bc

And Yet, I Love You (Completed)

book_age16+
327
FOLLOW
3.1K
READ
family
fated
independent
confident
neighbor
doctor
humorous
betrayal
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Because of her priorities and having been burned many times, finding love is not a priority in Lucille's life, at least for the moment. She was happy with her job as a dentist and she doesn't mind being single. It was until she learned that a single patient in the hospital she was working for, died alone. No one came for the dead lady to claim her body, not even her family.

The idea sent chills down her spine. She realized that she doesn't want to end up alone. And before it was too late, she decided to open her heart on the possibility of finding love.

It was when Lucille met Thrace Rodulfo. His good looks and very intense eyes instantly caught her eye. zshe thought to herself, "Why not him?" Being the independent woman that she is, she asked him to go out on a date with her. He said yes but unfortunately, it never happened.

Then, Thrace's brother, Troy came into the picture. She hated him from the get-go but for whatever reason, Lucille seems to crosses path with him too often. And during those moments that they wrre together, Lucille began to see him in a different light.

Troy isn't so bad as he seemed. She begun to like Troy. Suddenly, she's not looking for Thrace anymore but she's looking forward to seeing Troy. She quickly developed feelings for Troy when she learned the true reason why those brothers were caught up with her.

.

chap-preview
Free preview
A Change of Heart
NAROON si Lucille sa 7-11 sa tapat ng Esteves Memorial Hospital. Iyon na ang daily routine niya bago pa man siya pumasok sa ospital kung saan siya may clinic apat na beses sa isang linggo bilang isang dentista. Dahil busy at medyo malayo pa ang tinitirhan niya ay wala ng panahon si Lucille para magluto ng sarili niyang almusal. Nang makakuha siya ng kape ay agad na inamoy iyon ni Lucille. She loves the smell of coffee. It seems like the coffee's aroma alone can help her get through the day. Sumimsim na siya ng kape at napangiti sa sarap niyon. Matapos ay inilagay niya na muna ang nakabalot na siopao sa kanyang shoulder bag. Hawak ang kape sa isang kamay ay kinuha niya rin ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon para basahin ang text ng pasyente niya kanina na hindi niya pa nasagot. Nagtetext si Lucille habang naglalakad at napahinto lamang nang nasa harap na siya ng pinto. Akma na niya sanang bubuksan iyon nang biglang may maagap na kamay na nagbukas niyon para sa kanya. Lumingon si Lucille para magpasalamat sana kaya lang ay natigilan siya nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaki na makailang beses niya nang nakikita sa 7-11. Hindi niya alam kung saan ito nagtatrabaho pero siguro ay malapit lang iyon doon. Imbes na magsalita ay parang nawalan ng boses si Lucille nang magtama ang kanilang mga mata. She was literally stunned by that masterpiece in front of her. Napakunot noo pa nga ang lalaki dahil siguro nagtataka ito kung bakit siya nakatunganga. Lucille wasn't the type who would swoon over someone's good looks. After having been burned three times by her ex-boyfriends, she had decided to give her heart a rest. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang sarili na isipin ang kahit na sinong lalaki na sa huli ay paglalaruan lang siya. Isa pa ay kailangan niya ring mag-focus noon sa pag-aaral at kinalaunan ay sa pagtatrabaho. Kaya imbes na mag-aksaya ng oras sa mga lalaki ay pinagyaman niya ang sarili. She had to. Sampid lang kasi siya sa pamilya Garcia. Anak si Lucille ni Alma sa unang asawang si Manolo. Dahil babaero at mapanakit sa asawa ay iniwan ni Alma ang tatay ni Lucille. Hindi na siya nito nagawang isama dahil pinagbantaan ito ni Manolo na papatayin kapag kinuha ni Alma si Lucille. Dahil walang magawa ay kinailangan siyang iwan ng ina. Pero kahit ganoon pa man ang nangyari ay hindi kailanman nagkaroon ng sama ng loob si Lucille kay Alma. Naiintindihan niya ang pinagdaanan nito sa asawa. Ang huli na lang niyang balita rito ay may live in partner na daw itong abogado at maayos na ang buhay nito. Samantala, naging mahirap naman para kay Lucille ang bahaging iyon ng kanyang buhay. Hindi man siya sinasaktan ng ama ay naghirap naman sila dahil nilulustay lamang ng bagong kinakasama ni Manolo ang pera nito. Hanggang sa na-stroke si Manolo ay wala na silang perang pampagamot dahil tinangay na ng kinakasama nito ang natitirang pera nito nang hiwalayan ng babae ang kanyang ama.  Dahil wala na silang ibang kamag-anak at ayaw naman ni Manolo na humingi siya ng tulong kay Alma ay hindi niya nagawang ipagpagamot ang ama. Hanggang sa isang araw ay inatake na lamang ito sa puso na naging dahilan ng pagkamatay nito. Sa murang edad na labintatlong taong gulang ay mabigat na ang pinagdaanan ni Lucille at pakiramdam niya ay nawalan na siya ng pag-asa. Hindi nagtagal ay nabalitaan rin ng kanyang ina ang nangyari at kinuha siya nito. Dahil walang ibang malalapitan ay sumama siya rito kahit pa natuklasan niyang mayroon na rin pala itong siyam na taong gulang na anak sa kinakasama nitong abogado. Naging maayos naman ang pagtanggap ng bagong pamilya ni Alma sa kanya lalo pa at nagkakasundo sila ng half sister niyang si Alice. Nang makapagpakasal nga si Alma at si Atty. Crisanto Garcia ay inampon pa siya ng huli. For the first time in a long time, Lucille had a family. Hindi man siya opisyal na bahagi niyon ay pamilya pa rin iyon. Maayos naman ang pagturing ni Crisanto sa kanya pero pakiramdam niya ay ginagawa lang nito iyon para paluguran si Alma. Nararamdaman niyang nahihirapan pa rin ito sa pagpasok niya sa buhay ng mga ito. He's still acting civil about Lucille. Naging mahirap iyon para kay Lucille pero nauunawaan niya naman ang ama-amahan. Kaya para makuha ang loob ni Crisanto at para mapatunayang karapat-dapat si Lucille sa apelyidong Garcia ay sinubukan niyang hindi magbigay ng sakit ng ulo dito. Pinagbuti niya ang pag-aaral hanggang maging ganap na dentista. Pagkatapos niyon ay Nag-Master of Science pa siya sa Orthodontics. She focused herself on her profession. Kaya puwera na lang pasyente niya ang lalaki at kailangan nito ang serbisyo niya bilang dentista, saka lang niya ito pagtutuunan ng pansin. But this guy wasn't her patient. She didn't even know him. Pero tuwing magkakasalubong sila sa convenience store at pansamantalang magtatama ang kanilang tingin ay nararamdaman ni Lucille ang tila magnetong humihila sa kanya. Kung anumang puwersa iyon ay wala siyang ideya. Lucille didn't want to notice him in a way she wasn't supposed to, but the guy demanded so much attention! Kahit nga ang ilang babaeng nakatambay doon sa convenience store ay napatingin rin sa lalaki. Hndi na rin magpapakaipokrita si Lucille at aaminin na sa sarili na mula noong una niya itong makita doon ay naguwapuhan na siya sa lalaki. Why! He had very prominent facial features. His thick but well maintained dark scruff even complemented his very manly appearance. Para bang mala-Zac Efron ang dating nito. May pagka-intimidating din ang aura nito pero sa tingin niya ay nakadagdag lang iyon sa karakter ng lalaki. Bukod pa doon ay parang nalulunod siya tuwing matititigan nito. His eyes were like the color of honey and she found it beautiful. Hindi rin alam ni Lucille kung bakit parang kinakabahan siya kapag nagtatama ang kanilang mga mata. Parang gusto niya itong kausapin pero hindi niya rin naman alam kung paano magsisimula. Mukhang ganoon din ang lalaki sa kanya dahil napapansin niyang parang