ISANG solidong kanang sipa ang binitawan ni Speed sa mukha ng nakahigang si Zargus. Dahil sa pambihirang lakas na taglay niyon ay bumaon nang sobra ang ulo ng tinamaan nito. Isang napakalalim na hukay rin ang nilikha ng impact noon na nagpabitak sa maraming bahagi ng lupa roon. Ang hangin nga ay umihip din nang napakalakas dahil doon, dahilan iyon para maramdaman ng lahat ang lakas noon. "Si Speed ba talaga ang isang iyon?" tanong ni Kuro na kasalukuyang nakatingin sa mga nangyayari sa hindi kalayuan. Nakita niya ang ginawa ng binatang alam niya'y may Violet Aura. Ang itinuring ng lahat na isa sa mga mahihina sa paaralan. "Sir... May pag-asa tayong manalo rito... Alam ko," nagagalak namang winika ni Ryzen. Napakuyom siya ng kamao dahil alam niyang si Speed ay posibleng ang demon na

