Chapter 19 For A Change

1231 Words
           Makalipas ang kritikal na kalagayan ni Nathan, Isinuhestiyon ng mga doktor sa magulang ng binata. Na para makaligtas pa si Nathan ay dalin ang binata sa ibang bansa upang doon maisagawa ang operasyon ng mga dalubhasang doktor.            Tanging iyon lamang daw ang paraan upang muli ay magising si Nathan. Ngunit hindi nila nasisiguro kung ilang porsiyento ang tiyansa na talagang buong katawan nito ay gagaling. Kaya naman isinaayos na ng magulang ni Nathan ang ilang dokumento at papeles na kakailanganin ng binata papunta sa ibang bansa.            Kaya kahit nalulungkot ang puso ni Brielle sa pagkawalay niya sa binata ay tinangap niya ito. Dahil para sa kanya kung ito lamang ang tanging paraan para muling gumaling si Nathan ay tatangapin niya ang naging desisyon ng mga magulang nito.           Hindi nagtagal at nadala na si Nathan sa ibang bansa upang doon na isagawa ang gagawing pagoopera sa binata. Para muli ay bigyan ng panibagong buhay at pagasa. Noong una ay binabalitaan pa siya ng mga magulang ni Nathan tungkol sa naging kondisyon at kalagayan ng binata.           Ngunit lumipas ang linggo, buwan ay wala na siyang natangap pa na tawag mula sa magulang ni Nathan. Kaya naman tuwing magkikita sila ni Johnny ay parati niyang kinukulit ito upang alamin kung ano na ang kalagayan ni Nathan.           Ngunit katulad din niya ay wala din itong alam dahil hindi narin daw umano nakakausap nito ang ama nila ni Nathan. Kaya naman palagi siyang ginugulo ng kanyang isipan at pagaalala sa binata.           Magkagayunman pinagpatuloy parin ni Brielle ang kanyang trabaho. Pinilit niyang iwaksi ang mga isipin tungkol kay Nathan. Kaya naman araw araw ay ipinapanalangin nalang niya ang kaligtasan nito at muling pagbalik sa dati nitong buhay.           Simula kasi ng maaksidente ito ay naging maingay na ang pangalan nito sa industriya. Ngunit pinilit parin ng mga magulang ni Nathan na pagtakpan ang totoong nangyari sa binata. Upang hindi madawit ang pangalan nito sa kung ano anong issue na inilalabas ng media.           Noong minsan nga ay may nakakilala kay Brielle na ilang media. Kaya naman hindi siya tinantanan ng mga ito hangga't walang nakukuhang impormasiyon sa kanya. Buti nalang at nariyan si Johnny upang tulungan siyang makawala sa mga ito.           Ilan linggo din na pinagtiisan ni Brielle ang mga media at reporter na laging nakaantabay sa kanya sa labas ng building na kanyang pinapasukan. Tumigil lamang ang mga ito ng nagpakilala si Johnny na kapatid ni Nathan.           At ang binata na ang sumagot sa mga katanungan ng ilang reporter's at media na noo'y tila mga kabuteng nagsusulputan kung saan.           Natigil nga ang mga makukulit na media ngunit hindi ang ilang katrabaho ni Brielle sa opisina at site. Kaya naman hindi maiwasan ni Brielle na pagtarayan at pagsungitan ang mga ito. Lalo na at nasasagad rin ang kanyang pasensiya patungkol sa mga issues ni Nathan.           Kaya naman napagdesisyunan narin ni Brielle na doon na muli manirahan sa kanilang bahay. Para kahit papaano ay tumigil na muna ang ilang issues kay Nathan. Ayaw kasi niyang dumating sa punto na pati ang pagtira niya sa bahay nito ay gawin pang issues.          "Brielle!" Tawag sa kanya ng project engineer sa construction site na kanyang hinahawakan. Kaya naman bigla ay napalingon siya sa kinaroroonan ng boses nito. Maya maya pa ay lumapit na ito sa kanya at ipinakita ang blue print ng building.          "Brielle, hiniram ko muna ito kay Mr.Teng para mas magawa mo ng maayos ang plano mong interior design sa lobby ng building" Nakangiting paliwanag nito. "Thank's Mr. Santos" Pagpapasalamat niya dito. "Sure Brielle, Ikaw pa malakas ka saken eh" Nakangiting sagot nito sa kanya. ''Sige libre kitang lunch mamaya para makabawi ako sa effort mo" Sagot ni Brielle sa binata.         "Okay sige payag ako, pero mayroon lang akong isang request?" Nakangiti muling tanong nito sa kanya. "Huh, ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni Brielle dito. "Ahm, pwede ba Martin nalang itawag mo sa akin huwag na Mr. Santos? Masyado namang pormal kasi'' Kakamot kamot sa ulo na paliwanag nito sa kanya. "Sure, yun lang pala sige balik na ko sa loob" Sagot niya dito at pagkuwa'y nagpaalam na.          Nang araw na iyon ginugol ni Brielle ang kanyang oras sa trabaho upang mawaglit sa kanyang isipan ang alalahanin patungkol kay Nathan. Kaya naman kahit papaano ay nakakapag adjust narin siya sa kanyang sitwasyon.          Nasa kalagitnaan si Brielle nang pagkain ng tanghalian ng bigla ay nagring ang telepono niya. Kaya naman bigla ay natigil ang pakikipagkwentuhan niya sa katrabaho niyang si Martin. Bigla ay rumehistro nanaman ang numero ni Johnny sa kanyang telepono.          "Hello Johnny,? ano at napatawag ka ngayon?" Tanong niya sa binata. "Brie, nandito ako ngayon sa site nasaan ka? May dinala akong foods" Paliwanag nito sa kanya. "Huh? eh, kumakain na kasi ako bakit ngayon mo lang kasi sinabi? sige hintayin mo nalang ako diyan" Sagot niya kay Johnny.           Kaya naman dali dali ay pinatay na ni Brielle ang telepono at pagkuwa'y tinapos na ang pagkain. "Ahm, Martin babalik na ko sa site'' Nagmamadali niyang paalam sa katrabaho. "Ganun ba, sige sabay na tayo tapos narin naman ako'' Sagot ni Martin sa kanya.          Hindi nagtagal at nakabalik na sila Brielle sa site. Kaya naman tumambad kay Brielle ang hindi maipintang mukha ni Johnny nang makita siya nitong kasama ang katrabaho niyang si Martin. Kaya naman dali dali ay inakay siya nito papasok sa kanyang maliit na opisinang tinutuluyan sa construction site.          ''Johnny ano bang ginagawa mo?'' Naiirita niyang wika sa binata. ''Tara, samahan mo ako maglunch hindi pa kasi ako kumakain'' Mabilis na paliwanag nito sa kanya. Kaya naman ng marating na nila ang loob ng opisina ay mabilis nitong ipinaglalabas ang mga pagkaing dala dala.         "Ang dami mo namang dala? mukhang masasarap yan ah?'' Excited na sinipat ni Brielle ang mga pagkain na dala ni Johnny. ''Yes, at gusto ko kumakain ka ng marami para naman hindi ka nangangayayat tignan mo itsura mo konting hangin lang liliparin ka na." Pangaasar nito sa kanya.         "Hoy! Excuse me noh? Sexy kaya ako kahit na malakas akong lumamon hindi lang talaga ako tabain" Pagtataray niya sa binata. ''Okay sabi mo eh, tara na kain ka na ulit look oh! this is your favorite korean food" Nakangiting ipinakita ni Johnny ang ilang pagkaing nakakahiligan kainin ni Brielle.          Kaya naman bigla ay namilog ang kanyang mga mata. ''Wow, ang tagal ko ng hindi nakakakain niyan saan mo iyan nabili?'' Mangha niyang sagot sa binata. ''Sa mall doon lang alam kong bilihan nito eh'' Sagot muli ni Johnny sa kanya.          Dali dali ay kinuha ni Brielle ang iniabot na mga korean food sa kanya ni Johnny. Kaya naman kahit nakakain na siya ng tanghalian ay binanatan parin niyang kainin ang paborito niyang Japchae at Tteokkbokki.          Tatawa tawa naman sa kanya si Johnny habang siya ay kumakain at pagkuwa'y kumain narin ang binata. Palagi ganito ang senaryo nilang dalawa. Palagi siyang pinupuntahan ni Johnny sa site upang makasabay kumain ng tanghalian at syempre ang dalin ang ilan sa mga paborito niyang pagkain.          Simula ng gawin ito sa kanya ni Johnny ay tila nasanay narin siya. Upang maibsan ang ilang alalahanin niya kay Nathan.          Naging mas palagay narin ang loob niya kay Johnny dahil sa magagandang gesture's na ipinakikita nito sa kanya. Hindi man niya lubos na nakakalimutan pa si Nathan ay unti unti niya ng ibinabalik sa normal ang dati niyang buhay upang mabawas din sa kanyang stress na naranasan.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD