Matapos ang masasayang araw ni Brielle, Muli ay nagbalik siya sa kanyang normal na buhay. Balik trabaho na siya muli kaya naman hindi na niya namalayan na lumipas mag iisang linggo na pala simula nang magsimula na siyang hawakan ang proyekto.
Kaya naman halos araw araw siyang umuuwi sa bahay ni Nathan na tila hapong hapo. Naging hands on kasi siya sa proyekto upang maplantsa niya kung ano ang mga gusot. Ngunit nagtataka siya bakit hindi parin umuuwi si Nathan.
Lumipas na kasi ang mahigit isang linggo simula nang magpaalam ito sa kanya na may business trip sa palawan. Ngunit laking pagtataka at hindi narin nasundan ang mga huling tawag at text nito sa kanya. Kaya naman nawawalan din siya ng ganang umuwi sa bahay nito.
Sapagka't hindi niya nasisilayan ang binata. At ang isa pa din niyang ipinagtataka ay hindi rin umuuwi si Johnny sa bahay ng kapatid. Kaya naman lalong gumugulo ang isip niya tuwing maiisip ang mga katanungan na iyon sa kanyang isipan.
Kapag tatanungin naman niya ang ibang katulong at maging si Manang pacita ay hindi rin nito masagot ang kanyang mga tanong. Tungkol sa hindi pagtawag ni Nathan parin narin ang hindi paguwi ni Johnny.
Kaya naman noong gabing iyon, Naisipan ni Brielle na maag magphinga tutal naman at tapos na siyang mag dinner. Kaya dali dali ay naihaga na siya sa kanyang kama, para kahit papaano ay makapagpahinga na ang kanyang isip.
Ngunit maya maya pa ay biglang nag ring ang kanyang telepono. Unregistered number ang rumehistro sa kanyang screen. Kaya naman dali dali ay sinagot niya ito . "Hello" Tanong niya sa kabilang linya. "Brie, this is Johnny" Malungkot na sagot ng binata. "Bakit Johnny napatawag ka?" Muli ay tanong niya sa binata.
"Brie, huwag kang mabibigla" Muli ay malungkot nitong sagot sa kanya, Kaya naman bigla ay kinabahan si Brielle nang marinig niya ang sinabi ni Johnny "Ba-bakit Johnny ano ang problema?" Nakakunot noong tanong ni Brielle sa binata.
"Brie, nasa hospital ngayon si Nathan. And he is in coma" Paliwanag ni Johnny sa kanya. Kaya naman nang marinig niya ang mga sinabi ng binata. Dali dali ay biglang bumagsak ang kanyang mga luha ng hindi niya inaasahan. Matagal bago mag sink in sa utak niya ang mga sinabi ni Johnny.
Kaya naman bigla ay natakpan niya ang kanyang bibig upang hindi marinig ni Johnny ang mga pagiyak niya noong sandaling iyon. ''Brie, Are you there?" Muli ay tanong ni Johnny sa kanya. Kaya bago sumagot sa binata pinahid niya muna ang mga luhang nagsibagsakan sa kanyang pisnge.
''Ye-yes ano ang nangyari kay Nathan? Bakit siya na coma? Nasaan siya ngayon? gusto ko siyang makita, Please dalhin mo ako sa kanya please." Sunod sunod na tanong at pagmamakaawa ang tanging nasagot niya sa binata. "O-okay calm down Brie, I'll pick you up later be ready" Muli ay sagot ni Johnny sa kanya at pagkuwa'y nagpaalam na ito sa kanya.
Kaya nang maibaba na niya ang telepono muli ay pinakawalan niya ang mga pinipigil na luha habang kausap si Johnny. Tila sinasaksak ang kanyang puso ng marinig ang nangyari kay Nathan. Paano niya tatangapin ang pagsubok na iyon sa kanya.
Lalo pa at may nararamdaman na siya sa binata, Bakit kung kailan naman napamahal ito sa kanya ay saka naman nangyari ang ganoong trahedya kay Nathan. Plano pa naman niyang ayusin na ang takbo ng kanilang relasyon na dalawa.
Ngunit paano niya ito magagawa gayung malala na ang lagay nito. Sunod sunod na hagulgol ang kanyang muli ay pinakawalan upang kahit paano ay maibsan ang sakit at pagalala niya kay Nathan. Nasa malalim parin siya ng pagluha ng marinig niya ang sunod sunod na katok sa pintuan ng kanyang silid.
Kaya ay dali dali niyang pinahid muli ang mga luha at pagkuwa'y binuksan ang pintuan. Tumambad naman sa kanya ang matandang katulong na si Manang pacita. Tila alam narin ng matandang katulong ang nangyari sa binata.
Kaya naman malungkot siya nitong kinakamusta. Ngunit tanging pagiyak lang ang naisasagot niya sa matanda. Dahil hindi parin niya kayang tangapin ang mga nangyari kay Nathan. "Ma'am Brielle, tumahan na po kayo." Pagaalo nito sa kanya.
Hindi na natiis ni Brielle at bigla niyang niyakap si Manang pacita nang sadaling iyon. Kaya naman ang matandang katulong ay panay hagod sa kanyang likuran. Upang siya ay pakalmahin, Ngunit mas lalong dinudurog ang puso ni Brielle nang mayakap niya ang matanda.
Matapos niyang mailabas ang hinanakit nang sandaling iyon. Muli ay inayos niya ang kanyang sarili at pagkuwa'y inayos ang ilang gamit na dadalhin niya pagpunta sa hospital na kinaroroonan ni Nathan.
Makalipas ang tatlong oras na paghihintay ni Brielle kay Johnny. Maya maya pa ay dumating na ang binata. Kaya naman hindi na siya nagaksaya pa ng oras ay dali dali niyang sinalubong ito.
"Johnny ano ang nangyari kay Nathan? Paano at nacomatose siya?" Sunod sunod na tanong niya sa binata. "Hey brie, please calm down Okay?" Pagaalo nito sa kanya. Dahil isa isa ng nagbagsakan ang kanyang mga luha ng salubungin niya si Johnny mula sa sasakyan.
"Please tell me? please" Muli ay pakiusap niya sa binata. "Brie, mabuti pa sumama ka nalang at puntahan na natin si Nathan" Pagyaya nito sa kanya kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ay sumakay na siya sa sasakyan ni Johnny at nagpaalam na sa matandang katulong.
Habang nasa biyahe, Hindi parin mawala ang takot ni Brielle nang sandaling iyon. Ganito din kasi ang naramdaman niya nang mamaalam ang kanyang ina dahil sa isang trahedya. Kaya naman ayaw na ayaw niyang pupunta sana sa hospital hangga't maari.
"Hey, Are you Okay brie?" Bigla ay tanong sa kanya ni Johnny habang ito ay nagmamaneho. "No," Mabilis niyang sagot sa binata at pagkuwa'y pinahid muli ang pumatak na luha sa pisnge. "Hush Brie, everything is going to be alright" Pagaalo muli sa kanya nito.
Ngunit parang tila gripong sira ang kanyang mga luha ng sandaling iyon at kusa itong tumutulo. Kaya kahit anong pilit niyang pagpapakalma sa sarili ay hindi niya magawa. First time niya kasing mainlove ngunit hindi niya inaasahan ang ganoong pangyayari sa unang lalaking kanyang minahal.
Makalipas ang ilang oras na biyahe, Muli ay nakaramdam si Brielle ng kaba sa kanyang dibdib. "Hey Brie, come on bumaba ka na diyan" Pagyaya ni Johnny sa kanya, Ngunit tila ayaw gumalaw ng kanyang mga paa. Bigla ay nanginig ang kanyang kalamnan ng sandaling iyon.
Buti nalang at inalalayan siyang makababa ni Johnny, Dahil kung nagkataon ay hindi siya makakapasok sa loob ng hospital. Habang tinatahak nila ng binata ang loob ng hospital, Bigla ay napakapit siya ng mahigpit sa braso ni Johnny.
Bigla kasi nag flashback sa kanyang alaala ang naging senaryo ng kanyang ina. Nang noo'y ito ay nagaagaw buhay sa hospital, Tila ngayon lang muli nanariwa ang mga masasaklap na pangyayari noon sa kanila. "Brie, relax okay magiging maayos din ang lahat. Kailangan mo lang maniwala" Muli ay pagaalo sa kanya ni Johnny.
Nang marating na nila Brielle ang pribadong kwarto ni Nathan. Naging sunod sunod ang pagkabog ng kanyang dibdib. Kaya naman kahit na tila hihimatayin si Brielle sa kaba ng sandaling iyon. Nilakasan parin niya ang kanyang loob at pagkuwa'y dahan dahan na niyang binuksan ang pintuan.
At tumambad nga kay Brielle ang noo'y si Nathan na madaming aparatong nakalagay sa katawan. Kaya naman bigla ay nanlumo siya at pagkuwa'y tila nag iba ang kanyang paningin. Kaya naman napakapit si Brielle sa handle ng pintuan. Buti nalang at mabilis siyang nahawakan ni Johnny sa balikat.
Muli ay nagsunod sunod ang patak ng luha ni Brielle na tila wala ng katapusan. bigla ay nanlambot ang kanyang mga paa, Kaya naman unti unti ay napaupo siya sa sahig dahil sa tindi nang sakit na nararamdaman niya ng oras na iyon.
"Brie, please come on tumayo ka na diyan. Hindi gugustuhin ng brother ko na makita kang nagkakaganyan. Kaya please lang" Muli ay pakiusap ni Johnny at pagkuwa'y tinulungan si Brielle na makatayo. ''Jo-johnny, Please tell me bakit nangyayari ito." Humahagulgol niyang tanong sa binata.
"Brie, please calm down first please. I don't wan't to see you like that please." Muli ay pakiusap ni Johnny sa dalaga. Kaya naman tila nakakuha nang lakas si Brielle at pagkuwa'y kusa na siyang tumayo at mabilis na nilapitan ang nakaratay na si Nathan.
"Nathan, Please wake up! wake up please." Sunod sunod na pagmamakaawa ni Brielle kay Nathan. Ngunit tila hindi niya alintana ang pagkakaratay ng binata. Batid niyang hindi siya maririnig nito ngunit gusto parin niyang subukang gisingin ito mula sa malalim na pagtulog.
"Nathan, please wake up" Muli ay pakiusap niya. kaya naman hindi na nakatiis si Johnny at bigla siyang niyakap nito.At pagkuwa'y hinimas ang kanyang likuran upang kahit paano ay bigyan siya ng lakas upang humupa ang kanyang sakit na nadarama.
Ngunit sadyang hindi alam ni Brielle kung paano pahuhupain ang mga bulto bultong luha na lumalabas mula sa kanya. "I am here brie, Hush please" Muli ay pangaalo nito sa kanya. Kaya naman nayakap niya ng mahigpit si Johnny dahil sa sakit na kanyang nadarama.