bigyan tayo ng time na mag adjust sa bagong 'buhay' natin bilang kaluluwa natin at linisin ang mga kaluluwa natin bago tayo tanggapin sa kabilang buhay. Kaya araw-araw, nica, nagdadasal ako humihingi ng kapatawaran sa kung anumang naging kasalanan ko noong nabubuhay pa ako. Iyon na lang ang silbi sa akin ng forty days ko. May twentysix days pa ako, bes. Twenty-six dayspara malinis ko nangmabuti ang kaluluwa ko. Ikaw imbes na naghahanap ka ng masasaniban, umpisahanmo na ang paglinis ng kaluluwa mo. Kalimutan mo na kung anuman yang gusto mo malaman. Mas mabuting huwag mo nang malaman kung bakit ka nagpakamatay dahil baka hindi mo matanggap kung anuman yon. Chill ka na lang at tanggapin na tegi ka na kaya wala ka nang magagawa kahit pa malaman mo ang sagot sa mga tanong mo."
Napatitig ako sa Chinese junk na kasalukuyang naglalayag. Naramdaman ko na naman ang bigat sa dibdib ko. Hindi totoong wala nang koneksiyon ang isang kaluluwa sa katawan niya o sa buhay niya bago siya namatay. May naramdaman kasi ako tuwing nakikita ko ang Chinese junk at ang madilim na Victoria Harbour kahit noong hindi ko pa alam na doon ako nagpakamatay, naramdaman ko na iyon. Pero siguro, tama si Milet. Dapat ko na sigurong kalimutan ang pag hahanap ng masasaniban para makabalik sa Pilipinas. Dapat ko nang kalimutan ang pagtuklas sa kung sino ako at kung bakit ako napakamatay.
Paano kung tulad ako ni Milet? wala na rin palang nahmamahal sa akinsa Pilipinas? Paano kung kaya ako nagpakamatay at dahil may napakasakit na pangyayari na hindi ko kinayang tanggapin? Bigla akong nakaramdam ng matinding takot.Natatakot akong malaman kung gaano kalungkot ang buhay ko para hangarinkong wasakin ang sarili kong buhay. Tumango-tango ako. "Tama ka, bes. Dapat ko nga sigurong tigilan ang paghahanap ng masasaniban. Kunsabagay, pagod na rin talaga ako sa kakasubok na sumanib sa kung sino-sino. Lagi na lang akong haggard sa gabi" Nagpakawala ako ng malalim na hininga---as if may hininga pa.