"Anak Brielle, gumising ka na may bisita ka" tawag ng ama ni Brielle mula sa labas ng pintuan ng silid ng dalaga. At pagkuwa'y sunod sunod na katok ang pinakawalan ng papa Brandy niya. Kaya naman ang noo'y natutulog na si Brielle ay dali daling binuksan ang pintuan ng kanyang silid at tumambad nga sa kanya ang ama niyang wagas kung makangiti.
''Pa' ano ba iyon?" Inaantok na tanong niya sa kanyang ama. "Anak, nariyan ang kaibigan mo sa ibaba ang daming dinala na pagkain" Muli ay nakangiting paliwanag ng kanyang ama. "Huh? you mean pa, si Johnny?" Nanlalaking mata na tanong niya sa kanyang ama.
"Yes my beautiful daughter" Nakangiti muling sagot ng kanyang ama. Kaya naman kahit inaantok pa si Brielle ay dali dali niyang pinusod ang kanyang buhok at pagkuwa'y tinungo na si Johnny.
Kaya naman nang maktia na siya ng binata na noo'y abalang hawak ang telepono ay mabilis siya nitong sinalubong. "Hi Brie, Good morning" Masayang bati nito sa kanya. "Morning din" Nakangiti niyang sagot sa binata. "By the way Brie, pwede ba kitang isama mamaya?" Bigla ay tanong ng binata.
"Huh? Saan naman?" Nagtatakang tanong ni Brielle kay Johnny. "Ahm, pwede bang secret muna?" Nakangiting sagot nito sa kanya. "Kung hindi ako pumayag?" Taas kilay niyang tanong sa binata. Bigla tuloy napakamot ng ulo si Johnny.
Kaya naman bigla ay natapik ni Brielle ang balikot nito. "Ikaw naman hindi mabiro, Sige sasama ako basta ililibre mo ako ng korean food at japanese food deal?" Paghahamon niya sa binata. "Sure brie, Kahit hindi mo sabihin ililibre parin kita" Nakangiti muling sagot ni Johnny.
"Brielle anak! tara na kayo ng kaibigan mo dito sa kusina para makapag almusal na tayo." Pagtawag ng Papa Brandy niya. "Sige pa!" Sigaw niya sa ama at pagkuwa'y pumunta na sila ni Johnny sa kusina. Masaya nilang pinagsaluhan ng umagang iyon ang mga dala dalang pakain ng binata.
Nang matapos sila sa pagaalmusal, Dali dali na naghanda si Brielle sa kanilang pagalis ni Johnny. Kaya naman habang naghahanda si Brielle sa kanilang lakad ni Johnny ay nakipagkwentuhan muna ang ama niya sa binata upang hindi ito mainip.
Makalipas ang isang oras na paliligo at pagbibihis ni Brielle ay mabilis na siyang bumaba sa kanilang sala. Kaya naman naabutan niya ang kanyang ama at si Johnny na mukhang napapasarap ang kwentuhan.
"Ehem," Bigla ay binulabog niya ang masayang pagkukwentuhan ng mga ito."Oh, nakabihis ka na pala anak, aalis na ba kayo?" Nakangiting tanong ng ama ni Brielle. "Yes pa, Kung hindi po nakakaistorbo sa masayang pagkukuwentuhan ninyo?" Pabiro niyang tanong sa ama. "Siyempre hindi anak, Ikaw talaga oh siya magiingat kayo sa pagmamaneho" Paalala ng kanyang ama at pagkuwa'y nagpaalam na sila.
Habang nasa biyahe, Masayang nagkukuwentuhan si Brielle at Johnny tungkol sa kanilang unang pagkikita sa hospital. "Akala ko talaga dati amasona ka Brie" Pabirong wika ni Johnny kay Brielle. "Eh ikaw kaya, akala ko dati nananakit ka ng babae eh! hindi talaga kita aatrasan kung sinaktan mo ko dati" Pagyayabang na sagot ni Brielle sa binata.
"Ofcourse not Brie, I can't do that lalo na sa iyo." Bigla ay sagot ni Johnny sa kanya. Kaya naman bigla ay nailang si Brielle sa sinabi ni Johnny. "I-ikaw talaga ang dami mong paandar!" Taas kilay niyang sagot sa binata. "By the way, mayroon ka na bang idea kung saan tayo pupunta?" seryosong tanong ni Johnny kay Brielle.
"Ahm, wala pa saan nga ba? may pasuspense ka pa kasing nalalaman diyan!" Singhal niya sa binata. "Basta" Muli ay nakangiti nitong sagot sa kanya.
Kaya naman ng marating na nila ang lugar na sinasabi ni Johnny ay dali dali siya nitong nilagyan ng piring sa mata. At pagkuwa'y dahan dahan siyang inakay kung saan. "Huy Johnny! ano ba itong paandar mo, kapag hindi ako natuwa sinasabi ko sa'yo makakatikim ka ng magasawang sapak" Muli ay bulyaw ni Brielle kay Johnny.
"Don't worry my Brie, here we are!" Malakas na wika nito sa kanya at pagkuwa'y dahan dahan siyang tinulungang makaupo. Hindi nagtagal at tinangal na nito ang piring ng kanyang mga mata. Kaya naman bigla ay tumambad sa kanya ang isang magandang ayos ng lugar.
Lalong ikinalaki ng mata ni Brielle ang mga nagagandahang palamuti ng lugar na magkahalong puti at asul na unan na nakapalibot sa vermuda grass. Nang sipatin pa niya ang lugar ay mayroong nakahandang magarang lamesa na tila kayraming masasarap na putahe ang nakahain.
Ngunit ang silya ang tila para lamang sa kanilang dalawa. Kya naman bigla ay nagtaka si Brielle sa ginawang ito ni Johnny. "Johnny ano ito? Para saan ang mga ito?" Nagtatakang tanong niya sa binata. "Brie, ayoko ng patagalin pa ang gusto kong sabihin sa'yo." Seryosong pahayag ng binata.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya kay Johnny. "Brie, makinig ka, college palang ako noon ng magsimula kitang magustuhan, Ako yung lalaking palaging nagbibigay sa'yo ng note's sa loob ng notebook mo, Ako yung lalaking nagbigay sa'yo ng gitara noong graduation mo." Seryosong pagamin nito sa kanya.
"I-ikaw si Mr. Notes?" Manghang tanong ni Brielle kay Johnny, Kaya naman sunod sunod ang naging pagtango ni Johnny sa kanya. Bigla tuloy ay naalala ni Brielle ang mga pangyayaring iyon sa kanya noong nasa second year college siya.
Bigla ay nagbalik tanaw si Brielle at naalala ang pagbibigay sa kanya ng isang misteryosong lalaki ng note's araw araw sa kanyang notebook na ipinapasa niya sa kanilang guro. Bilang attendance record ng nila sa subject na iyon. Si Brielle kasi ang naatasan dati ng kanilang guro na maglista ng pangalan ng kanyang mga kaklase na araw araw pumapasok sa subject na iyon.
Nagugulat nalang si Brielle tuwing ibabalik sa kanya ng guro ang kanyang notebook na mayroon ng note's sa loob na nakadikit. Halos araw araw ay ganoon ang nagiging senaryo niya hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo ay hindi parin niya ito nakikilala.
Ngunit noong graduation day niya ay gulat na gulat siyang mayroong natangap na gitara kung kanino. Ang iniisip niya dati ay may mabuting loob na nagbigay sa kanya nito dahil nanghihiram lamang siya sa kanyang kaklase ng gitara tuwing nabobored siya sa bahay.
Nagtaka man siya kung kanino ito galing ay pinili na lamang niyang ibaon ito sa limot. Dahil sa pagiging sensitibo niya sa mga lalaki.
At ngayon nga ay nalaman na ni Brielle kung kanino ito galing ay tila parin siya hindi makapaniwala sa pagkakataong iyon. "Brie, pasensiya ka na at natagalan bago ko ipinagtapat sa'yo ang katotohanan." Muli ay paliwanag ni Johnny sa kanya.
"Sa totoo lang Johnny hindi parin ako makapaniwala na matagal mo na pala akong kilala. Pero bakit hindi mo nagawang magpakilala man lang sa akin?" Nagtatakang tanong nito sa binata. "Noong grumaduate ka ng kolehiyo, iyon ang araw na pumunta na akong states para magtrabaho sa kumpanya ni Daddy at para makapagaral muli." Paliwanag ni Johnny.
"Kung ganoon? Paano ka naging staff sa hospital?" Nagtataka paring tanong ni Brielle sa binata. "Biochemistry talaga ang kursong pinagaralan ko, Kaya ako napunta sa hospital. Dahil iyon talaga ang gusto ko kaya bumalik ako dito sa pilipinas para dito ipagpatuloy ang napili kong trabaho." Paliwanag muli ni Johnny kay Brielle.
"Pero paano ang negosyo ng Daddy mo? iniwanan mo nalang bigla?" Muli ay paguurirat ni Brielle sa nakaraan ni Johnny. "Yes brie, naging komplikado at magulo ang buhay ko sa states. Kaya naman ng mabalitaan kong naaksidente ka at nakacomfined sa hospital ng tito ko, Nakiusap akong magtrabaho doon upang mabantayan ka." Seryosong paliwanag ni Johnny.
Kaya naman mas lalong namangha si Brielle sa pagiging loyal ni Johnny sa kanya. ''Ku-kung ganoon matagal mo na akong sinusubaybayan?" Muli ay manghang tanong niya kay Johnny. ''Yes brie, college palang tayo noon ay mahala na kita, Pinilit kong makalapit sa'yo" Sinserong paliwanag muli ni Johnny.
Bigla ay nakaramdaman ng kakaiba ang puso ni Brielle ng sandaling iyon, Dahil sa kanyang nalaman at ipinagtapat na lihim ni Johnny. "Pe-pero magkapatid kayo ni Nathan." Naiilang na tanong ni Brielle muli sa binata. "Alam ko Brie, at ang totoo nasaktan talaga ako ng malaman kong asawa ka niya. Pero hindi nagtagal at nalaman ko din na nagpapangap lang kayo, kaya naman naisipan kong tumira sa bahay ng brother ko para makita at makasama ka." Seryoso muling paliwanag ni Johnny.
"Johnny," Pagkabigla ni Brielle sa binata. "Brie, hindi kita pipilitin na magustuhan din ako, pero dahil mahal kita, handa akong maghintay hanggang sa maging handa narin ang puso mo na muli ay magmahal taandaan mo iyan Brielle." Buong sinserong pahayag ni Johnny kay Brielle.
"Pero, Paano kung hindi ko masuklian ang pagmamahal mo?" Seryosong tanong muli ni Brielle. "Brie, handa akong punuin ang pagkukulang mo, kapag dumating na ang panahong handa ka na muli magmahal." Muli ay sinserong pahayag ni Johnny.
Kaya naman bigla ay naguluhan ang puso ni Brielle ng sandaling iyon. Dahil paano niya magagawang mahalin at suklian ang mga ipinakikita nitong pagmamahal sa kanya gayung ang puso niya ay si Nathan parin ang nilalaman.