Chapter Four

949 Words
Hindi naman ako hubad pero imposibleng walang ginawa sa akin ng lalaki habang natutulog ako. Oo, hindi ko ito katawan pero dahil ako ang kaluluwang nag take over, dapat lang ingatan ko ito. Halatang nagising ang lalaki dahil kumilos siya. Hindi ako tumigil sa paghampas sa kanya hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Naghanap ako ng telepono para tumawag sa pulis pero walang telepono sa bedside table. Pagbalik ko sa tinginng lalaki ay nakatayo na siya. Hindi siya totally hubad pero naka boxers short lang siya. Gulo-gulo ang buhok niya at halos hindi maidilat ang mga mata habang nakatingin sa akin. May sinabi siya sa Cantonese pero hindi ko maintindihan. Natameme ako nang matitigan ang tsinito. OH... MY.. G! ang guwapo!! Mas gwapo pa sa F4! Sa tantiya ko ay nasa late twenties pa lang siya. Bumaba ang tingin ko sa malapad na dibdib ng lalaki at sa six pack abs niya. Wow. Bakit may gwapo sa kama ni Rebecca? Imposibleng pumasok ang lalaki sa bahay para pagsamantalahan si Rebecca. Sa guwapo at sexy niya, baka siya pa ang reypin ng mga babae!  "Becca, anong nangyayari?" Marunong siya magtagalog! At kilala niya si Rebecca. Teka lang. Kung pumasok siya sa bahay ni Rebecca at natulog sa kama ng babae nang halos walang saplot, ibig sabihin...may relasyon sila ni Rebecca? "Becca?" nakakunot ang noong tanong ng lalaki. Magpapanggap ba akong kilala ko siya? Pero ko gagawin iyon, eh, hindi ko nga siya kilala? Hindi ganito ang plkano ko. Ang plano ko ay umalis na agad kapag nakuhanko ang passport ni Rebecca. Hindi ko inexpect na may dyowa pala siya. Ano ang iniiyak-iyak niya kagabi kung hindi pala siya broken-hearted? "Becca? What's wrong sweetie?" Confirmed! Dyowa nga ni Rebecca ang lalaking ito! "Bakit kung makatingin ka, parang hindi mo ako kilala? Are you allright?" Hindi ako pwedeng magpanggap na kilala ko siya. Magtataka siya kapag nag-usap kami at malaman niyang marami akong hindi alam sa kanya at maging sarili ko. Humawak ako sa likod ng ulo ni Rebecca at nakapa ko rin ang bukol doon. Mabilis akong nakaisip ng alibi. Noong isang araw lang nakinood ako ng TV sa isang na madaanan ko. May eksena sa isang pelikula na naaksidente ang sasakyan ng bidang babae at paggising niya ay hindi na niya kilala kung sino siya at ang mga taong nakapalibot sa kanya sa ospital. Nagka-amnesia ang babae. Nabugok ang ulo niya at naalog ang parte ng may kinalaman sa memorya kaya nagulo ang memory ng bidang babae. Hindi lang naman siguro sa mga palabas nangyayari iyon. Puwede rin siguro sa totoong buhay.  "B-boyfriend ba kita?" tanong ko. Halatang nabigla ang lalaki sa itinnanong ko. "huh? "S-sasagutin mo ko. Boyfriend ba kita?" Bahagyang namilog ang mga mata ng lalaki. May sina siya sa salitang Cantonese. "Hindi ko naiintindihan ang sinasabi moo. Mag tagalog ka." Halatang naguluhan ang lalaki. "What are you talking about, Becca?" "Hindi kita kilala. Hindi ko rin kilala ang sarili ko." Mukhang namangha ang lalaki. "What?" "Kagabi, nagising na lang ako sa kalsada na masakit ang ulo ko at may bukol." Kinaps ko ang bukol sa likod ng ulo ni Rebecca. "hindi ko maalala kung anong nangyari. Hindi ko kilala sarili ko nang makita ko ang ID sa bag na nakasabit sa akin. May adress na nakasulat sa ID kaya pinuntahan ko ang bahay na ito." tinutop ng lalaki ang bibig hahng nanlaki ang mga mata. "Oh, sweetie!" Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako sa pagkabigla ko. Hindi ko alam ang gagawin. Kakawala ba ako sa yakap niua dahil hindi ko siya maalala o hahayaan ko siyang yakapin  ako dahil may relasyon kami? Kinapa  ng lalaki ang likod ng ulo ko at naramdaman ko ang pagsalat niya sa bukol ko. "Does it hurt?" tanong niya. Tumango ako. "Oh, God, Becca! You might have a temporary amnesia or something." Nakahinga ako ng maluwag. Buti kinagat niya. Tama. "Temporary amnesia" lang ito dahil babalik din ang "memorya" ni Rebecca kapag umalis na ako sa katawan niya. "Amnesia?" Kunwari ay tanong ko. "Nawala ang memory mo, sweetie, dahil sa blow na nakuha mo sa ulo." Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako. Hrabe, mas gwapo siya sa malapitan. "Kaya ba magulo ang kwarto mo? Hinaluglog mo ang mga gamit mo para maalala kung sino ka?" "O-oo," sabi ko. Niyakap ako ng lalaki. "Poor, you..." Teka nga. Yakap siya ng yakap sa akin nang naka boxers lang! Oo nga, gwapo siya at at hindi ko katawan to pero nakakilang pa rin. Kumawala ako sa yakap niya at humakbang nang paatras. "Sino ka?" Nagpakawala ng hininga ang lalaki. "I'm Chiu Chen Li, your fiance." Fiance? Eh, bakit walang suot na enggagement ring si Rebecca? Naalala ko ang isang singsing na may malaking bato na nakita ko sa drawer ng dresser, Baka engagement ring yon. "Were getting married four weeks from now." Ikakasal na si Rebecca in four weeks? Ikakasal na pala siya sa pagkaguwapo-guwapong lalaking ito, ang iniiyak niya kagabi? Hinawakan ni Chen Li ang mga balikat ko. "I have to take you to the hospital. You have to regain you memory." "No! I don't like hospitals!" Hindi ko sigurado kung totoo sa loob ko iyon o kailangan ko lang umiwas sa check up dahil baka mabuking ako na nagpapangap lang na nawalan ng memorya. Yes, I know that. But you have to get treated, Baka nagkaroon ka ng brain injury kaya wala kang maalala." "I feel fine. Hindi masakit ulo ko. Wala lang ako matandaan pero sabi mo nga, temporary mnesia lang ito at babalik din memory ko." Umiling iling si Chen Li at kinapa ang likod ng ulo ko. "At least get this bumped check." Pumikisi ako. "Ayoko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD