Chapter 18 Thinking Of You

1751 Words
           Nang gabing iyon, pinili muna ni Brielle na manatili sa tabi ni Nathan habang hindi pa stable ang kondisyon ng binata. Kaya naman nagpaalam muna siya sa kanilang opisina na hindi makakapasok kinabukasan dahil sa naging pagbabantay niya kay Nathan.            Tila may kung anong kabang nadarama si Brielle ng sandaling iyon habang binabantayan niya si Nathan. Ayaw man niyang isipin ang mga posibleng mangyari sa binata. Ngunit kailangan niyang maging matatag at ihanda sa kung ano man maaring mangyari kay Nathan.             Ngunit ang kanyang puso at isipan ay tila hindi handa sa ganoon. Lubhang napakasakit isipin palang na posibleng mawala sa kanya anumang oras ang lalaking kanyang unang minahal. Kaya naman habang mahigpit niyang hawak ang mga kamay ni Nathan.             Bigla ay napansin din niya ang pagtulo ng luha ng binata. Kahit na nasa malalim na coma ito, Tila batid din ni Nathan ang sakit na kanyang nadarama ng oras na iyon. Muli ay nagpatuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha at pagkuwa'y masuyo niyang hinagkan ang mga kamay ng binata.             "Nathan, Please wake up! lumaban ka please. Mahal na mahal kita Nathan, Please wake up!" Sunod sunod na pagmamakaawa niya sa binata na muli ay magising ito. Habang ang kanyang mga luha ay dagsa dagsa ang pagragasa sa kanyang pisnge.               Maya maya pa ay dumating na muli ang ina ni Nathan. At pagkuwa'y umiiyak din itong tinapik ang balikat ni Brielle. "Iha, naniniwala ako na magigising muli si Nathan ang anak ko. Naniniwala ako pagbibigyan ng panginoon ang mga panalangin ko para sa muling pagising ni Nathan." Paliwanag ng ginang kay Brielle.               Kaya naman kahit na patuloy sa pagiyak si Brielle ay nakuha niya paring tumango sa ginang at paniwalaan ang mga ipinagdasal nito sa binata. "Tama po kayo tita gagaling po si Nathan. Naniniwala din po ako na muli siyang gigising." Simpatya niya sa ginang.               Makalipas ang gabing iyon, na walang naging maayos na tulog si Brielle. Kinabukasan ay nanlulumo parin siya habang patuloy niyang binabantayan si Nathan. Pinilit niyang huwag makatulog ng matagal dahil hindi matatangap ng kanyang damdamin kung nakatulog siya at muli nag flat line ang nakakabit na aparato dito.               Kaya naman kahit parang pagod na pagod ang kanyang physical na katawan pati narin ang kanyang isipan ay pinilit niyang bantayan ang binata. Maya maya pa ay biglang pumasok si Johnny at pagkuwa'y dinalan siya ng maalmusal ng umagang iyon.               "Brie, Tara kumain muna tayo ng breakfast" Nakangiting pagyaya ni Johnny sa kanya. Kaya naman tinanguan niya ito at pagkuwa'y kinuha niya ang iniabot nitong pagkain sa kanya. "Thank you Johnny" Tipid niyang pasasalamat sa binata.               "Kung gusto mo matulog ka muna Brie, Ako na muna ang magbabantay kay Nathan. Baka magkasakit ka niyan" Malambing nitong pagaalala sa kanya. Kaya naman bigla ay nailang si Brielle sa ipinakikitang magandang gesture ni Johnny.                Bigla tuloy ay naalala niya ang mga sinabi nito sa kanya ng gabing magusap sila sa resthouse ng ama ng dalawang binata. Kaya naman bigla ay lumipat ng pwesto ng pagkain si Brielle dahil tila kakaiba ang mga titig na ipinahihiwatig nito sa kanya.                At alam niya sa sarili niya na tila siya ginugulo ng mga titig na iyon. Dapat ay na kay Nathan lang ang kanyang atensiyon at ayaw niyang dagdagan ang bumabagabag sa kanyang puso at isipan. Tila naman napansin ni Johnny ang ginawang pagiwas ni Brielle sa binata.                Kaya naman dali dali ay nilapitan siya nito at pagkuwa'y kinabig siya paharap at pagkuwa'y tinitigan siya nito. Nang magtama ang kanilang paningin ay pinakatitigan siya nito ng tila nangungusap ang mga mata na tila may gustong ipahiwatig.              "Brie, alam kong mali na ipilit ko sa'yo ang nararamdaman ko. Pero handa akong maghintay kahit gaano pa katagal." Seryosong pagamin muli nito sa kanya. "Pero Johnny" Tipid niyang sagot sa binata. "Sssshh Brie, Dapat una palang ay inamin ko na sa'yo ang totoo para hindi na umabot pa sa ganito" Paliwanag muli ni Johnny kaya naman bigla ay naguluhan siya.             "Ano bang sinasabi mo Johnny?" Nagtatakang tanong niya sa binata. "Brie, Saka ko nalang sasabihin kapag ready na ako" Malungkot na sagot sa kanya ni Johnny ''Alam mo masyado mong ginugulo ang isipan ko Johnny hay" Bigla ay naiinis na sagot niya sa binata.              Nang matapos na silang kumain ni Johnny ng almusal napagdesisyunan muna ni Brielle na umuwi saglit sa bahay ni Nathan. Balak niya kasing kumuha ng ilang gamit na kakailanganin niya sa pagbabantay sa binata. Kaya naman plano ni Brielle na magpaalam kay Johnny na ito muna ang magbantay sa kapatid.              Bago umuwi sa bahay ng binata paminsan niya munang tinitigan at kinausap si Nathan. At pagkuwa'y nagpaalam na uuwi muna siya saglit sa bahay nito. Batid niyang hindi naman maririnig ni Nathan ang kanyang pagpapaalam.               Ngunit gusto parin niyang magpaalam dito. "Nathan, uuwi muna ako saglit sa bahay mo sana pagbalik ko gising ka na" Paalam niya sa binata habang nangingilid ang mga luha. Hindi nagtagal at pumasok muli si Johnny sa kwarto ngunit kasama na ang ina at ama ni Nathan.              "Iha, magpahinga ka muna at kami na muna ang magbabantay kay Nathan" Malamlam na wika ng ginang at pagkuwa'y tumango si Brielle. "Opo tita, uuwi po muna ako saglit" Paalam ni Brielle sa ginang. "Okay iha, magpahinga ka muna bago bumalik at nasisigurado akong ganoon din ang gusto ni Nathan" Nakangiting paliwanag ng ginang sa kanya.                Pagkuwa'y nagpaalam na si Brielle sa ama at ina ni Nathan. Ngunit nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad sa kahabaan ng hospital ng bigla ay habulin siya ni Johnny. "Hey brie, wait!" Sigaw ni Johnny sa kanya kaya bigla ay napalingon siya sa kinaroroonan ni Johnny.               "Brie, sasamahan kita umuwi" Wika ni Johnny sa kanya. "Okay," walang pagtutol na sagot ni Brielle sa binata. Nang marating na nila ang pinagparkingan ng sasakyan ng dalaga. Mabilis na nagprisinta si Johnny na ito na ang magmamaneho.               "No Johnny, Ako nalang para hindi ako gaanong magisip para sa kalsada lang nakatuon ang isip ko" Paliwanag ni Brielle kaya naman wala ng nagawa pa si Johnny at hinayaan nalang niya siya na magmaneho.                Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe hindi maiwasan ni Brielle na sulyapan si Johnny. Ngunit tuwing mapapadako ang tingin niya sa binata ay tila sa malayo ito nakatingin. Kaya naman mas naging palagay ang loob ni Brielle habang nagmamaneho.                Nang marating nila ang bahay ni Nathan ay nagmamadali silang sinalubong ng mga katulong lalo na si Manang pacita. ''Ma'am Brielle, kamusta na po si sir Nathan?" Nagaalalang tanong ng matandang katulong. "Magiging okay din po siya manang" Matamlay na sagot niya kay manang pacita.                "Sir Johnny kamusta po" Tila naiilang na tanong ni Manang pacita sa binata. "Okay lang ho manang" Nakangiting sagot ni Johnny sa matandang katulong. Kaya naman pagtapos silang salubungin ng matanda ay sinamahan na silang makapasok sa loob ng bahay.                "Ma'am, Sir' Mayroon po ba kayong gustong ipaluto? Kumain na ba kayo ng tanghalian?" Tanong ng matandang katulong kay Johnny at kay Brielle. "Manang pwede ho bang dagdagan ninyo ang lulutuin ninyo para madala namin sa hospital pagbalik namin mamaya?" Pakiusap ni Brielle sa matanda.                "Sige Ma'am Brielle" Sagot ni Manang pacita at pagkuwa'y dali dali na itong nagpunta sa kusina upang makapagsimula na silang magluto.                 Habang si Johnny at Brielle naman ay tinungo ang kani kanilang silid upang makapagpahinga. Kaya naman ng makapasok na si Brielle sa kanyang silid ay mabigat niyang naibagsak ang kanyang katawan sa kanyang higaan.                 Pagod man ang katawang lupa niya ay kabaligtaran naman ito ng kanyang isipan. Tila hindi nagsasawa ang kanyang utak na isipin maya't maya ang kalagayan ni Nathan. Paano ba naman niya sisimulang magpahinga gayung ang isip niya ay tila hindi napapagod.                 Kaya naman upang kahit paano ay marelax ang kanyang isip ay naisipan niyang makinig ng kanta sa kanyang telepono at pagkuwa'y isinuksok ang headset sa dalawang tainga. Maya maya pa ay tila na siya hinehele ng mga musikang kanyang pinakikingan.                 Hindi nagtagal at nakuha narin niyang makatulog ng malalim. Makalipas ang apat na oras na pagtulog ay tila siya ginising ng isang halik sa kanyang pisngi. Kaya naman damang dama ni Brielle ang init ng mga labing dumampi sa parteng iyon ng kanyang mukha.                 Pero nang magmulat siya ng paningin ay bigla niyang nahawakan ang pisngi na hinagkan ng isang lalaki sa kanyang panaginip. "Nathan, alam kong ikaw ang humalik sa akin sana ay gumising ka na pagbalik ko" Naluluhang bulong ni Brielle sa sarili.                 Kaya naman ng humupa na ang mga luha na kanyang pinakawalan ay agad niyang inayos ang ilang gamit na kanyang dadalin pabalik sa hospital. Pagkuwa'y mabilis niyang tinungo ang banyo upang maligo at mahimasmasan ang kanyang katawan.                 Nang matapos na niyang gawin ang mga dapat niyang gawin sa loob ng kanyang silid ay dali dali na niyang binitbit ang mga gamit at pagkuwa'y tinungo ang sasakyan. Upang mailagay ang mga gamit niya sa loob nito.                 Maya maya pa ay nakita na niya si manang pacita na papalapit kay Brielle. "Ma'am Brielle hindi ka na kumain ng tanghalian kanina, Gusto mo bang baunin nalang sa biyahe?" Nagaalalang tanong ni Manang pacita sa kanya. "Huwag na ho manang dito ko nalang ho kakainin bago bumalik sa hospital" Sagot niya sa matandang katulong.                "Sige ho Ma'am Brielle ipaghahain ko na kayo ni sir Johnny." Sagot muli ni Manang pacita at pagkuwa'y bumalik muli sa loob ng bahay.                 Tangkang isasara na ni Brielle ang compartmen't ng kanyang sasakyan ng bigla ay pinigilan ni Johnny ang kanyang mga kamay. "Wait lang brie, pwedeng palagay ding gamit?" Seryosong pakiusap nito sa kanya. "Su-sure, no problem go ahead" Sagot niya sa binata at pagkuwa'y iniwanan na niya ito at tumuloy sa kusina.                  Hindi nagtagal at nakasunod narin sa kanya si Johnny. Ngunit habang kumakain sila sa loob ng kusina ay tila nagiba ang ambience ng paligid. ''Brie, Please don't avoiding me" Pakiusap ni Johnny sa kanya. "Ano bang sinasabi mo Johnny?" Nagtataka niyang tanong sa binata.                "Napapansin ko kasi na iniiwasan mo ako" Malungkot na pahayag nito sa kanya. ''Pwede ba Johnny please stop this nonsense topic hindi ako sanay'' Naiiling niyang sagot sa binata. ''Brie, I am serious" Muli ay sagot ni Johnny sa kanya. ''Johnny pwede ba not now?" Naiirita niyang sagot kay Johnny.                 Kaya naman ng matapos na silang kumain na dalawa ay mabilis nitong kinuha sa kanya ang susi ng kanyang sasakyan. "Ako na ang magdadrive Brie, magpahinga ka lang" Nakangiti nitong suhestiyon sa kanya. Kaya naman wala ng nagawa pa si Brielle kung hindi ipaubaya kay Johnny ang pagmamaneho ng sasakyan.                 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD