Chapter Two

1535 Words
"So, ano na lang gagawin natin sa lupa?" Napaisip ako. "Alam ko na! Mag-disco tayo. Pumunta tayo sa masasayang lugar. Kasi baka wala nang gano'n sa kabilang buhay." "DIsco? Hindi ako marunong sumayaw!" "Eh, anong pinaggagagawa  mo araw-araw?" "Naghahanap ng mga gwapo at pinapanoon silang mag-shower." Humagikgik ang bruha. Na pasinghap ako. "Bastos kang babae ka! Nagdadasal para malinis ang katawan, ha." "HIndi naman mortal sin ang manilip, no`. Tinitingnan ko lang naman. Hindi ko naman sila hinahawakan."  "Dahil hindi mo sila mahahawakan kahit gustuhin mo!" Umiling-iling ako. "Mas magandang maghanap na lang ako ng masasaniban kaysa gugulin ko ang natira kong thirty days sa paninilip sa mga lalaki." Lumutang ako palayo kay Milet na sinabihan pa ako ng "KJ!" Sinabihan ko naman sya ng "Manyak!" bago ako lumayo. Aalis na sana ako ng Sky Terrace pero napatingin pero napatingin ako sa isang Pinay na naglalakad palapit sa malaking puso na hindi ko alam kung yari sa bakal o plastic. May dalawang maliit na puso sa magkabilang side ng giant red heart. Maraming papel sa pusong nakasabit sa loob ng malaking puso. Nakasulat sa harap ang The Peak I, heart shaped ar Y. Sa tantiya ko, kasing-edad ko ang Pinay. Ang sabi ni Milet, nasa twenty-six years old na raw hitsura ko. Morena ang kulay ng Pinay pero maganda siya. Maamo ang kanyang mukha. Mas matangkad nga lang siya sa akin pero kapareho ko ang built ng katawan. Kapareho ko kaya siya ng qi?   So, what? HIndi na ako interesadong maghanap ng masasaniban. Nakapagdesisyon na ako na sundin na lang si Milet. Hindi ko na alam kung sino ako at kung bakit ako nagpakamatay. Hindi ko na hahangaring bumalik sa Pilipinas. Mamamasyal na lang ako sa Hong Kong. Lilibutin ko ang buong bansa hanggang sa oras na sunduin na ako ng liwanag. Nakita kong huminto sa tapat ng giant heart ang Pinay. Sa totoo lang, ngayon lang ako nagkainteres sa pusong iyon. Ilang bese na akong umakyat sa lugar na iyon habang naghahanap ng masasaniban pero ngayon lang ako na-curious kung ano ang mayroon sa pusong iyon. Bumaba ako sa tapat ng puso para usyuhin kung ano mayroon doon. May mga nakasulat sa heart-shaped little cards na nakasabit sa loob ng puso. Maraming Chinese characters pero mayroon ding nakasulat sa English. Ah, alam ko na. Love notes ang mga nakasabit. Nag susulat at nagsasabit ng love notes ang mga tao roon para sa minamahal nila, BIgla tuloy akong na-curious. Na inlove kaya ako noong nabubuhay pa ako? Nagkaroon kaya ako ng boyfriend? Walng singsing ang bangkay ko kaya naisip kong wala akong asawa. Pero nagmahal na kaya ako? MAy nagmahal kaya sakin? Ilang beses akong umiling-iling. Hindi na ako dapat ma-curious sa buhay ko noong nabubuhay pa ako. Hindi ko naman na malalamanpa ang sagot sa mga tanong ko. Lumingon ako para umalis na sana pero napatingin ako sa babae. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa mga card na korteng puso. brokenhearted ba siya? O naghahangad ng pag-ibig na hindi dumarating? Lumapit pa diya nang husto sa puso at inabot ang isang card na nakasabit. Oo, may pagkatsismosa talaga ako kaya nang hawakan niya iyon, ang balak ko ay basahin ang nakasulat doon pero bigla niyang binitiwan ang papel na para bang napaso siya. Nakita ko sa ekspresyon ng mukha ng babae na para bang nilalabanan siya. Umiling-iling siya at hindi na uli hinawakan ang papel. Hindi ko na tuloy alam kung nasaan ang papel na iyon. Sa dami ng papel na nakasabit, hindi ko alam kung alin doon ang hinawakan ng babe. Tumalikod na ang Pinay at umalis na. Aalis na rin naman ako kaya sinundan ko na lang siya sa pagbaba ng tower, napansin kong umiiyak siya. Baka nga broken hearted. "Hay naku, bhe," kausap ko sa kanya kahit alam ko na hini niya ako naririnig, "mag-move on ka na. Nakita ko no1ng araw `yung isang lalaki sa bar na no`ng tumalikod ang girlfriend niya, umakbay agad sa ibang babae. Kung gano`n din ang jowa mo, `wag na `wag mo siyang iiyakan. Maganda ka. Marami pang ibang lalaking magmamahal sayo. O kaya naman, maging masaya ka na lang kahit single ka. Hindi ka naman siguro mamamatay kung walang lalaki sa buhay mo."  Sumakay sa tram ang babae kaya umangkas na rin ako roo. Tumayo na lang  ako kasi puno na ang tram. Umiiyak pa rin ang babar. Panay ang punas niya ng panyo sa mga mata. Bigla kong naalala ang sinabi ng australian na nakakita sa akin bago ako tumalon sa Chinese jung. Baka ganoon din ang hitsura ko nooong araw na yon. Malungkot, tahimik, nagiisa at umiiyak, Hindi naman siguro niya binabalak na magpakamatay tulad ko. Pero sigurado akong mabigat ang dinadala niya sa dibdib. Walanaman akong gagawin. Hindi na ako naghahanap ng masasanibang buhay na katawan ng tao. Kaya nag-decide ako na sundan pauwi ang babe. Habang naglalakad siya sa madilim na street, nakasunod ako sa kanya dahil sabi ko nga, wala naman akong ibang pagkakaabalahan. hmm.... oo na!! Oo na, curious ako. Gusto ko siyang sundan sa uuwian niya para malaman kung bakit siya malungkot. Kailangan ko ng pagkakabalahan para hindi na ako bumalik pa sa pagiisip tungkol sa dati kong buhay bago ako namatay. Makikitsismis na lang ako sa buhay ng ibang tao.  Walang katao-tao ang makipot na kalye. Hindi ba natatakot sa daan ang babae? Bakit siya dumaraan sa ganitong klaseng lugar? Hindi ba siya natatakot sa masasamang loob? o sa mga multong tulad ko? Napansin ko na parang biglang naging unsteady ang paglalakad ng babae. Hanggang sa bigla na lang siya bumagsak sa lupa. Tumilapon ang hawak niyang cellphone. Mabilis akong lumapit sa kanya. Nakapikit na siya ng lapitan ko. Nawala siya ng malay! Sa dami ng lugar kung saan pwedeng mawalan ng malay, doon pa sa gitna ng madilim na kalsadang walng katao tao? Ako lang ang nandoon. Hindi ko naman siya madadala sa ospital. Lumuhod ako para subukang hawakan ang babae pero tumagos lang ang kamay ko sa kanya. Ang sabi ng wu, kapag naka thirty days na raw ang isang kaluluwa puwede na siyang makahawak ng solid objects. Matagal tagal pa bago ko ma achieve yon. Kaya imposibleng mahawakan ko ang babe. Gusto ko sana siyang yugyugin para magising pero hindi pwede. "Hoy! bhe, gumising ka!" Bulyaw ko  sa mukha niya, nag-babakasakaling magising siya. Hindi man nakakahawak ng solid surface ang mga kaluluwa, kaya naman  naming magparamdam. Baka maramdaman ng babae ang presensya ko at iyon ang magpagising sa kanya. "bhe, wag ka diyan sa gitna ng daan. gising!" May nakita akong isanglalaking nagdadaraan. MAy hawak siyang sigarilyo pero nakalutang ang mga paa niya. Kaluluwa! Nasa last quarter na ang kaluluwang ito sa extended stay niya sa lupa kaya nakakahawak  na siya ng sigarilyo. Pwede na siyang humawak ng solid objects tulad ng katawan ng tao. Pero ang problema, Chinese sya, Paano ko siyang makakausap? "Excuse me? tawag ko sa Chinese na kaluluwa. Tumingin sya sakin. "Can you help me?' May sinabi siya ng Chinese characters na hindi ko maintindihan. "Help me. Wake this lady up!" turo ko sa babaeng walng malay. Ngumiwi ang Chinese na kaluluwa at sumensyas na hindi niya ako maintindihan. Napabugtong-hininga na lang akonang lagpasan niya ako. Obviously, kahit sa mga kaluluwa ay may language barrier pa rin. Wala akong nagawa kundi mag hintay ng buhay ang taong magdaraan sa kalye pero nang may dumating, nagnilabot ako. Dalawang Chinese na mukhang gusgusing goons ang paparating. Imposibleng tulungan ng mga ito ang babaeng walang malay. Kawawang babae. Brokenhearted na nga, mukhang mababalay pa! Nakita ko ang pagsingasing ng isang lalaki nang makita ang babaeng walang malay. Halatang nagkainteresado ang mga goons. Kitang kita ko kung paano nila hinagod ng tingin ang babaeng nakalilis pa ang palda. Nag-uusap ang dalawang lalaki pero hindi ko maintindihan dahil sa Cantonese. Luminga-linga sila sa paligid na parang tsine-check kung may nmakakakita sa kanila. "Wag" singhal ko sa kanila pero syempre, hindi nila ako narinig. "Mga walang hiya kayo! Wag nyo siyang gagawan ng masama!" Binulyawan ko sila sa mukha. Nakita ko na parang natigilan ang isang lalaking may balbas pero saglit lang at ngumisi nanaman. Hindi tumatalab ang pagpaparamdam ko. Hanggang sa makita kong binubuhat ng ng isang lalaking kalbo ang walag malay na babae. Hindi! Hindi pwedeng mapahamak ang babae! Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan magising ang babae bago pa siya madala sa isang pribadong lugar. Pero paano? Paano ko siya magigising? Ano ang magagawa ng isang kaluluwang tulad ko? Kung buhay lang sana ako, may magagawa siguro ako para pigilan sila. O kaya naman, kung makakasanib lang sana ako sa babae, itatakbo ko siya nang mabilis para makalayo sa mga lalaking ito. Sa dami ng sinubukan kong saniban, hindi na ako ukmaasang makakasanib ako sa babae pero wala na akong choice kaya sinubukan ko pa rin at baka naman sakaling umubra. Bumuwelo ako para takbuhin ang walang malay na babaeng bitbit ng lalaki. NAPADILAT ako at nakita ko ang mukha ng pangit na tsekwang kalbo na nakatingin sakin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya habang nakatingin sa akin.  Noon ko narealize na nagtagumpay ako. Nagtagumpay akong makasanib sa katawan ng Pinay na kanina ko pa sinusundan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD