Makalipas ang isang buwan na pagtatrabaho ni Brielle sa dating kumpanya. Mabilis niyang nakuha ang malaking proyekto kaya naman ang katrabaho niyang si Treena ay panaw kantiyaw sa kanya. Sa wakas at pagkatapos ng kanyang mga pinagdaanan ay muli siyang nagkaroon muli ng sigla sa buhay na akala niya ay hindi na muling mangyayari pa.
Mabilis ay tinapos ni Brielle ang kailangan niyang gawin ng araw na iyon dahil plano niyang surpresahin ang ama. Balak niyang umuwi sa bahay nila tutal naman at maaga niyang tinapos ang kanyang mga kailangang tapusin. Dali-dali kinuha na niya ang kanyang bag at pagkuwa'y isinukbit na sa balikat at nilisan na ang loob ng opisina niya.
Dahil sa sobrang pagmamadali niya hindi niya napansin na ang lalaking paparating kaya naman bigla ay nabanga niya ito at pagkuwa'y tumama ang kanilang noo sa isa't isa at nalaglag ang bag na dala dala. Nang sipatin niya ang lalaki gulat na gulat siyang napahawak sa bibig at bigla ay napatakip siya. ''Oh my god I'm sorry anong ginagawa mo dito Johnny?'' Bigla ay tanong niya sa binata.
Ngunit tipid naman siya nitong ngitian at pagkuwa'y tinalikuran na siya nito. Nagtataka naman si Brielle sa inasal ng binata na tila ba hindi siya nito nakikilala. Kaya naman dali dali ay pinulot niya ang kanyang bag at lumabas na sa building. Mabilis naman niyang pinara ang taxi na parating at pagkuwa'y ihinintuan na siya nito at isinakay na siya.
Hindi mawala sa isip ni Brielle ang lalaking si Johnny tila at nagiba ito kaysa dati. Samantalang kahit papaano ay dapat maalala siya nito. Bumuntong hininga nalang si Brielle at pagkuwa'y sinipat ang orasan, Pasado ala una palang ng hapon kaya masaya niyang mabibisita ang ama at kapatid. Isinantabi muna niya ang pagiisip kay Nathan sa kung ano ang maaring reaksiyon nito sa pag bisita sa ama ng walang pahintulot nito.
Nang marating na ni Brielle ang kanilang tahanan excited niyang pinindot ang doorbell ng kanilang gate. Ngunit matagal bago siya pagbuksan ng ama at kapatid kaya naman kinuha niya agad ang telepono at dinial ang numero ng kapatid na si Baste upang ipaalam na naririto siya sa labas ng gate ng bahay. Ngunit tila walang tao sa loob ng kanilang bahay kaya naman napilitan si Brielle na hintayin muna ang mga ito sa labas ng bahay.
Sa pagbabakasali ni Brielle na baka dumating narin ang ama at kapatid bigla ay naabutan siya ng malakas na ulan sa labas. Kaya naman hindi alam ni Brielle kung paano ikukubli ang sarili upang hindi mabasa ng malakas na ulan. Napilitan na siyang tumakbo upang humanap ng masisilungan ngunit sadyang wala siyang mahanap at tanging mga sasakyan lamang ang maari niyang mapagkublihan.
Nang makakita siya ng sasakyan dali-dali ay pinara niya ito ngunit tila minamalas siya ngayong araw dahil walang gustong huminto upang isakay siya. Kaya naman tuluyan ng nabasa ang buo niyang katawan pati ang bag na dala. Bigla ay napayakap nalang si Brielle sa sarili upang maibsan ang lamig ng katawan na noo'y basang basa na dahil sa lakas ng ulan.
Hindi nagtagal at may mabait na sasakyan ang huminto para isakay siya ngunit laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang binatang si Johnny. Noong una ay nagaalangan siyang sumakay dito ngunit mabilis siya nitong nahawakan sa kamay at pagkuwa'y pinapasok na siya sa loob ng sasakyan ng binata. Dahil airconditioned ang sasakyan nito mas lalong bumalot ang lamig sa kanyang katawan kaya naman hindi na niya napigilan ang pangangatal ng labi.
Agad naman itong napansin ng binata kaya naman dali-dali nitong inabot ang jacket na nakalagay sa back seat ng sasakyan at pagkuwa'y iniabot sa kanya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na suotin ito dahil sa labis na lamig na kanyang nadarama ng mga oras na iyon. Ngunit sadyang lamig na lamig siya ng sandaling iyon na kahit nakasuot sa kanya ang jacket nito ay hindi parin maibsan ang pangangatal ng kanyang katawan.
Maya-maya pa at pinatay na ng binata ang airconditioned ng sasakyan kaya naman laking pasasalamat niya dito at naunawaan agad ang kanyang kalagayan. ''How you feel are you still cold?'' Marahang tanong nito. ''Ye-yes pasensiya ka na hindi ko kasi ineexpect na bigla uulan kaya hindi ko nadala yung payong ko'' Paliwanag niya sa binata tila naman naunawaan siya nito at pagkuwa'y itinanong na kung saan siya maaring ihatid nito.
Nang ituro ni Brielle ang lugar bigla ay kumunot ang noo nito at tinanong siya kung siguradong doon ang kanyang inuuwian. Makailang ulit siya nitong tinignan kung na tila hindi parin makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi nagtagal at narating na nila ang malaking bahay ni Nathan at pagkuwa'y tangkang baba na siya upang makapasok na sa loob ng bigla ay inilock nito ang pintuan ng sasakyan.
''Hey bababa na ako baka pwede mo nang buksan ang pinto. Ngunit tila may pinindot lang ito at bigla bigla bumukas ang malaking gate ni Nathan. Kaya naman muli ay napahawak siya sa bibig, Laking pagtataka niya sa ginawa nitong pagbubukas ng gate paano't may control din ito sa pagbubukas nito nang kagaya kay Nathan.
Nang makapasok na sila sa loob ng bahay dali-dali naman silang sinalubong ng mga katulong at laking pagtataka niya ng batiin ng mga ito ang lalaking kasama niya. ''Good afternoon po sir Johnny and mam Brielle'' Bati sa kanila ng matandang katulong na si Manang pacita. Ngunit nang mapansin siya ng katulong na tumutulo at basang basa ang kanyang damit ay agad itong nagpakuha ng tuwalya sa iba pang katulong at dali dali naman ang mga itong inabutan siya ng tuwalya.
''Ano pong nangyari sa inyo Maam Brielle bakit po basang basa kayo? Magagalit po niyan sa inyo si sir Nathan'' Pagaalala ni Manang pacita sa kanya. ''Huwag niyo pong isipin yun manang naabutan kasi ako ng malakas na ulan sa daan'' Paliwanag sa katulong at pagkuwa'y niyaya na siya nitong pumasok sa loob ng bahay at pinagpalit na ng damit.
Ngunit bigla ay naalala niya ang binatang si Johnny ano at kilala siya ng mga katulong. Muli ay nagisip siya habang naliligo hindi parin maalis ang pagtataka niya sa binata. At tila dito din ito nakatira, Bigla ay naalala niya ang senaryo sa hospital noong hinimatay siya. bumalik sa kanyang alaala ang pagtangi nito sa hinihiling niyang pagtulong sa kanya upang makatakas kay Nathan na mabilis nitong tinangihan.
Kaya siguro siya tinangihan nito ay dahil magkamaganak sila ni Nathan. Bigla ay naipilig niya ang ulo at tinapos na ang paliligo at dali-dali nang nagpalit ng damit at napili niyang isuot ang makapal na panjama at blouse dahil tila nagiba ang kanyang pakiramdam. Nang mapatuyo na niya ang buhok pinili muna ni Brielle makapagpahinga upang makabawi ng lakas.
Nagising si Brielle sa sunod sunod na katok mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Nang tangkang babangon na siya bigla ay naramdaman niya ang pagsakit ng kanyang katawan at tila siya giniginaw. Maya maya pa ay sinundan na ito ng pagbahin kaya naman nasigurado niya sa sarili na tinamaan na siya ng sakit ng mga oras na iyon.
Gayunpaman kahit na masama ang kanyang pakiramdam pinilit parin niyang makabangon sa higaan at pagkuwa'y binuksan ang pintuan ng silid. Tumambad naman sa kanya si Nathan na tila hindi maipinta ang muka at pagkuwa'y niyaya na siya nitong bumaba upang makakakain na ng hapunan. Kaya naman wala na siyang nagawa at hinayaan nalang ang binata na hatakin siya pababa sa kusina.
Masama man ang pakiramdam matamlay niya paring kinain ang mga pagkaing iniligay nito sa kanyang plato. Ngunit sadyang tila matabang ang panlasa niya kaya naman hindi niya nagawang ubusin ang mga inilagay nito. Hindi niya namalayan na naroroon din pala si Johnny at kasalo nilang kumakain. Hindi na kasi niya nagawa pang lingunin man lang ang mga naroroon dahil masama na talaga ang kanyang pakiramdam.
Hindi nagtagal at nagpaalam na siya sa mga ito ngunit tangkang tatayo na siya sa hapagkainan ng bigla ay tila siya naliyo. kaya naman bigla ay napakapit siya sa bakanteng upuan kaya naman bigla napatayo sa kinauupuan ang dalawang binata upang alalayan siya nito. Ngunit mabilis na lumapit sa kanya si Nathan at pagkuwa'y hinawakan siya nito sa tagiliran.
Nagalala si Nathan ng bigla siya nitong mahawakan sa braso at tila naramdaman nito na mainit si Brielle. Dali-dali ay tinawag niya ang mga katulong upang magpatawag ng Doktor. Kaya naman si Johnny ay mabilis na nilapitan ang dalaga at pagkuwa'y sinalat ang noo. ''No she doesn't need a Doctor she is just having a fever'' Paliwanag nito at sumang ayon nalang si Nathan sa sinudjest nitong mga gamot na dapat inumin.
Tila naman hibang si Brielle ng sandaling iyon dahilan upang hindi na niya namamalayan ang mga pangyayari sa kanya. Hindi na nakatiis si Nathan at binuhat na lang si Brielle upang maiakyat sa silid nito mabilis namang nagsisunuran ang mga katulong at dala dala ang mga kailangan upang malunasan agad ang sakit ni Brielle.
Kahit na nagpapangap lang na asawa si Nathan sa kanya tila totoo na ang ipinakikita nitong pagaalala sa kanya. Kaya naman kahit na masama ang pakiramdam ni Brielle ay biglang lumukso ang damdamin para sa binata. Nagpapasalamat siya dito dahil hindi siya nagagawang pabayaan simula ang magkasundo na silang dalawa sa planong pagpapangap na magasawa.
Ramdam ni Brielle at pagaasikaso nito sa kanya noong gabing iyon na tila wala ng planong lumabas ng kanyang silid si Nathan upang mabantayan siya ng maayos. Kada oras ay nararamdaman niya ang pagpupunas nito ng bimpo sa kanyang braso at muka. Hanggang sa hindi na niya namamalayan na nakatulog na pala siya ng gabing iyon.
Nang magmulat si Brielle mabilis niyang sinipat ang orasan dahil may pasok pa siya. Ngunit ng mapagtanto niyang alas tres pa lang ng madaling araw dahan dahan ay bumangon siya sa higaan upang sana ay magbanyo. Ngunit bigla niyang naramdaman ang mga kamay ni Nathan na nakahawak sa kanyang mga kamay.
Gulat na gulat siya ng tignan ang binata na noo'y natutulog ng nakaupo. Bigla ay nakaramdam siya dito ng awa sa binata. Kaya naman dali dali ay tinapik niya ang balikat nito upang magising at lumipat na ng higaan. Ngunit ng magising ito ay agad siyang sinalat sa noo at nang makumpirma parin nito na medyo may sinat pa si Brielle ay muli siya nitong pinunasan ng bimpo sa kamay ,braso at muka.
Hindi na humadlang pa si Brielle sa ginawa ni Nathan tila kasi lumukso ang puso niya dahil sa ginawa ng binata sa kanya. Tila nagiba ang pagtingin niya sa binata noong oras na iyon at tila isinisigaw ng kanyang utak at puso na yakapin ito upang ipaalam dito na naapreciate niya ang ginawang pagaalaga sa kanya habang siya ay may dinaramdam na sakit.
At hindi nga nagtagal at mabilis niya itong niyakap wala na siyang pakielam kung ano pa ang sabihin ni Nathan basta gusto niya lang sundin ang inuutos ng kanyang puso at utak na mayakap ang binata. Ngunit naramdaman din niya ang pagsagot nito sa kanyang yakap at mahigpit din siya nitong niyakap at pagkuwa'y hinalikan ang kanyang buhok.
''Thank you Nathan, thank you for taking care of me I really appreciate it'' Tila naiiyak niyang wika sa binata. Ngunit sa halip ay mabilis itong kumawala sa pagkakayakap at lumabas na ng kanyang silid. Nabigla naman si Brielle sa ikinilos nito ano at tila nagalit ito sa mga sinabi niya. Kaya naman malungkot siyang muli ay humiga.