may gusto rin itong sabihin sa kanya sa tuwing magkakasalubong sila pero sa huli ay magbabago ang isip nito at bigla na lang lalayas sa harap ni Lucille. Gaya na lang ngayon. Kaya gaya ng ginagawa ni Lucille tuwing nangyayari iyon ay napabuntung-hininga na lang siya. Baka kaya ganoon ang lalaki dahil may nobya na ito o baka naman ay wala itong interes sa kanya. Kahit may kaunting panghihinayang siyang naramdaman ay hinayaan niya na iyon. Tutal naman, okay lang naman siyang mag-isa. O baka iyon lang ang akala niya. Sa kalagitnaan kasi ng araw ay pinuntahan nila ng kaibigan at kapwa doktor niyang si Zelena ang prof nila sa med school noon, ang oncologist na si Doc Regine. Nasa EMC din ito nagtatrabaho. Habang hinihintay nila si Doc Regine lumabas sa ICU ay natuklasan nilang namatay na ang pasyente nito. Ikinuwento pa ni Doc Regine sa kanila pagkamaya-maya ang nangyari. Ayon dito ay matandang dalaga daw ang pasyente at wala itong pamilyang magke-claim ng bangkay nito. Kaya bago pa man daw mamatay ang pasyente ay pumirma na ito ng waiver na nagsasabing idodonate nito ang katawan sa Medicine students para pag-aralan ng mga ito. Kinilabutan si Lucille sa nalaman. Lalong nagsitaasan pa ang mga balahibo ni Lucille nang biglang bumukas ang pinto ng ICU at may inilabas ang mga nurse at orderly na isang transport stretcher trolley kung saan naroon ang bangkay ng pasyente. Nakita pa niya ang mukha ng matanda dahil hindi maayos ang pagkakatalukbong ng kumot sa katawan nito. Iniayos naman agad iyon ng nurse pero huli na. Parang nanlamig ang katawan ni Lucille nang makita ang sarili sa matanda. Successful naman ito pero walang asawa at pusa lang ang kasama sa buhay--mga bagay na may pagkakatulad sila. Baka matulad din siya rito pagdating ng panahon na namatay nang nag-iisa. May kapatid naman si Lucille at mga kaibigan pero may sariling buhay na rin ang mga ito. Malay niya ba kung pabayaan siya ng mga ito pagtanda niya. Biglang na-imagine ni Lucille ang magiging hitsura ng bangkay niya habang dinadala iyon sa morgue. Lumalakas ang kabog ng puso niya habang naiisip kung paano hihiwain ng mga estudyante ang katawan niya para pag-aralan. Pinagpapawisan na siya nang malamig lalo pa at panay ang pananakot sa kanya ni Zelena at Doc Regine na ganoon ang mangyayari sa kanya. Noon ay okay lang kay Lucille na hindi siya makapag-asawa pero nang malaman ang tungkol sa pasyente ay nag-alala na siyang sa edad na twenty-nine ay wala pa siyang boyfriend! Ngayon higit kailanman ay ayaw na ni Lucille na tumandang mag-isa! Mabigat pa rin ang loob ni Lucille hanggang sa makauwi siya bagong bahay sa Horizon Estates kung saan siya lumipat dalawang linggo lamang ang nakakaraan. Pinagpasyahan niya na kasing bumukod dahil nahihiya naman na siya kung habambuhay siyang aasa sa step father niya. Pumayag naman ito sa kanyang desisyon. Maganda at sarili niya na nga ang bahay pero walang boyfriend man lang sana o asawang sasalubong sa kanya. Ang karamihan sa mga ka-batch niya ay may mga asawa na samantalang ang naabutan niya lang sa bahay ay ang pusang-kalye na alagang si Fifi. Napulot niya sa labas ng ospital si Fifi at kinupkop dahil naawa siya. Naisip ni Lucille tuloy na mabuti pa si Fifi at may isang tulad niyang nag-aalalaga rito samantalang siya ay wala man lang bumibisita. She had never felt more alone. Sana pala ay hindi na muna niya naisipang bumukod ng tirahan. Right then and there, she decided to give herself a chance at love. Hindi niya na hihintaying umabot pa siya sakanyang deathbed bago ma-realize iyon. Kung sino man ang unang magyaya ng datesa kanya, papatusin niya na kaysa naman thirty years from now ay mga Med students lang ang makikinabang sa katawan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.9K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook