Chapter 15 A Happy Day

1476 Words
            Maaga palang ay umalis na si Brielle sa bahay ni Nathan, upang makapag renew ng lisensiya. Simula kasi ng tumira siya sa bahay ni Nathan ay hindi na siya nito pinagmaneho ng sasakyan. Kaya naman ngayong araw ay kailangan na niyang iparenew ang kanyang lisensiya, dahil sa nature ng kanyang trabaho.             Kakailanganin kasi niyang magmaneho pabalik balik sa construction site na kanyang hinahawakang proyekto. Sigurado naman kasi si Brielle na mauunawaan ng binata ang muli ay pagmamaneho niya. Kaya naman maaga siyang nagpaalam sa noo'y gising na matandang katulong na si Manang pacita.            Buti nalang at maaga pumila si Brielle sa Lto, Nang ma renewed na ang kanyang lisensiya napapailing siya at bigla dumami ang tao sa entrance at sa loob. Nakita kasi niya na tila kasing haba na ng pila sa Mrt ang naging pila ng ilang nagpaparenew at kukuha ng lisensiya ng araw na iyon.            Kaya naman dali dali ay umalis na siya sa lugar na iyon. At pagkuwa'y tinungo ang malapit na kainan, Dahil bigla ay tinamaan na siya ng gutom dahil hindi pa siya nakakapag almusal bago umalis nang bahay.            Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang bigla bigla ay tumunog ang kanyang telepono. Kaya naman dali dali ay sinagot niya ang tawag na mula pala sa kanyang ama. ''Hello pa, kamusta?" Nakangiti niyang tanong sa ama. ''Hello anak Brielle, Maari ka ba namin puntahan diyaan?'' Tanong papa Brandy niya.            "Naku pa, wala po ako sa bahay ni Nathan, pinarenewed ko kasi ang lisensiya ko'' Paliwanag niya sa ama. "Ganun ba anak, Maari ka bang pumunta nalang dito?" Tanong muli nang kanyang ama. "Sure pa, sige pupunta na po ako diyan, pagkakain ko " Sagot niya sa ama at pagkuwa'y binaba na niya ang telepono. At muli ay tinapos ang pagkain.             Dali-dali ay sumakay si Brielle nang taxi at pagkuwa'y nagpahatid na sa kanilang bahay. Kaya naman masayang masaya si Brielle noong umagang iyon dahil sa wakas ay mabibisita narin niya ang kanyang ama at kapatid.            Nang marating niya ang kanilang tahanan, Mabilis siyang bumaba ng taxi na akala mo bata sa pagkagalak. At pagkuwa'y sunod sunod na door bell ang kanyang ginawa upang ipaalam sa mga tao sa kanilang tahanan na naroon na siya at naghihintay sa labas.            Kaya naman nang bumukas na ang kanilang gate. Ay mabilis niyang sinalubong ang kanyang ama at kapatid na noo'y katulad din niyang sabik sa kanilang presensiya. At dali dali ay niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ama at kapatid.          "Grabe ate, para atang gumanda at kuminis pa lalo ang balat mo doon ah'' Nakangiting biro ng nakababata niyang kapatid na si Baste.  "Oo nga anak, Mas lalo kang gumanda para ka na tuloy isang artista kagaya ni Nathan'' Biro din ng kanyang ama na noo'y abot tenga ang mga ngiti.          "Kayo talaga, puro kayo biro tara na nga sa loob ano bang mamemeryenda natin?" Nakangiti niyang pagyayasa kanyang ama at kapatid. "Naku ate, nagluto si papa ng paborito mong mga ulam at dessert" Muli ay nakangiting sagot ni Baste.          "Oo nga anak, Madami ako niluto pati yung paborito mong empanada at mango graham" Dugtong ng kanyang ama. Kaya naman bigla ay nagutom siya sa mga inuluto nang kanyang ama, At pagkuwa'y nauna na siya sa kanyang ama at kapatid na tinungo ang kusina.           Kaya naman nanlaki ang mga mata ni Brielle nang tumambad sa kanya at iba't ibang klaseng putahe nang ulam. "Oh my, Pa' bakit parang ang dami naman ata nitong niluto mo eh tatlo lang tayo kakain nito?" Nagtatakang tanong niya sa ama.           "Kasi anak, pupunta din dito ang mga pinsan niyo at tita venus mo" Paliwanag ng kanyang ama. Kaya naman tila lalong na excite si Brielle. Dahil muli ay makikita niya ang mga pinsan niyang makukulit.            Lumipas ang maghapon ni Brielle sa bahay nila nang kanyang ama, na masaya lang at walang pinoproblemang trabaho at at kalalakihan. Masaya siyang nakipagkwentuhan at asaran sa mga pinsan at kapatid niya.            Kaya naman napagdesisyunan ng mga pinsan niya at tita venus na dito muna sa kanila mag night over. Para narin makabonding siya, Ngunit bigla ay naalala niyang hindi niya naipaalam kay Manang pacita na hindi siya makakauwi nang gabing iyon.            Dali dali ay tumawag siya sa bahay nang ni Nathan. At pagkluwa'y ipinaalam sa matandang katulong na si Manang pacita ang hindi niya paguwi nang gabing iyon. Hindi na naman ito umalma pa dahil alam na ng matanda na naroon siya sa bahay nila ng kanyang ama.            Maya maya pa ay habang masaya parin siyang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga pinsan. Ay tumunog ang kanyang telepono na noo'y hawak hawak niya. Nang makita ni Brielle kung sino ang tumatawag ay nagpaalam muna siya sa kanyang mga pinsan at pagkuwa'y sinagot ang tawag ni Nathan.          "Hello Nathan?" Tanong niya bigla sa binata. "Hello Babe, Where are you?" Tanong bigla nito sa kanya. Kaya naman bigla ay nakagat niya ang kanyang kuko dahil baka bigla ay magalit ito sa kanya. "Na-nathan umuwi kasi ako dito sa amin pinapupunta kasi ako ni papa, Sensiya na" Marahan niyang pagliwanag sa binata.           "It's Okay babe, you don't have to say sorry just take care of yourself Okay?" Paalala nito sa kanya kaya naman bigla ay may sumilay na ngiti sa labi ni Brielle. "Thanks nathan, By the way kamusta ka naman diyan?" Mabilis niyang tanong kay Nathan. "I am fine babe, but I'm slightly tired pero Okay lang ako" Muli masayang sagot ni Nathan kay Brielle.           "Ganoon ba nag dinner ka na ba?" Muli ay tila kinikilig niyang tanong sa binata. "Yes babe, I'm done! how about you?" Muli ay Tanong nito sa kanya. "Yes, kakatapos lang" Masaya niya muling sagot sa binata.            "Okay, by the way i had to go. I have some few business meeting later,  Good night babe miss you" Masayang wika nito sa kanya at pagkuwa'y tila lumundag ang kanyang puso sa mga narinig.            "Okay Nathan, Good night" Kinikilig niyang paalam kay Nathan at pagkuwa'y pinatay narin nito ang telepono. Nang matapos ang paguusap nila ng binata. Ngingiti-ngiti siyang bumalik sa tumpukan ng kanyang mga pinsan.             "Abot tenga ang ngiti ah" Naka ngiting biro sa kanya nang kanyang pinsan na si penny. Maya maya pa ay sinundan naman ito ng pahaging ng kanyang pinsang si Katrina. "Ganyan talaga kapag in love parang nababaliw" Natatawang dugtong ni Katrina.            Kaya naman bigla ay pinagaasar si Brielle ng kanyang mga pinsan ng gabing iyon. Kahit kasi siya ay hindi makapaniwala sa kanyang sarili. Kung nagugustuhan na ba talaga niya si Nathan. At kung mayroon na nga ba siyang namumuong pagtingin sa binata.            Bigla ay naitanong niya sa kanyang sarili, Kaya naman ilan segundo siyang natahimik at natulala habang kausap ang kanyang mga pinsan. "Huy bru, Tulala ka na diyan! hay naku tito Brandy! in love na si Brielle" Pang aasar ni Penny sa kanya. "Naku penny hindi ako magtataka, Napagwapo naman kasi ni Nathan Dela Torre tapos sikat at mayaman pa, kaya naman wala ng tulak kabigin si Brielle." Litanya ng kanyang pinsang si Katrina.           "Magsitigil nga kayo diyan, sabunutan ko kayo isa isa diyan eh" Bigla ay naiiritang sagot ni Brielle sa mga pinsan. Na noo'y walang tigil sa kakatawa at kakabiro sa kanya. Buti nalang at bigla umepal ang kapatid niyang si Baste at ang pinsan niyang si Ryan.            Bigla kasing nagyaya ang mga ito na pumasyal sa night food market ng ortigas na kilala sa tawag ''Banchetto". Kaya naman dali dali ay nagpaalam sila sa kanyang ama at tita venus. At pagkuwa'y tinungo na nila ang lugar.            Kaya naman walang pagsidlan ang kasiyahan ni Brielle ng gabing iyon. Na kung saan nakasama at nakabonding niya ang kanyang mga pinsan at kapatid. Nang marating na nila ang lugar masaya nilang nilibot ang napakaraming food stall sa lugar. Na kung saan makikita dito ang iba't ibang klase ng street foods.            Mayroong Korean street food, Japanese, chinese at kung ano anong street foods ng ibang bansa. Kaya naman hindi na pinalagpas ni Brielle ang pagkakataong iyon. At pagkuwa'y pinagtitikman na ang iba't ibang uri ng street foods sa lugar.            Ngunit hindi pa doon natatapos ang masasayang pagpupuyat nilang magpipinsan. Dahil muli ay nagkayayaan silang mamasyal sa isang comedy bar. Kaya naman pagkatapos nilang mag food trip ay agad nilang tinungo ang lugar.            Kaya lalo ay sulit na sulit kay Brielle ang gabing iyon. Dahil inumaga na sila sa pamamasyal kasama ang mga makukulit niyang pinsan at kapatid. Hindi maitangi ang pagkasabik ni Brielle, Dahil makalipas ang isang taong pamamalagi sa bahay ni Nathan at sa kanyang trabaho ay muli siya nabigyan ng pagkakataong mag enjoy hanggang umaga.            Ngayon niya lang ulit naramdaman ang ganoong experience at kasiyahan. At bonus nalang na kasama niya pa ang kanyang mga pinsan at kapatid. Kaya naman babaunin niya ang mga maliligayang sandaling iyon. Kapag pumasok na muli siya sa trabaho at matigil sa bahay ni Nathan.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD