The Most Beautiful View

1529 Words
MATAPOS nga nilang sunduin si Tilly ay nagpunta nga sila sa Star City para mamasyal. Sa edad niyang iyon ay hindi pa talaga nakapunta si Lucille isang amusement park at parang bumalik siya sa pagkabata noong mga sandaling iyon. Kalebel ng excitement ni Tilly ang nararamdaman ni Lucille nang maglaro sila sa sa Bump Car, Merry Go Round at sa kung saan pang gustuhin ng bata. Palagi itong magkatabi at si Troy para umalalay dito. At habang pinagmamasdan niya ang mga ito ay hindi niya maiwasang mapangiti. Tulad na lang ngayon, binibilhan ito ni Troy ng lobo at tuwang tuwa naman ang bata. Kinausap ito ni Troy saglit bago nito hinayaang makipaglaro si Tilly sa ibang bata. Maya-maya ay pinuntahan rin siya ni Troy sa isang mesa doon. Mula doon ay natatanaw rin naman nila si Tilly. "Okay lang kaya na iwanan mo siyang makipaglaro sa mga batang iyon?" tanong niya. "Oo naman. Tilly's a smart kid saka hindi yan basta-bastang mawawala. Saka natatanaw rin naman natin siya mula rito," anito. Nakita niya ang pagngiti ni Troy habang tinitingnan ang bata. Hindi niya tuloy mapigilang magkomento. "You still love Tilly after everything that happened," sabi niya. "Pamangkin ko pa rin si Tilly at wala siyang kasalanan sa ginawa ng mga magulang niya sa akin," anito saka napahinga nang malalim. "Napakabait mo," hindi niya maiwasang maikomento. "Akala ko ba masama ako para sa'yo?" natatawang tudyo nito. "Eh, nagbago na nga ang tingin ko sa'yo, 'di ba? The more I get to know you, the more I realize that you're not so bad at all. Medyo nakakaasar lang, pero tolerable," biro niya. Sa pagkamangha ni Lucille ay natawa na lamang si Troy. "Dapat pa akong magpasalamat sa sinabi mo?" "Oo naman." "You're nice. I think I like you a little bit more than I thought I could." Sa loob ng ilang saglit ay walang sinabi ang binata. Nanatili lang itong nakatitig at nakangiti sa kanya na para bang naluguran ito sa sinabi ni Lucille. "Aba! Ngayon mo lang yata ako pinuri ng ganyan," nakangising wika nito pagkamaya-maya. "Oo nga. Dapat nga pakainin mo ako dahil pinuri kita. Token of thanks, ganoon," biro niya. "Sige. Ano bang gusto mo?" tanong nito. Lumingon lingon si Lucille sa paligid para makahanap ng makakain pero nagbago rin agad ang isip niya. "Ako na lang pala ang bibili. I also need to thank you for taking me out. Today's so much fun," aniya. Bago pa man kumontra si Troy ay tumayo na si Lucille. Nilapitan niya ang isang food cart na malapit sa kanila. Bibili sana siya ng dalawang churros at softdrinks. Kaya lang ay naubusan na ng stock ang tindera kaya iisang softdrink na lang ang nandoon. Ang masama pa ay dalawa pa ang iniligay na straw ng tindera dahil ininsist nitong mag-nobyo sila ni Troy. Mukhang kanina pa sila nito tinitingnan. Kaysa makipagtalo pa siya ay tinanggap niya na lang. Pagkabiling pagkabili niya ay bumalik siya sa mesa nila at inilapag ang mga dala niya. "Ano 'yan?" nagtatakang wika nito. "This is my token of thanks for making me happy today." "You're welcome," nakangiting sagot rin nito. "Kahit pa araw-arawin nating pumunta rito, okay lang basta mapanatili lang 'yang ngiti mo." She smiled. "Kaya lang pasensya ka na dahil iisa na lang yung softdrink nila. Tapos dalawa pa yung straw nila," sabi niya at muling naupo. "Kaloka kasi itong si Ate! Akala boyfriend kita." Amused na napatingin ito sa kanya. "Boyfriend pala ha," biro nito sa kanya. Parang gusto niyang mapasinghap sa ganda ng pagkakangiti nito sa kanya. "Pero sige na, iyo na lang 'yang softdrink. Ikaw na lang ang uminom." "Sigurado ka?" sabi niya. Tumango si Troy pero parang hindi niya pinaniniwalaan ang sagot nito. Ang kakaibang kislap kasi sa mga mata nito'y nagsasabi sa kanyang may iniisip o baka may binabalak itong iba. Pero nagdududa man si Lucille ay nagkibit-balikat na lang siya at uminom na lang doon. Laking gulat niya nang dumukwang din ito para uminom din ng softdrink gamit ang isang straw. Magkapanabay na gumalaw sila kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya dahil sa ginawa nito. Ang mga mata nito'y kumikislap na parang tinutukso siya. Para bang pinagplanuhan na nito iyong gawin. Ang hindi lang nito alam ay napaka-epektibo ng plano nito dahil ngayon ay parang nagrarambulan na ang mga daga sa dibdib ni Lucille. Hindi niya maintindihan pero kinakabahan siya sa ilalim ng mga titig ni Troy pero sa kabila niyon ay masarap pa rin naman iyon sa kanyang pakiramdam. She had never felt like that before and she would do anything to savor that moment. Kaya lang ay mukhang hindi siya pinagbigyan ng tadhana dahil naputol rin ang paghihinang ng mga mata nila ni Troy nang biglang sumulpot si Tilly. "What are you doing?" Desimuladong napalayo sila ni Troy sa isa't isa at napatingin sa pamangkin nito. Buti na lamang ay wala itong sinabi dahil nakuha na ng atensyon nito ang churros na agad nitong kinuha. "Wow! Churros!" sabi nito saka agad na nilantakan ang churros. Umupo ito sa tabi ni Troy. Dahil perfect ang timing ng bata ay napatingin na lamang sila ni Troy sa isa't isa at naiiling na napangiti. Idinaan na lang nila iyon sa tawa pero sa paraan ng pagtitinginan nila sa isa't isa ay alam nila kung ano ang nangyari kanina lamang. May spark sila sa isa't isa at kung baka hindi dumating ang bata ay may iba pang nangyari sa pagitan nilang dalawa. The guy is slowly creeping into your heart, Lucille, sabi pa ng isang bahagi ng isip niya. At iyon ang bagay na naging aware tuloy siya sa mga sumunod pang oras na magkasama sila. Hanggang sa mag-aya si Tilly na mag-rides ulit at maglakad lakad, lagi na niya nang napapansin ang pasimpleng pagtingin ni Troy sa kanya kapag sa tingin nito ay hindi siya nakatingin. Lagi niya nang napapansin ang simpleng pag-aalala nito sa kanya kapag tinatanong siya kung okay lang ba siya matapos nilang sumakay ng rides. Napapansin niya na ang pasimple ngunit maingat na paghawak nito sa kanya sa likod niya tuwing naglalakad sila. Suddenly, all his simple gestures became a big deal to her. Siguro binibigyan niya lang iyon ng malisya pero kasi napapansin niya nang hindi lang ganoon kasimple at kababaw si Troy katulad ng iniisip niya noon. There's just so much more in him. He may not look like it but he's a very passionate and caring person. Pakiramdam niya siya na nag pinakaimportanteng tao sa mundo kapag inaalagaan siya nito kahit sa mga simpleng bagay lang. Hindi kasi iyon nakikita ni Lucille bilang simpleng effort lang dahil siya ang taong kaya niya nang gawin ang mga bagay para sa sarili niya at hindi siya nagpapaalaga sa iba. Kahit na may mga katulong sila at mayaman ang mga Garcia ay siya ang gumagawa para sa sarili niya. Ayaw niya rin naman kasing maging pabigat. Kaya napakalaking bagay sa kanyang kapag may nagtatanong sa kanya kung okay siya o may simpleng nag-aalaga sa kanya. Gaya na lang ngayon, hinahawi pa ni Troy ang mga tao sa harap nila para makadaan sila ni Tilly. "Excuse me! Excuse me!" sabi pa nito habang pinipilit na makadaan sa mga nagkukumpulang tao na naghihintay ng fireworks. Hawak-hawak nito si Tilly sa kaliwang kamay nito. Sa gulat niya ay inilahad nito ang isang kamay sa kanya. "Lucille!" Napatitig lang siya sa mga kamay nito at nagdadalawang isip kung tatanggapin niya ba ito o hindi. Baka kasi magka-spark na naman. Pero nawalan rin siya ng choice dahil ito na mismo ang humawak sa kamay niya bago pa man may makasingit na tao sa kanilang sumusubok makadaan sa gitna nila. And then she felt that spark again when their hands touched. Pero hindi tulad noong unang pagkakataon na para bang nagulat sila nang mangyari iyon. Ngayon ay napangiti pa nga sa kanya si Troy. She, on the otherhand, wasn't surprised at all. It felt natural. Na para bang ang mga kamay niya ay perpektong perpekto ang hulma para sa mga kamay nito. Siguro ay mukhang corny lang pero iyon ang nararamdaman niya. Masarap din palang may ka-holding hands. Pero hindi pa man niya lubusang nananamnam ang ganoong pakiramdam ay bigla na lang binitawan nito ang mga kamay niya para kargahin nito si Tilly at patayuin sa isang mesa doon para mas makita nito ang fireworks na ngayon ay nagsisimula na. Nakaramdam tuloy siya ng panghihinayang. "Okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya pagkamaya-maya. "Oo." Pero sa halip na madismaya siya ay sinubukan na lang niyang mag-enjoy sa fireworks display tulad ng mga taong naroon. Namamangha ang mga taong iyon sa ganda ng fireworks at hindi mapigilang mapapalakpak. Kahit siya ay ganoon rin naman kaya nga inilabas niya na nga ang cellphone niya para kunan ng larawan iyon. Narinig niyang kumukuha rin ng picture si Troy. "Wow! Ang galing!" sabi niya pa habang panay ang pagpiktyur sa nagagagandahang fireworks. Lahat na yatang anggulo, kinunan niya na ng picture. "'Ang ganda!" "Oo nga, ang ganda," sabi naman ni Troy sa tabi niya. Pero nang magbaling siya ng tingin ay hindi naman ito nakatingin sa fireworks kundi sa kanya. Sakanya din nakatutok ang camera nito pero agad rin naman nitong inilipat saibang direksyon. Pero huli na eh! Parang kiniliti na ang puso niya. There was so much beauty infront of him and yet, he's still looking at her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD