Hindi mapakali si Brielle sa kanyang kinauupuan ng sandaling iyon. Ito kasi ang araw na makikipagkita siya muli kay Nathan. Ngunit kasama niya si Johnny upang ipaalam nila ang kanilang relasyon. Ngunit hindi pa man, ay pinuputakti na ng kaba ang kanyang dibdib. ''Hey, my princess okay ka lang ba? are you nervous?" Nakakunot noong tanong ni Johnny kay Brielle. ''O-okay lang ako, huwag mo akong intindihin." aniya kay Johnny. Ngunit ang dibdib niya ng mga oras na iyon ay tila may naghahabulang kabayo sa bilis. Kaya naman pinagsalikop niya ang dalawang kamay upang mawala ang nerbyos niya ng sandaling iyon. Habang hinihintay nila ang pagdating ni Nathan ay wala namang humpay sa pagaalala si Johnny sa kanya. Maya't maya ay tinatanong siya nito kung ano ang nararamd

