"'MA, MAY date ako mamayang gabi. Puwede ko bang iwan muna si Tilly sa'yo?"
Napataas ng tingin si Troy mula sa binabasang newspaper nang marinig niya ang tinig na iyon ng kakambal na si Thrace. Kasama nito si Tilly at ang yaya na si Demi na nagpunta sa coffee shop na pagmamay-ari ng magulang niya.
"Hindi puwede. Hindi mo ba natatandaan na mamayang gabi ang flight namin papuntang Iloilo? Bukas ng umaga na ang kasal ng anak ng Ninong Raul mo."
Natutop ni Thrace ang noo.
"Eh paano 'yan? Alam mo namang hindi ko puwedeng iwan si Tilly kay Demi lang."
Alam ni Troy kung gaano ka hands-on na ama si Thrace. Kung hindi nito mababantayan ang anak ay pinapaiwan nito si Tilly sa Mama niya.
"Eh hindi ko naman siya puwedeng isama sa Iloilo."
"Kanino ko iiwan si Tilly?"
Napatingin sa direksyon ni Troy ang ina niya at sinundan naman iyon ng tingin ni Thrace. Pagkakakitang-pagkakita sa kanya ni Thrace ay napailing ito.
"No, 'Ma," sagot nito.
Napailing na lang si Troy at tahimik na uminom ng kape. Ang totoo ay gusto niyang mapaismid dahil sa naging reaksyon ng kakambal. Well, dapat lang naman. Hinding hindi ito hihingi ng pabor sa kanya lalo pa at halos anim taon na silang hindi nagkikibuan.
They weren't always like that. Ang totoo ay fond siya kay Thrace dahil bukod sa magkakambal sila ay wala na silang ibang kapatid. Kung siguro ay nagkakainisan man sila, dahil na rin iyon sa seloso si Thrace.
Napapansin niya kasing habang lumalaki sila ay nagtatampo ito kapag siya na lang ang pinupuri ng magulang. Troy would always end up being better in terms of academics when they were studying. Kinalaunan ay nagtapos siyang c*m Laude sa Law School habang si Thrace ay ilang beses pang bumagsak bago nakapagtapos ng Civil Engineering.
Pero kahit ganoon ay hindi naman tinuring ni Troy na kompetisyon si Thrace. Hindi niya lang alam kung ganoon ang turing nito sa kanya at wala ring pakialam si Troy dahil para sa kanya ay hindi niya kayang magkaroon ng sama ng loob sa kakambal.
Until they met Ruby. Nakilala nila ito sa High School Reunion na dinaluhan nilang magkapatid. Noong high school sila ay hindi nila masyadong napapansin ang babae dahil taga-ibang section sila at noong reunion lang talaga nila ito lubusang nakilala. Troy liked her right then and there because he found her so pretty and smart. Hindi na rin niya pinalagpas ang pagkakataong ligawan ito at sa kalaunan ay naging girlfriend niya na si Ruby.
Mula noon ay isinasama na rin nila si Thrace sa mga lakad nila ng nobya hanggang sa maging close na rin ang dalawa. It was the happiest time for Troy because he's able to be with two of the people he loved the most.
Hanggang sa nagsimula na si Troy na magtrabaho sa isang law firm at naging busy. Minsan ay mga pagkakataong hindi natutuloy ang date nila ni Ruby at hindi niya ito nasusundo kapag nagpapasundo ito mula sa trabaho. Kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya kay Thrace na naroon ito para sunduin si Ruby para sa kanya. Hanggang sa naging 'madalas' na ang 'minsan'. Bukod pa doon ay nagkaroon na rin ng distractions si Troy dahil sa mga oportunidad niya sa trabaho.
Bukod sa gumaganda ang takbo ng karera ni Troy bilang abogado ay nagkakaroon din siya ng maraming oportunidad para makakilala ng ibang babae at inaamin niya namang natukso siya noon. He knew he had taken his girlfriend for granted and he's cheating on her but he was just caught up in that moment with everything going well in his life.
It lasted for a while and Thrace would always be there covering for him. Saving him. Malaki ang utang na loob niya noon rito pero hindi niya alam na hindi lang pala siya ang may lihim na itinatago. Hindi lang pala si Troy ang may ugaling pailalim kundi pati ang kakambal niya. They must be really alike.
Isang gabi matapos na mag-celebrate si Troy kasama ang mga ka-opisina para sa naipanalong kaso ay naisipan niyang puntahan si Ruby. Na-realize niya noon na kahit may kasama siyang iba ay iba pa rin ang pakiramdam niya kapag si Ruby ang kasama niya. Gusto niyang sorpresahin ito at alam niyang magagawa niya iyon lalo pa ay binigyan rin siya ni Ruby ng susi sa bahay nito.
Kaya lang pagpasok niya ay hindi inaasahan ni Troy ang nakita. He saw his grifriend and his brother in bed together! Parang dinurog ang puso noon ni Troy. Una ay nagsisisi siyang nagpabaya siya kay Ruby. Kung lagi sana siyang naroon ay hindi mangyayari iyon. Ikalawa ay mabigat ang loob niyang trinaydor siya ng kapatid. Pinagkatiwala niya si Ruby dito pero sa huli ay inahas lang siya nito.
Of course, he fought with his brother and there were endless confrontations between the three of them. Hanggang sa inamin ni Thrace na nilinlang nito si Ruby. Ginaya nito ang paraan ng pananamit at ang pagkilos ni Troy para maagaw si Ruby. Doon niya rin nalaman na noong mga panahong hinahayaan niya si Thrace na makasama si Ruby ay iyon rin ang panahon na nahulog ang kapatid sa nobya niya.
Hindi daw matanggap ni Thrace na sa kabila ng lahat ng ginagawa nito para kay Ruby ay siya pa rin ang mahal ng dalaga kahit pa ay niloloko niya na ito. Muli ay umatake na naman ang pagkainggitero ng kapatid na matagal na palang issue nito sa kanya.
Ganoon pa man, hindi na rin naayos ang gulo sa pagitan nilang tatlo dahil isang buwan lang matapos noon ay natuklasan ni Ruby na buntis ito at si Thrace ang ama. Sigurado si Troy doon dahil matagal na rin silang hindi nagsisiping ng nobya dahil busy nga siya. Kinausap din siya ni Ruby pero wala nang nagbago sa sitwasyon nila. At kahit masakit sa kanya ay hinayaan niyang ikasal ang dalawa dahil ayaw niya namang lumaki ang anak ni Ruby na walang kinikilalang ama.
Noong una ay hindi naging maayos ang sitwasyon nila lalo na at palagi silang nagkikitang tatlo sa bahay ng mga magulang nina Troy. Hindi niya kinakayang makikita ang mga itong masaya. Minsan ay naisip niyang baka parusa iyon para sa mga nagawa niya kay Ruby at minsan, iniisip niyang dini-deserve niya naman talaga iyon. He was an asshole and he regretted it. But still, he resented his brother for betraying him. Bakit sa dinami-dami pang babae ay magkakagusto pa ito sa nobya niya?!
Lalo lamang sumama ang loob ni Troy sa kakambal dahil habang nagsasama ang dalawa ay nabalitaan niyang na-bankrupt ang construction firm ni Thrace dahil sa isang pumalpak na project. Nabaon ito sa utang at naging mahirap ang pamumuhay ng mag-asawa. Dahil din siguro sa stress at problema ay nagkaroon ng pre-matured delivery si Ruby. Hindi pa natapos ang paghihirap ng dalawa sa mga sumunod na taon dahil napadalas na maospital si Ruby. Hindi naman tinutulungan ng magulang nila si Thrace dahil nagalit rin ang mga ito sa ginawa ni Thrace sa kanya noon.
Noong mga panahong iyon ay lalong nagsisi si Troy na ipinaubaya niya si Ruby kay Thrace lalo pa at papabayaan lang pala nito ang pamilya. Lalong tumindi ang galit niya nang mamatay si Ruby sa isang aksidente na kinasangkutan ng minamaneho nitong kotse. He was devastated when Ruby died. Sinisi niya si Thrace pero higit sa lahat ay sinisi ni Troy ang sarili dahil hindi sana mangyayari ang lahat kung noong una pa lang ay hindi niya pinabayaan ang dating nobya.
For years, Troy was miserable. Hindi na siya gaanong lumalabas tulad ng dati. Hindi na siya palangiti at hindi na rin siya nambababae. Nag-iba na ang buhay niya mula nang mamatay si Ruby dahil dala-dala niya sa puso ang guilt. Sinubukan niya naman noong mag-move on at magmahal ng iba pero hindi talaga nag-work out. Pakiramdam niya ay nawala ang kalahati ng buhay niya nang mamatay si Ruby.
Ang ikinagagalit niya lang ay habang siya ay dinadamdam ang pagkawala ng babaeng unang minahal, si Thrace naman ay nagiging maayos ang buhay mula nang mamatay ang asawa. Dahil sa pangyayaring iyon ay napatawad ito ng mga magulang niya sa kasalanan nito dahil naisip ng mga ito na kailangan ni Thrace ng makakaramay sa panahong iyon. Para bang dahil doon ay burado na lahat ng kasalanan nito. Sa isip ng mga magulang niya ay mabigat na para kay Thrace ang pinagdaraanan nito kaya ayaw na ng mga ito na dumagdag pa sa bigat ng nararamdaman ni Thrace.
Bukod pa doon ay himalang nagkaroon si Thrace ng malaking halaga ng pera para muling maibangon ang negosyo. Hanggang sa nalaman niya kung saan nito nakuha iyon kaya lalong nadagdagan ang bagay na ikinakamuhi niya rito. He will always loathe his brother.
Pero ganunpaman, hindi niya idinadamay ang anak nitong si Tilly sa hidwaan nila. Pamangkin niya pa rin naman ang bata at naaalala niya si Ruby kapag nakikita ito.
"I'll take her," aniya pagkamaya-maya. Rumehistro ang gulat sa mga mata ni Thrace pero nakikita niya sa reaksyon nitong nagdadalawang isip itong tanggapin ang alok niya. Napangsisi siya. "Huwag kang mag-alala, hindi mo utang na loob iyon sa akin. Gusto ko rin namang makasama ang pamangkin ko."
"Eh, hindi ba't busy ka sa mga kasong hawak mo?"
Napaarko ang kilay niya dahil alam pala nito ang tungkol doon kahit hindi niya naman sinabi. Siguro ay nagkuwento na naman ang mama niya dito tungkol sa trabaho ni Troy.
"Kaya ko naman."
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yun."
"Ano ka ba?! Kanino mo iiwan si Tilly kung hindi kay Troy, aber?!" anang Mama niya.
Hindi na nakapagsalita si Thrace at pagkamaya-maya ay napabuntong-hininga,
"Fine. Take her," anito. "And thank you for being nice to my daughter after all that happened."
Sa hitsura nito ay masasabi niyang bukal sa loob ni Thrace ang pagpapasalamat sa kanya at ayaw niya iyon dahil nakaramdam siya ng tila pagpiga sa kanyang puso.
He waved his hand in dismissal.
"Errr... You don't have to act nice." Akmang magsasalita pa sana ito nang tumunog ang cellphone nito.
"Hello?" anito nang sagutin nito iyon.
Habang nakikipag-usap si Thrace sa kausap sa cellphone ay nalaman niyang pumayag na ang Chinese na negosyante na ang kompanya ni Thrace ang humawak ng construction ng ipinapatayo nitong mall sa Davao.
"What? I have to meet him in Davao tonight? But I can't----" Saglit itong nakinig sa kausap. "Yes, I understand. I'll be there," anito bago binaba ang tawag.
"Ano iyon?" anang Mama niya.
"Ma! Nakuha ko na ang project ni Mr. Chan! Kaso kailangan ko siyang i-meet sa Davao mamayang gabi dahil papunta siya sa Beijing bukas."
"Pero paano ang date mo?" anang Mama niya.
"I guess I have to cancel," ani Thrace habang may tinitext na kung sino. Hindi nagtagal ay may tumawag na rito. "Hello, Liz. Paki-book ako ng flight to Davao mamayang hapon at magpatawag ka ng meeting ngayon din. Pupunta na ako diyan sa opisina." Saglit itong nagpaalam sa Mama niya. "Mauna na ako, Ma. Tatawag na lang ako sainyo."
Bago pa man makaalis ang kapatid ay tumayo na ang ina nila sa kinauupuan at kumuha ng payong. Iniabot nito iyon kay Thrace.
"Umuulan na. Dalhin mo na ito," anang Mama niya. "Alam kong wala kang payong na nakatago sa kotse mo."
Noon pa man ay tamad na talagang magdala ng payong si Thrace. Noong nag-aaral pa sila ay madami itong dalang gamit pagpapasok sa eskwelahan kaya hindi na nito alam kung paano bibitbitin ang payong. Si Troy pa nga minsan ang nagpapayong para dito. Siguro ay nakasanayan na nitong ganoon lalo pa at ngayong matagumpay na ito sa career ay may mga empleyado na itong nagbibigay ng payong kapag kailangan nito.
"Salamat, Ma."
Bago pa man nakapagpaalam si Thrace sa anak ay may tumawag na naman rito at nagmamadaling pumunta sa opisina.Mukhang busy nga ang kapatid niya at maganda ang nangyayari sa career nito hindi tulad noon. But he can't be happy for his brother knowing what Thrace did to get there. Hindi ito hinahangaan ni Troy para sa tagumpay ni Thrace ngayon. Kinasusuklaman niya ito.