Simula nang umamin si Johnny kay Brielle, Tila nagkaroon ng alinlangan ang dalaga. Hindi parin kasi makapaniwala si Brielle na matagal na pala siyang lihim na minamahal ni Johnny. Mayroong ilang parte ng kanyang puso ang tila nanghihinayang. Ngunit ang ilang parte naman ng kanyang isipan ay gulong gulo dahil sa pagiging komplikado ng kanyang sitwasyon. Bigla tuloy nahiling ni Brielle na sana ay hindi nalang siya kapatid ng unang lalaking minahal niya. At sana ay natuturuan ang kanyang pusong ibaling kay Johnny ang pagmamahal na inilalaan niya para kay Nathan. Ngunit nasaan na nga ba ang lalaking kanyang unang minahal, Heto siya at matiyaga paring naghihintay sa muling pagbabalik ni Nathan. Subalit marami paring katanungan sa kanyang isipan. Paan

