Chapter Three

1507 Words
Mabilis akong kumilos. Tinusok ko ng dalawang daliri ang mata ng lalaking may buhat sa katawan na sinaniban ko. Bumagsak ako sa lupa dahil nabitiwan niya ako pero hindi ko iyon ininda. Kailangan kong makatakas. Mabilis akong bumangon at tumakbo. Naramdaman ko ang paghabol ng mga lalaki. Binilisan ko pa ang pagtakbo pero mas mabilis ang lalaking may balbas. Nahagip niya ang braso ko. Kusang kumilos ang paa ko at sinipa sa pagitan ng mga hita niya. Namilit ang lalaking napaluhod pa sa lupa. Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo hanggang sa makalabas ako sa mas malaking klasada. May mangilan-ngilan nang tao sa paligid pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makasigurong wala namg sumusunod sa akin. Isinandal ko ang likod ko sa pader hanggang hinahabol ang paghinga. Humihinga ako. Jusko... humihinga ako! Ganito pala ang pakiramdam ng may hininga. Nakalimutan ko na rin ang pakiramdam ng may hininga. Nakalimutan ko na rin ang bagay na iyon. Hindi ko na maalala kung paano ang mabuhay.  Iniangat ko ang mga kamay ko at pinagmasdan ang mga iyon. Buhsy na ako. Iba ang katawan ko pero ako iyon. Nabuhay ako sa katawang iyon. Kung kailangan sumuko na ako sa paghahanap ng masasaniban....kung kailan ayoko nang malaman kung sino ako ko at kung bakit ako nagpakamatay....kung kailan hindi na ako interesadong bumalik sa Pilipinas... O hindi na nga ba? Sa loob ng sampung araw, wala akong inisip kundi ang makasanib sa katawan ng isang buhay na taoat makabalik sa Pilipinas para alamin ang pagkatao ko. Ngayong nakasanib na ako sa isang katawan, bakit ko sasayangin ang pagkakataon?  Kinapa ko ang maliit na sling bag na nakasabit sa katawan ko ng babaeng sinaniban ko. Naka palibot sa katawan niya ang bag kaya hindi nahulog kahit bumagsak siya sa lupa. Mabilis kong binuksan ang bag para hugutin ang wallet doon. Tumambad sa akin ang ID ng babae nang buksan ko  ang wallet. Rebecca Solis Miranda ang pangalan nang babe. Twenty-seven years old siya at base sa birthdate ng nakasulat sa ID. Hindi siya turista dahil ID sa isang Chinese company ang hawak ko. Nagtratrabaho siya sa Chiu Liu Qi Corporation. Nakasulat sa Chinese characters ang ilang impormasyon kaya hindi ko alam basahin. Hinugot ko ang company ID para hanapin kung may home adress na nakasulat doon. Kailangan kong pumunta sa bahay ni Rebecca para kunin ang passport pumunta sa bahay ni Rebecca para kunin ang passport niya. Wala akong dapat sayangin na sandali. As soon as possible, kailangan kong makabalik sa Pilipinas para hanapin ang pagkatao ko bilang si Janicca Anne Florencio.  Napahawak ako sa likod ng ulo ni Rebecca nang may kumirot doon. May bukol siya. Baka nakuha niya iyon nang mahimatay siya kanina at bumagsak sa lupa. Sa isang Condominium  nakatira si Rebecca. Hindi high-end pero hindi naman cheap. Pang-middle class. Kanina, binati ako ng sikyu na nakapuwesto sa entrada ng condominium building. Mukha kilala niya si Rebecca. Sinagot ko na lang ng "Ni hao", dahil mukhang iyon lang ang alam ko sa cantonese. Unit 509 ang nakasulat sa adress sa ID ni Rebecca. May dalawang susi sa bag niya. Ang isa roon ay isinuksuk ko sa doorknob ng Unit 509. Kumabog ang dibdib ko nang bumukas ang pinto. Patay ang ilaw sa loob ng unit kaya malamang, walang kasama si Rebecca sa bahay. May isa lang siyang nakatira doon. Thiz iz it! sabi ko sa isip habang pinagmamasdan ang loob ng bahay ni Rebecca. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin ang passport niya at kahit bukas na bukas din ay pwede na akong bumiyahe sa Pilipinas. May credit card si Rebecca sa wallet. Pwede kong gamitin yon pagbili ng plane ticket. May cash din pero hindi ganoon kalaki. Mat ATM siya pero hindi ko alam ang PIN kaya umaasana lang ako makita ang passbook niya para  makakapagwithdraw ako sa bank account niya ng perang gagastusin ko habang nasa Pilipinas ako. Pwede ko namang gayahin ang pirma ni Rebecca na nasa likod ng ID niya sa transaksiyon sa bangko. Dumeretso ako sa kuwarto ni Rebecca at naghinalughog ang drawer na nasa tabi ng kama niya. Walang passport doon. Saan ba usually inilalalagay ng isang tao ang passport niya?Sa drawers lang naman, diba?Hinaluglog ko ang iba pang drawers sa kwarto ni Rebecca pero wala akong nakitang passport. Naisip ko baka hindi madalas magbiyahe pauwi sa Pilipinas o sa ibang bansa si Rebecca kaya nakatago ang passport niya. Lumipad ang tingin ko sa cabinet. Baka nakasuksok sa kung saan doon yung passport. Pag bukas ko ng cabinet ay tumambad sa akin ang nagsisisikang mga damit na naka hanger. Nawala isip ko ang passport at pinakialaman ko ang mga damit. In all fairness, may fashion sense si Rebecca. Magaganda ang style ng mga damit niya. Perfect! Magdadala ako ng mga damit niya sa pagluwas ko sa Pilipinas.Nalibang na ako sa pagsusukat ng mga damit niya at sapatos at pakikialam sa accesories at makeup sa dresser kaya nakalimutan ko ang paghahanap sa passport.Naglaglag ako ng lipstick sa harap ng salamin sa dresser nang ma realize ko ang ginagawa ko. May natulasan ako sa sarili ko. Kikay pala ako. May interes pala ako sa mga damit, sapatos, accesories at makeup. Napangiti ako. Untti- unti o nang makikilala ang sarili habang nasa katawan ni Rebecca. Tinitigan ko ang mukha niya sa salamin. Hinaplos ko ang pisngi niya. Maganda siya, makinis. Pero ang mga mata niya malungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit. Ako na ang nag-takeover sa katawan ni Rebecca kaya dapat ay emosyon ko ang naglalarawan sa mga mata niya. At sa ngayon, masaya ako. Masaya ako dahil sa wakas, nakapasok na ako saisang katawang buhay at magagawa ko na ang kailangan kong gawin bago ako kunin ng liwanag. Naalala ko ang itinanong ko sa wu tungkol sa pagsanib. Itinanong ko sa kanya kung saan napupunta ang kaluluwa ng isang katawan sinaniban ng ibang kaluluwa. Ang sagot ng wu, nasa loob pa rin ng katawan ang kaluluwa ng taong iyon pero wala siysng kamalayan. Natutulog ang kaluluwa niya sa loob ng kanyang katawan. Habang dakop ko ang katawan ni Rebecca, matulog lang siya sa loob ng kanyang katawan at hindi siya magigising hanggang sa makaalis ako. Tulog si Rebecca sa loob ng katawan niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit malungkot ang mga mata ko gayong masaya naman ako. Malungkot si Rebecca. Bakit nga kaya? Bakit kaya umiiyak siya kanina? Marahas akong napailing. Wala akong panahon para alamin ang buhay ni Rebecca kahit medyo curious ako sa kanya. Ang kailangan kong asikasuhin ay ang buhay ko. Kailangan ko nang hanapn ang passport niya para makaalis na ako bukas. Hinaluglog ko ang cabinet. Lahat ng mga kahon at folders ay sinilip ko. Hindi ko masyadong binusisi ang mga nakita kong gamit ni Rebecca dahil ayokong masyado i-invade ang privacy niya. Focused lang ako sa paghahanap sa passport. Pero na haggard na ako sa kakalughog ng mga gamit niya ay wala akong passport na nakita. "Bakit wala siyang passport?" tanong ko sa sarili. "Imposible." Napalitan tuloy akong bulatlatin ang mga papeles sa folder niya. Nakita ko ang birth certificate niya. Pure Filipina siya. Paano siya nakapunta sa Hong Kong nang walang passport? Nakita ko rin ang certificate of employment niya. Tatlong taon na siyang nagtratrabaho sa Hong Kong. Mayroon siyang mga lumang boarding pass kaya ibig sabihin, nakakauwi siya sa Pilipinas. One year ago pa ang petsa ng huling boarding pass. Isang taon na ba siyang hindi umuwi? Hindi kaya nawawala passport niya? Marahas akong umiling-iling. Hindi! Hindi nawawala ang passport ni Rebecca. Nandito lang iyon sa mga gamit niya. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bahay niya, gagawin ko. NAKALIMUTAN ko na kung gaano kasarap ang matulog. Kaya pagdilat ko ng mga mata pagkatapos matulog nang matagal, feeking refreshed ako. Ang sarap matulog. Noong kaluluwa pa lang ako, hindi kami natutulog. Maghapon at magdamag kaming dilat. Nagpapahinga kami pero hindi kami nakakatulog. Wala na kasi kaming body cells na kailangan i repair sa pamamgitan ng pagtulog kaya hindi namin iyon kailangan. Malakit at malambot ang kama ni Rebecca kaya siguro masarap ang naging tulog ko. Mag inat ako. Narinig ko na lang ang pag ungol ko. Ang sarap palang mag inat. Ang sarap palang gumising sa umaga. Nagkakapagtaka kung bakit pinili kong huwag gumusing isang umaga.  Natigilan ako nang parang may masagi akong matigas sa kama. Kinapa ko ang nasagi at gannon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang may naramdaman akong balat. Marahas ang ginawa kong pagbaling sa labi ko. Nakita ko ang isang katawan! Isang matigas na panlalaking katawan na hubad. Nakayagilid siya at nakatalikod sakin. Covered ng kumot ang mula sa baywang pababa kaya hindi ko alam kung totally nude ang katawan. Bigla akong napabalikwas.  Paano nagkaroon ng lalaki rito? Bago ako natulog ay wala akong katabi. Hindi ko yata nai-lock ang pinto ng condo unit kaya nakapasok ng masamang-loob! Sa takot ay tumalon ako pababa ng kama. Dinampot ko ang isang unan at pinaghahampas ang lalaking natutulog sa tabi ko. "Hayup ka! Hayup ka! Anong ginawa mo saking hayup ka?!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD