''Brielle, anak pakitulungan naman ako saglit dito." Sigaw ng papa niya kaya naman dali dali ay tinungo niya ang kinaroroonan ng ama. Habang inaasikaso ang pagkuha ng order's ng ilang customer sa kanilang restaurant. Kaya naman pinalitan niya ang ama sa ginagawa nito at pagkuwa'y siya na ang naglista ng mga order's ng ilang customer. Nagkataon kasi na sabay nagkasakit ang dalawang crew nila ng araw na iyon. Kaya tutal naman at wala siyang pasok sa construction site ay nagboluntaryo nalang siyang tumulong sa kanyang ama. ''May I take your order's Ma'am?" Tanong niya sa babaeng customer. "Bago ka ba dito? at hindi mo alam ang inoorder ko palagi tuwing ganitong araw? sige bigyan mo ako ng Japchae, Tteokbokki, Grilled burger w/ cheese and Mash potato without g

