All Boxes, Checked

2326 Words
KINAUMAGAHAN ay may determinasyon na si Lucille na baguhin ang goal niya sa buhay. Kailangan niya nang makapaghanap ng boyfriend bago pa mahuli ang lahat. Pero kung kailan ready to mingle na si Lucille ay saka naman siya hindi na pinapansin ng mga doktor na nag-aya sa kanya noon. Mukhang nag-expire na ang mga offer ng mga ito. Iyon na nga ang pinag-uusapan nila ng dental assistant niyang si Margot habang naghihintay sila ng pasyente sa clinic. "Eh, paano 'yan? Paano ka makakapag-boyfriend kung walang gustong makipag-date sa'yo?" "Hindi ko nga alam." "Ano ba kasing gusto mo sa lalaki? Baka naman super choosy ka kaya wala kang natitipuhan." Napaisip si Lucille. Kailan man ay hindi niya naisip ang bagay na iyon pero kapag nanonood siya ng mga pelikula na nakahiligan niya nang gawin kapag nasa bahay siya ay natutuwa siya kapag ang bida ay guwapo, charming ang personalidad, palangiti, mabait, gentleman, mahilig sa bata at parang knight in shining armor ang dating. Sinabi niya ang lahat ng iyon kay Margot. "Tsaka gusto ko rin may maayos na trabaho. Plus points na lang kapag mayaman. At gusto ko compatible kami. Parehas kami ng mga gusto." Napakamot si Margot sa ulo. "Andami mo naming requirements. Hindi ba puwedeng ang requirement mo lang ay yung mahal mo? Baka nga ay mamatay kang matandang dalaga dahil sa dami mong requirements." Kinilabutan na naman siya nang maalala ang mukha ng pasyent ni Doc Regine. Lihim na napadasal si Lucille na sana ay huwag siyang matulad doon at kung may ibibigay man na lalaki ang Diyos para sa kanya, sana ay hindi na iyon matagalan. Pagkamaya-maya ay gusto ng paniwalaan ni Lucille na may pag-asa pa naman siya dahil nang muling bumukas ang pinto ng clinic niya ay bumungad sa kanya ang mukha ng lalaking madalas na makasalubong ni Lucille sa 7-11. Parang biglang lumagabog ang dibdib ni Lucille sa kaba dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang mapapadpad ito doon. "So, ikaw pala ang doktor dito?" sabi ng lalaki nang makita siya. Kung ganoon ay nakilala siya ng lalaki kahit hindi man lang siya nito pinapansin kapag nagkakasalubong sila? Nagulat pa si Lucille nang gawaran siya nito ng napakagandang ngiti. Ni minsan ay hindi siya nito nginitian. Pero napansin niyang lalo itong gumwapo dahil sa magandang ngiti nito. Parang maaliwalas ang mukha ng lalaki sa bagong ahit na balbas nito. Pakiramdam niya ay may nagbago rito lalo na sa mga mata nito pero hindi iyon matukoy ni Lucille kung ano. Ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon. "Yes. I'm Dr. Lucille Garcia," sagot niya. "Hi." Kumislap ang mga mata nito nang makita siya na para bang nakilala siya nito. "So, ikaw pala ang sinasabi ng mga empleyado ko na dentistang magaling na, maganda pa." Parang kumislap ang mga mata ng lalaki nang sabihin nito iyon samantalang si Lucille ay hindi maiwasang mapangiti. Hindi siya ang tipo ng babae na madaling madala sa pambobola pero nakakadala ang maganda nitong ngiti. Isa pa, ikinatutuwa niya na natatandaan rin pala siya nito. "Aba, may mga referral ang mga pasyente," nakangising wika niya. "Siguro ang gaganda ng ngiti ng mga empleyado mo kaya na-kumbinsi ka nilang magpa-cleaning rito." "No, it wasn't that. The real selling point there was when they said that the dentist is pretty," anito saka maluwang na napangiti. Napansin ni Lucille na very charming pala ang personality ng lalaki at smooth talker din ito. Pero ganoon pa man ay swabeng swabe naman ang 'flirting' nito na umeepekto sa kanya. "Then I must be thankful that I'm pretty," aniya. "You should be," sagot nito. Ilang segundong pinakatitigan si Lucille ng lalaki na animo'y gandang ganda ito sa kanya bago nito naisipang ilahad ang kamay. "I'm Thrace Rodulfo. Sa Levi Building lang an office namin." Kaya naman pala ay makailang beses niya na itong nakasabay sa 7-11 dahil talagang malapit lang ang building nito doon. Tinanggap niya ang kamay nito at nagkatitigan ng ilang saglit. Hindi mapalis ang ngiti ng lalaki sa mukha nito at ganoon naman din si Lucille. Hindi niya nga mahinuha kung bakit parang kinikiliti ang puso niya noong mga sandaling iyon. Kung hindi pa tumikhim si Margot ay hindi pa mapuputol ang paghihinang ng kanilang mga mata. "I-re-ready ko na ang mga gamit mo, Doc," ani Margot na may mapanudyong ngiti sa mga labi. Noong sumunod na sandali ay nagsuot na si Lucille ng gloves, mask at pinaupo na rin si Thrace sa dental chair. Gamit ang mouth mirror ay tsinek niya ang ngipin nito. Nang matapos ay naupo na si Lucille sa dental stool samantalang ini-recline niya ang dental chair ni Thrace. Matapos ay inilagay ang dental suction sa bibig nito, saka sinimulan na ang paglilinis sa mga ngipin gamit ang isang ultrasonic instrument. Sa ilang taon na ring ginagawa ni Lucille iyon ay sanay na siya sa trabaho niya pero ngayong si Thrace ang pasyente niya at titig na titig ito sa mukha niya ay parang kinikilig siya. Para ba kasing ang lagkit ng pagkakatingin nito sa kanya. He had really beautiful hooded eyes. Saka niya lang napansin na nag-iba ang kulay ng mga mata nito. The last time, his eyes were the color of honey. Ngayon ay parang chocolate brown na ang kulay niyon. Pero baka lang ay naka-contact lens lang ito dati. Kahit bumibilis ang t***k ng puso ni Lucille ay pinilit niya pa ring magka-professional at gampanan ang trabaho niya. Kaya ganoon na lamang ang paghinga niya nang maluwag nang matapos na ang dental cleaning dahil sobrang kinikilig siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Akala mo naman, teenager pa siya kung makaakto. "Thank you, Dr. Garcia," nakangiting wika nito sa kanya pagkamaya-maya. "You can call me Lucille." "Right," tugon nito. "Where shall I pay?" "Kay Margot na lang." Agad namang tumalima si Thrace habang siya ay nakatingin pa rin sa binata at pinagmamasdan ang bawat pagkilos nito. Napaka-finesse nitong gumalaw at hula niya ay mayaman ito. Siguro nga naman ay mayaman ito dahil kakabanggit lang nito kanina na may mga empleyado ito, meaning, ito ang Boss. Wala siyang matulak-kabigin sa lalaki. Guwapo ito, check. Mukhang may magandang trabaho, check. Charming ito, check. Palangiti, check. Doon niya na-realize na nasa lalaking ito ang mga katangiang ideal para sa kanya na sinabi niya kay Margot kanina.  Uy, puwede! Sana nga lang ay mag-krus pa ang landas nila pagkatapos nito. Nang makapagbayad na ito ay nagpaalam na si Thrace sa kanila pero huminto lang ang binata pagkalabas na pagkalabas nito ng pinto dahil may tinawagan na ito sa cellphone. "Doc, ayain mo na mag-date," bulong ni Margot sa kanya. "What?!" hindi makapaniwalang sagot niya nang lingunin ang assistant. Baka kung anong isipin ni Thrace kapag ginawa niya iyon. "Mukhang type mo naman at guwapo si Sir Thrace. Sayang ang chance kapag hindi mo inaya". "Ayoko nga. Nakakahiya." "Kapag hindi mo yan inayang mag-date, ako ang mag-aaya diyan. Bet ko pa man din si Sir," pangisi-ngising wika ni Margot. "Ikaw ang bahala," balewalang wika niya. Kumpiyansa si Lucille na hindi naman iyon gagawin ni Margot kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang tawagin nito si Thrace. "Sir Thrace!" "Yes?" Pumindot muna ito sa cellphone nito saka muling lumingon sa kanila. Mapanudyong