NAPAKABILIS ng t***k ng puso ni Troy habang naghihintay siya na may magbukas ng pinto. Ilang beses na siyang kumatok sa bahay at sa bawat segundong lumilipas ay hindi siya mapakali. Alam niya namang matagal niya na iyong dapat ginawa pero ngayon lang talaga siya nagkaroon ng lakas ng loob. Parang tumigil ang puso ni Troy nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang mukha ng taong gusto niyang makausap. Mukhang nagulat rin nitong makita siya. Kahit naman si Troy ay nagulat na lang sa sarili niya dahil biglang gusto niyang makausap. "Troy." "Thrace." Nakakunot ang noo nito habang tinitingnan siya. Nanatili lang silang nagtititigan sa loob ng ilang segundo at naramdaman niya ang tensiyon na namagitan sa kanilang dalawa. "Anong ginagawa mo rito?" "Nalaman ko kay Mama na umuwi ka raw.

