Nang magmulat ng mata si Brielle ay tumambad sa kanya ang imahe ng kanyang ama at kapatid na si Baste na noo'y titig na titig lang sa kanya. ''A-anak mabuti naman at gising ka na" Nakangiting bungad sa kanya ng kanyang Papa Brandy. Tangkang babangon na siya ngunit hinang hina pa ang kanyang katawan. "Pa, ang paa ko hindi ko maigalaw" Natatakot niyang tanong sa ama. "Anak, huwag mo munang pilitin bumangon. Mamaya ay tatahiin na ang sugat mo" Nagaalalang paliwanag ng kanyang ama. "Ate, tama si Papa nabagsakan daw kasi ng mabigat na tubo ang paa mo kaya nagkaganyan" Paliwanag ng kapatid niya. "Ano ba kasi ang nangyari anak, bakit ka naguhuan ng mga kahoy at bakal" Nagaalalang tanong sa kanya ng ama. ''Mahabang storya Pa, saka ko nalang po ikukwento" Mahina niy