ngumiti si Margot sa kanya. Parang nag-protesta tuloy ang kalooban niya dahil sa gagawin nito. Mukhang okay naman kasi Thrace at wala naman siyang nakikitang masama rito. "I was hoping---" Bago pa man matapos ni Margot ang sasabihin ay inunahan niya na ito. Bigla rin kasi niyang naalala ang pasyente ni Doc Regine. Tama rin si Margot na sayang ang chance kung papalagpasin niya iyon. "Maybe you can join me for dinner when you're free?" sabi niya. Bahala na kung anong sasabihin ni Thrace basta hindi niya hahayaan na maunahan siya ni Margot. Tutal ay gusto niya na rin namang makipag-date 'di ba kaya i-todo niya na. Nang muling lingunin niya si Margot ay pangitit-ngiti ito kaya na-realize niyang ginawa lang nito iyon para siya na ang gumawa ng first move. At mukhang hindi rin iyon inaasahan ni Thrace dahil rumehistro ang gulat sa mukha nito. "What?" Bago sumagot ay lumapit na muna siya rito. "Maybe you can have a date with me," sabi niya. Bago pa man makasagot si Thrace ay may batang babae na tumakbo na lamang at yumakap sa binti ni Thrace. May kasunod itong yaya. Wari niya ay nasa limang taong gulang ang bata at agad na napansin niya ang pagkakahawig nito kay Thrace. "Daddy!" Kung ganoon, ay may pamilya na ito?! Naisip kasi ni Lucille na if there was a child, then there must be a wife. Suwerte ng asawa nito. Noong mga sandaling iyon ay naging malinaw kay Lucille na hindi na ito puwedeng ayaing mag-date. "Oh no! I'm sorry, binabawi ko ang sinabi ko kanina." "Bakit?" Napakunut-noo ito. "Dahil may anak ka na pala. You must be married." "Was married," pagtatama nito. Nabasa yata nito ang iniisip niya nang bigla itong nagsalita. "She's my daughter, Tilly..." turo nito sa anak. "...pero wala na ang asawa ko." "Wala na as in?" "She died, three years ago." "Oh. I'm sorry." "That's okay, Lucille," nakangiting tugon nito. "So, hindi mo na ba babawiin ang tanong mo gayong wala namang magagalit?" Ibig sabihin ay libre na itong makipag-date! Parang umawit ang puso niya. "Depende sa isasagot mo." "Then what if it's a yes?" tudyo nito sa kanya. "Then I'd be waiting in a dress," nakangising sagot niya. "Good. Okay lang ba kung sa makalawa na? Iyon lang din kasi ang free time ko. Nakapangako na kasi ako kay Tilly na manonood kami ng sine ngayon. Bonding kasi naming iyon. We love watching movies," nakangiting wika nito. Oohhh. He loves movies daw, Check. Mahilig sa bata, another check. Pasok talaga sa banga! "Sa Miyerkules? Yeah, okay lang. Pero mga seven sana ng gabi." "Seven's fine." Ibinigay nito ang cellphone sa kanya. "Then, can you give me your phone number and text me the address?" "Sure." Gamit ang cellphone nito ay nag-missed call siya sa kanyang cellphone at nang makuha niya ang number nito ay agad niya ring tinext ang address ng bahay niya. "Here." "Thanks. Tawagan na lang kita at susunduin sa Miyerkules." Napangiti si Lucille. Mukhang may pag-asa na si Lucille na hindi siya tatandang dalaga. Parang excited na tuloy siya sumapit ang Miyerkules. Pero habang naghihintay si Lucille sa date nila ni Thrace sa Miyerkules ay nagpatuloy lamang ang pang-araw araw na takbo ng buhay niya at ngayon, hindi na siya masyadong nag-aalala na tatanda siyang dalaga. Hindi pa man sigurado kung magiging successful ang date nila ni Thrace bukas ay atleast nakahanap na siya ng lalaking mayroon ng mga katangiang hinahanap niya. It's a good start. Siyempre, kung maghahanap lang naman siya ng boyfriend, 'yung pasok na sa standards niya. Kaya nga nang may makita siyang magkasintahan sa seven eleven noong pumunta siya doon para saglit na bumili ng makakain ay hindi na siya nainggit. "Pasasaan ba at magkakaroon din ako ng boyfriend," mahinang bulong niya sa sarili at napangiti nang maisip si Thrace. Nang makapagbayad ay lumabas na si Lucille ng 7-11. Naghintay siya para makatawid papunta sa ospital. Kaya lang kakahakbang niya pa lamang ay biglang may lumiko na bisikleta at nanlaki ang mga mata ni Lucille dahil mababangga siya nito. "Watch it!" narinig niyang sigaw ng pamilyar na tinig. Nahigit ni Lucille ang hininga dahil napakalapit na sa kanya ng bisikleta. Pero bago pa man siya mabundol niyon ay biglang may humila sa kanyang kamay dahilan upang mabitawan niya ang hawak at mapasubsob siya sa malambot ngunit matatag na bagay. Nang magmulat siya ng mga mata ay natagpuan na lang niya ang sarili sa mga bisig ng isang lalaki at ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng puso niya nang bumungad sa kanya ang napakaguwapong mukha ni Thrace. His dark brown eyes bored into her. Alam ni Lucille na hindi niya dapat ganoon ang nararamdaman niya gayong muntik na siyang mabundol pero bakit ganoon? Bakit parang pakiramdam niya ay natutuwa pa siya dahil muling nag-krus ang kanilang landas? "Okay ka lang ba?" nag-aalalang wika nito nang bitawan siya nito pagkamaya-maya. "Oo." "Sigurado ka?" "Oo." Sinuri nito ang kanyang kabuuan at nang makita nitong wala naman siyang naging pinsala ay parang nakahinga ito nang maluwag. Nakadama ng kilig si Lucille dahil nag-aalala ito para sa kanya. "Dumadaan lang sana kami nang makita kitang patawid." Saka lang napansin ni Lucille na may dalawang lalaki pa itong kasama na hula niya ay katrabaho nito." Kinabahan ako nang makita kong mabubundol ka ng bisikleta kaya nagmadali ako para iligtas ka." "Salamat." "Mag-ingat ka palagi." Parang banayad ang dating ng pagkakabigkas nito kaya lalo lang natunaw ang kanyang puso. Ngayon niya lang natuklasan na masarap din pala sa pakiramdam kapag may nagpapaalala sa kanya na mag-ingat siya. "Okay," nakangiting sagot niya. Saglit na napatingin ito sa sahig saka muling binalingan siya. "Pero natapon tuloy ang binili mong donuts dahil sa paghila ko sa'yo." "Naku, okay lang 'yan. Bibili na lang ako ng bago." "Wait here." Bago pa man siya makapagtanong ay pumasok na ito sa 7-11 at hindi nagtagal ay may dala na itong pagkain para sa kanya at may kasama pang drinks. "Kailangan mo pa ring kumain. Hindi pa kasi kita maaya para kumain sa labas dahil busy pa ako. So, I hope, this would be enough for now," nakangiting wika nito sa kanya. Parang umawit ang puso niya sa narinig. "Oo naman," nakangiting tugon niya. "Salamat." "Sir, may meeting pa po kayo in five minutes. Kailangan na po nating umalis," sabad ng isa sa mga kasama ni Thrace. "Sige na. Kailangan ko na ring bumalik sa opsital," aniya. Nagpaalam na siya at tumawid na sa kalsada. Pero sa pagkamangha niya ay biglang sumabay si Thrace sa paglalakad sa kanya. "Hindi nila ikamamatay kung ma-late ako ng five minutes," nakangising wika nito. "I should atleast make sure that you're safe." He placed his hand gently at the small of her back while he guided her as they walk. Parang lumulobo ang puso ni Lucille noong mga sandaling iyon at hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti. She just felt so light and giddy. Para siyang high school na kinikilig dahil nakasabay ang crush niya. Pero ano nga banag masama doon lalo pa at may nai-tsek na naman ito sa mga katangian niyang gusto niya sa lalak?. Knight in shining armor na dating, check. Gentleman, check. Sana lang talaga ay maging okay ang date nila bukas para hindi maunsyami ang lovelife na parang abot kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD