Hindi maiwasan ni Brielle na mamangha at malula sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Johnny. Paano kasi ay napakaperpekto ng lugar na iyon para sa kanilang dalawa. Damang dama ni Brielle ang malamig na simoy ng hangin na siyang biglang nagpanginig sa buo niyang katawan. Ngunit masaya parin niyang ipinagpatuloy ang pagmamasid sa lugar na iyon. Mga nagagandahang puno na napapalibutan ng maraming ilaw samahan narin ng fireworks display ng gabing iyon. Pati narin ang tunog ng classical music sa lugar na iyon ay talaga namang masasabi mong isa iyon sa pinakaromantikong lugar. "Nagustuhan mo ba my princess?" Bigla ay bulong ni Johnny sa tainga niya at pagkuwa'y mahigpit siya nitong niyakap mula sa likuran niya. "Yes, napakaganda nga dito John. Kahit na paulit ulit m

