Tila natuod si Brielle sa kinatatayuan ng sandaling iyon ng bigla ay makilala parin siya ni Nathan Dela Torre. Hindi niya alam kung paano igagalaw ang paa upang ihakbang papalayo sa lalaking hindi niya sukat akalain na muli ay kanyang makikita. "Wala ka bang sasabihin man lang sa akin? So you already forgot me wife?" Seryosong tanong nito sa kanya. "Pa-paano mo na-nalaman na nandito ako?" Nauutal niyang tanong kay Nathan. "It's not that really important my wife, All i know is finally see you again after a years." Seryoso muling sagot nito sa kanya. Ngunit tila kaylaki ng pinagiba nito kumpara sa dating Nathan Dela Torre na kanyang nakilala. Kung dati ay mayroon itong masiglang awra ng mukha ngayon ay tila may kung anong elemento ang sumanib sa awra ng binata. At

