Masayang nagising si Brielle ng umagang iyon. Ito kasi ang araw na muli ay makakapagtrabaho na ang dalaga .Simula kasi ng magkasundo na sila ni Nathan dela torre naging maluwag na ang binata sa kanya at hinayaan siyang muli ay makapagtrabaho. Kaya naman excited siyang nagising ng umagang iyon sa wakas at makakabalik muli siya sa kumpanyang dating pinasukan sa tulong ng impluwensiya ni Nathan.
Makalipas kasi ang ilang buwan na pagmumukmok niya sa bahay nito ay nakuha na niya ang tiwala ng binata. Miski ang Ama niya at kapatid ay malaya na rin siyang nabibisita sa bahay ni Nathan, Noong una ay hindi payag ang kanyang ama na tumira siya at makipagkasundo sa binata ngunit sa huli ay pumayag na rin ito sa plano nila.
Madalas naman ay nagkakasundo narin naman sila ni Nathan at maayos na niyang nagagampanan ang pagpapangap na asawa dito. Kaya naman mas gumaan na ang loob ng binata sa kanya madalas pa nga at tila minsan ay tila tinototoo nito ang pagiging magasawa nila. Dahil hindi nito maiwasan na isurprise siya ng kung ano ano at isama siya sa mga nagiging lakad nito pati ang paglabas nito sa television ay kabuntot siya.
Nang matapos ni Brielle ang pagaayos dali-dali ay bumababa na siya at tinungo ang kusina upang makapaghanda ng maalmusal niya. Ngunit laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang binata na busy sa pagtulong sa pagluluto sa mga katulong. Nang mapansin siya nitong naroroon agad agad ay tinawag siya nito at pinaupo sa lamesa at pagkuwa'y isa-isang inihain sa kanya ang mga pagkain ipinahanda.
''By the way good morning babe hows you sleep?'' Nakangiting tanong nito sa kanya. ''Okay naman excited lang ako dahil ito ang first day ko sa work'' Nakangiti din niyang sagot sa binata. ''Hmm ihahatid kita sa work mo today'' Mabilis na suhestiyon nito. Tila naman may bumara sa kanyang lalamunan kaya hindi agad siya nakasagot sa suhestiyon ng binata.
''Oh lets eat na try this one ako ang nagluto niyan'' Pagyayabang nito sa kanya at pagkuwa'y nilagyan na siya nito ng nilutong pagkain. Wala nang nagawa pa si Brielle kung hindi tikman ang ipinagmamalaki nitong niluto. Ngunit ng matikman niya ang pagkain ay napalaki ang kanyang mata na sumangayon sa sinabi nitong masarap.
Totoo nga at masarap pala magluto ang binata sa ilang buwan kasi na inilagi niya sa bahay nito ay ngayon lang siya naisipang ipagluto nito. Nang matapos niya ang agahan ng umagang iyon naghanda na siya sa pagpasok sa opisina dahil sa dami ng iuupdate niya sa kumpanya. Ngunit mabilis pa sa alas kwatro ay nakapagpalit na si Nathan ng damit at dali-daling tinungo ang sasakyan upang paandarin na ito.
Bigla tuloy nailang si Brielle sa ipinakikita ng binata sa kanya hindi kasi siya sanay na inaasikaso siya nito lalo na at pagpapangap lang ang lahat sa kanila ni Nathan. Ayaw din kasi niyang sanayin ang sarili sa binata lalo at hindi naman totoo ang lahat ng ipinakikita nito yun kasi ang itinatanim niya sa kanyang isip na ang lahat ay pagpapangap lamang.
''Hey hindi ka ba sasakay?" Tanong ng binata sa kanya agad naman siyang natauhan at dali dali nang sumakay sa sasakyan nito. ''Kanina ka pa tulala diyan is there any problem?'' Tanong muli nito. "'Ah wala naman'' Sagot niya sa binata at pagkuwa'y umalis na sila.
Habang nasa biyahe itinuon nalang ni Brielle ang pansin sa labas ng kalsada at pinagmasdan ang mga naglalakihang building. Naalala niya tuloy bigla ang nangyari sa kanya makalipas ang siyam na buwan. Dati ay tuwing lalabas siya ng building ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ay walang araw na hindi siya napapatitig sa billboard ni Nathan.
Ngunit sa isang iglap ay hindi niya inakala na ito ang magiging dahilan ng pagkakasangkot niya sa isang aksidente at ngayon ay kasama niya pa ito sa iisang bubong at eto nga at nagpapangap pa siyang bilang asawa ng binata. Hindi niya inakala na ganoon kabilis magbabago ang kanyang buhay.
Maya maya pa at biglang nagring ang telepono ni Brielle kaya naman dali-dali ay dinukot niya ito sa bulsa ng kanyang bag at pagkuwa'y sinipat ang rumehistrong numero sa kanyang telepono. Maya maya pa at sinagot na niya ang tawag, ''Hello who is this speaking?'' Tanong niya kabilang linya. ''Hi babe mukang nakalimutan mo na agad ako it's me Marco balita ko babalik ka na today kaya naman excited na kong makita ulit'' Pahayag nito.
''Oh ikaw pala yan Marco yes ngayon nga ang balik ko diyan'' Sagot niya sa binata at pagkuwa'y nagpaalam na siya rito at pinatay ang telepono. ''Who is that guy?'' Nakakunot noong bigla ay tanong sa kanya ni Nathan. ''Ah kasamahan ko sa work si Marco'' Nakangiti niyang sagot dito ngunit nang sipatin niya muli ang muka nito ay tila hindi na maipinta.
Kaya naman bigla ay nagtaka siya sa naging reaksyon ng binata ngunit hindi nalang niya ito pinansin at muli ay itinuon na lang niya ang pansin sa daan. Hindi nagtagal at narating na nila ang company building na muli niyang papasukan. At mula sa ibaba nito kitang kita padin ni Nikki ang malaking billboard ni Nathan.
Kaya hindi niya maiwasan na mapangiti ng oras na iyon. Dahil ang lalaking tinititigan niya ngayon ay nakakasama niya na sa bahay at may bonus pa dahil hinatid pa siya nito sa kanyang trabaho. ''Mukang tinititigan mo ang billboard ko gwapo ba ko diyan?'' Biro ng binata bigla naman siya natauhan at pagkuwa'y bumaba na ng sasakyan.
''By the way thank you Nathan'' Wika niya sa binata. ''You're welcome babe i pick u up again later'' Nakangiting sagot nito sa kanya. Tila naman bigla ay sumikbo ang damdamin ni Brielle ng muli ay marinig niya ang pagtawag sa kanya ng binata. Hindi parin siya makapaniwala na tinatawag parin siya nitong babe gayung hindi naman sila nakaharap sa publiko.
Nang makaalis na ang binata dali-dali ay pumasok na siya sa loob ng company building at pagkuwa'y pinacheck muna niya ang kanyang gamit sa receptionist dahil ito muli ang umpisa niya sa kumpanya. Kahit na tumagal na siya rito nag mahigit pitong taon.
Tila nakakita ng multo ang mga dating kapwa empleyado ni Brielle nang pumasok na siya sa loob ng opisina. Agad ay nakarinig siya ng bulungan sa mga ito, Maya-maya pa at nilapitan naman siya agad nang dating madaldal na katrabaho na si treena. ''Oh my god Brielle thank you at nagbalik ka ulit!" Sigaw na wika nito sa kanya at pagkuwa'y sinipat siya mula ulo hanggang paa.
''Grabe Brielle hindi parin ako makapaniwala mas lalo kang gumanda'' Paghanga nito sa kanya at bigla ay hinatak siya nito papasok sa opisina ng kanilang director. Agad naman siyang sinalubong ng nakangiti ng director at pagkuwa'y magalang siyang pinaupo sa swivel chair ng opisina.
''Hi Brielle iha' natutuwa ako at muli ay napili mong bumalik dito sa kumpanya'' Bungad nito sa kanya. ''Naku maraming salamat po Mr. johnson'' Sagot niya sa director. ''Siguro at naexplain ko na sayo sa telepono ang mga adjustment na gagawin mo sa kumpanya iha nawa ay naintindihan mo itong mabuti'' Paliwanag nito at pagkuwa'y tinanguan na niya ito at pumunta na siya sa kanyang dating opisina.
Makailang beses inilibot ni Brielle ang paningin sa loob ng pribadong opisina na dating kanyang tinutuluyan. Hindi parin kasi siya makapaniwala na nakabalik siya muli dito dahil sa tulong narin ni Nathan. Nang bigla ay naalala niya ang binata ipinilig ni Brielle ang ulo at sinimulan na ang nakaatang na mga trabaho sa kanya ngayong araw.
Maya-maya pa at biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at inuluwa nito ang nakangiting si Marco. ''Hi babe how are you its good to see you again'' Bungad nito sa kanya kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ngitian ito. Heto at muli ay kukulitin nanaman siya nito araw araw at ipipilit parin nito ang dating ginagawa na pagsabay sa binata tuwing tanghalian.
Naiinis man si Brielle kay Marco dahil sa kulit nito. Ay pinili nalang niyang ibaling sa pagtatrabaho ang isip upang matapos niya ng maaga ang trabaho ngayong araw. Hindi nga siya nagkamali at muli nang sumapit ang tanghalian ay dinalan siya muli nito ng pagkain at pagkuwa'y sinabayan siya muli sa pananghalian.
Hindi niya parin talaga maintindihan ang binata na kahit anong panlalamig ang gawin niya dito ay patuloy parin siya nitong ginagawang ng magandang gesture's. at muli natapos ang ang kanilang pananghalian na wala itong ginawa kung hindi kulitin at ayain siya na magdate. Ngunit kung dati ay hindi niya magawang sumama dito lalo pa ngayon at may kasunduan sila ni Nathan.
Ayaw naman niya na masira ang tiwala nito sa kasunduan nila at madala pa niya sa alanganin ang pangalan ng binata. Marahil ilan sa mga kasamahan niya sa trabaho ay may alam na tungkol sa kanila ni Nathan Dela Torre. Kaya naman kailangan ay mas maingat siya sa kanyang bawat gagawin upang mapangalagaan nila ang kasunduan na dalawa.