Chapter 17 The Sadness

1451 Words
         Simula nang dalawin ni Brielle, ang noo'y si Nathan na wala paring malay sa loob ng Icu ng hospital. Ay paulit ulit rumerehistro sa kanyang isipan ang lagay ng binata. Tila kay sakit para sa kanya na isipin na nasa ganoong kalagayan ang unang lalaking kanyang minahal.          Kaya bigla ay nagbalik tanaw si Brielle sa naging kasunduan nila ng binata. Ayon kasi sa naging paguusap nila sa kanilang gagawing pagpapangap. Kaya nila gagawin ito ay para matakpan ang kumakalat na issue kay Nathan dela torre.          Na di umano ay kasal na ito sa isang matandang mayaman. Kaya naman para malinis ang pangalan ng binata ay napilitan si Brielle na makipagkasundo dito ng walang anumang kapalit na hinihingi. Ngunit mayroong gustong patunayan si Brielle sa kanyang sarili.          Gusto niyang makilala nang buo ang binata. Upang sa gayun ay makumpirma niya ang matagal ng bumabagabag na paghanga niya sa binata. Noong una ay nahihirapan siyang pakisamahan ito dahil napaka desente nitong tao.          Kung pagbabasihan ang kredibilidad nito sa industriya ay talaga namang walang masasabi si Brielle. Dahil patunay nito ang muli niyang pagbabalik sa dating kumpanya sa tulong ni Nathan dela Torre. Isa din ito sa naging kasunduan nila upang pumayag na siyang tuluyan sa pagpapangap na asawa nito.          Wala man silang Do's and Don'ts sa pagitan ng kanilang kasunduan ay batid parin ni Brielle na tanging si Nathan lang ang may control sa kanilang dalawa. Ngunit habang tumatagal ay tila natutunan narin ni Brielle na mahalin ang binata dahil sa magagandang gesture nito sa kanya.          Kaya naman noong may nangyari sa kanilang dalawa ng binata ay lalong tumindi ang pagtingin ni Brielle kay Nathan. Ngunit ngayong nasa kritikal na kondisyon ang binata ay paano niya muling sisimulan ang mamuhay na hindi nakakasama si Nathan.          Muli ay tumulo ang mga luhang pinipigilan ni Brielle habang nasa loob ng opisina. Pinilit niya parin na gampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang trabaho. Kahit na ang kalahati ng kanyang puso at isip ay naroon sa binata.          Magkaganun man, patuloy parin si Brielle na umuuwi sa bahay ni Nathan. Dahil ito ang naging pakiusap ng matandang katulong at maging ang kapatid nitong si Johnny. Kaya naman tuwing weekend ay nilalaanan niya ng oras na bisitahin si Nathan sa Icu.          Ngunit tuwing bibisitahin niya ito ay puro lamang pagluha ang kanyang baon baon sa pagdalaw sa binata. Kahit mahirap sa kalooban ni Brielle ang mga pangyayari kay Nathan ay patuloy niyang kinakaya. Kahit palagi ay rumerehistro sa kanyang isipan ang imahe ni Nathan na nakaratay at wala paring malay.          Nang matapos ang duty ni Brielle ng araw na iyon ay dali dali na siyang lumabas ng opisina. Dahil plano niyang bisitahin muli si Nathan sa hospital. Bigla kasi niyang naramdaman ang lungkot ng kanyang puso. Gusto niyang pagbigyan ang kanyang kagustuhan na masilayan ang binata upang kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.          Nang makalabas na siya ng opisina ay mabilis niyang pinaharurot ang noo'y dalang sasakyan. Tila siya nangangarera sa bilis ng takbo nito hanggang sa makalipas ang ilang oras na pagmamaneho ay narating niya ang kinarorooanan ng binata.          Ngunit bago pumasok sa loob ng hospital ay bigla nanaman siyang napaluha at pagkuwa'y iniyuko ang ulo sa manubela ng sasakyan. ''Nathan, paano ba ako magiging maayos" Humahagulgol na bulong niya sa kanyang sarili. Muli ay pinakawalan niya ang mga luhang kanina pa walang tigil sa pagpatak.          Nang matapos niyang pahupain ang mga luha tumindig si Brielle upang humugot ng lakas at pagkuwa'y huminga ng malalim at lakas loob na niyang tinungo ang pribadong silid na kinararatayan ng binata.          Laking gulat niya ng pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang mga magulang ni Nathan pati narin ang kapatid nitong si Johnny. Noong una ay nagaalangan siyang pumasok ngunit nang maramdaman ng mga ito ang kanyang pagpasok mula sa pintuan ay dali dali siyang sinalubong ni Johnny.          "Brie, ikaw pala mukang namumugto nanaman ang mga mata mo. I told you alagaan mo ang sarili mo" Pagaalala ni Johnny sa kanya. Ngunit matamlay nalang niya itong tinanguan at pagkuwa'y sinamahan na siyang makalapit ni Johnny sa higaan ng binata.           "Tita, This is Brielle" Pagpapakilala sa kanya ni Johnny sa ina ni Nathan. "Hi Brielle, how are you iha you look pale" Nagaalala din nitong pagbati sa kanya. Kaya naman kahit masama pa rin ang kanyang kalooban ng sandaling iyon ay pinilit niyang magbigay galang sa ina ni Nathan.            "Ka-kamusta po" Tipid niyang bati sa ginang na noo'y titig na titig sa kanya. Batid niya ang sinseridad sa kilos ng ginang at magandang pagtangap nito sa kanya. Kaya naman nang titigan niya ang ginang ay hindi niya maitangi ang pagkakahawig nito kay Nathan.             Base na rin sa magandang kutis nito at ang maamong mata nito na kapareho ng kay Nathan. "Iha, Okay lang ba? alam kong mahirap para sa atin ang naging kalagayan ng aking anak. But I know my son is strong and brave and I surely know that he will survive." Naiiyak na paliwanag ng ginang sa kanya.             Kaya naman hindi na napigilan ang muling pagdaloy ng kanyang mga luha at pagkuwa'y mabilis na niyakap ang ginang. "Yes tita, Naniniwala po ako na malalagpasan din niya ito" Mahina niyang sagot sa ginang kahit na ang mga luha niya ay walang patid sa pagpatak.             Tila tumigil saglit ang mundo ni Brielle nang bigla ay tumunog ang life support ng binata. Kaya naman bigla ay nataranta ang mga magulang nito. Kaya naman dali dali ay tinawag ni Johnny ang mga doctor na nagaalaga kay Nathan.             Kaya naman hindi alam ni Brielle ang gagawin bigla ay nanginig ang kalamnan niya at pagkuwa'y mabilis na nilapitan si Nathan. "Nathan, please kayanin mo huwag kang susuko please" Humagulgol na pakiusap niya sa binata habang hawak ang kamay nito.             Samantala ang ina naman ni Nathan ay umiiyak na nakakapit sa kabilang kamay ni Nathan. At katulad ni Brielle ay walang patid ang pagpatak ng luha ng ginang. Pati ang ama nito ay hindi narin napigilan ang mga luha at pagaalala sa binata.              Hindi nagtagal at isa isa nang nagsulputan ang mga Doktor at ilang staff at pagkuwa'y pinakiusapan muna silang lumabas ng silid ng binata. "Please Ma'am lumabas po muna kayo upang maisagawa namin ng maayos ang pagaasikaso sa pasyente" Pakiusap ng doktor sa ginang.             "Samantha, lumabas muna tayo" Muli ay pakiusap ng ama ni Nathan sa ginang na noo'y walang tigil sa pagpalahaw ng iyak. Kaya naman kahit na hindi parin humuhupa ang pagiyak ng ginang ay pinilit itong hatakin ng ama ni Nathan papalabas ng silid.              Habang si Brielle naman ay inaalalayan ni Johnny at katulad ng ginang ay walang humpay sa pag iyak ng oras na iyon. Makalipas ang isang oras na paghihintay nila sa labas ng silid ni Nathan. Bigla ay lumabas ang isang doktor at pagkuwa'y mabilis na nilapitan ng ina ni Nathan.             "Dok, How's my son conditions?" Mabilis na tanong ng ginang. "Tatapatin ko na ho kayo, Pero lumalala na ho ang lagay ng pasyente, Masyado na pong bumababa ang oxygen level ng kanyang katawan pati narin ang kanyang heart rate. Kaya naman tanging himala nalang ang makakapagligtas sa kanyang buhay'' Malungkot na paliwanag ng doktor sa kanila.              Kaya naman muli ay humagulgol ang ginang pati narin ang ama ni Nathan. Habang si Brielle naman ay napayakap kay Johnny dahil sa narinig. Kaya naman ng sandaling iyon puro hagulgol at pagiyak ang naging sagot nila sa Doktor.              "Dok, Makakasurvive ang kapatid ko gagawin ninyo ang trabaho niyo diba?" Naiiyak na wika ni Johnny sa Doktor. "I'am sorry, Pero tingin ko ay tanging milagro at panalangin nalang ang makakapagligtas sa kanya." Muli ay paliwanag ng doktor at pagkuwa'y bumalik muli ito sa loob ng silid.               Maya maya pa ay bigla nanamang lumabas ang isang staff at pagkuwa'y pinapirma sila ng waiver form. Kaya naman sa halip na pumirma ang ina ni Nathan ay pinunit nito ang papel. "Mabubuhay pa ang anak ko! kaya hindi ko kailangan na pirmahan ang papel na iyan!" Matapang na sigaw ng ginang sa staff nurse.               Kaya naman bigla ay pinigilan ni Johnny at ng ama nito ang naghuhurementadong ginang. Kaya naman dali dali ay bumalik sa loob ng silid ni Nathan ang staff nurse at wala ng nagawa pa sa ginang.               "Samantha huminahon ka!" Pakiusap ng ama ni Nathan. "No! Bakit pinapatay na nila ang anak ko! buhay pa siya!" Muli ay sigaw ng ginang kaya naman si Brielle ay biglang nilapitan ang ginang at pagkuwa'y niyakap.                "Tita, calm down po makakaligtas po si Nathan naniniwala po ako" Pagaalo ni Brielle sa ginang kahit na siya man ay tila pinanghihinaan narin ng loob ng sandaling iyon. Kaya naman tila nakahanap ng kakampi ang ginang at pagkuwa'y niyakap din ng mahigpit si Brielle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD